-Shimaira-
Pagpasok sa domatio, sobra ang pagkamangha ko sa ganda. Hindi tulad sa ordinaryong room. Dito sa domatio, may mga lumulutang na libro, pinalilibutan ng kumikinang na bagay. Ang kanilang white board, may pindutan sa gilid. May isang parte ng domatio ang pinalilibutan ng paintings, tulad ng libro lumulutang ang mga 'yon. Natapos lang ang pag scan ko sa lugar, nang magsalita ang guro. (Domatio means Room)
"Let's all welcome Shimaira Mendez" nahihiya man ay pinilit kong wag ipakita. Nandito ako ngayon sa room kung saan ako mag-eensayo. Nanginginig man ay tumayo ako ng tuwid sa harap ng mga kapwa ko estudyante.
"Please introduce yourself Shimaira." Utos sa'kin ng teacher na nasa harapan ko.
"H-hi my Name is Shimaira Mendez, I'm 18 years old." Nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata. Hindi ko alam kung bakit.
"18 years old ka palang. Bakit nandito ka na?" tanong ng babaeng mahaba ang buhok. Siya ang may pinakamahabang buhok sa'min.
Hindi ko magawang makasagot dahil yan rin ang tanong ko. Muli kong pinagmasdan ang mukha niya. Napakaganda niya. Maputi ang kutis at sumisigaw ang hubog ng katawan niya. Mapilantik ang pilik mata at mapupula naman ang labi, unti nalang ay hugis puso na. Ang ganda niya talaga.
"'Tsaka ano'ng kapangyarihan mero'n ka?" tanong naman ng isang lalaki na may kulay pulang buhok. Hindi mo mahahalata ang kulay no'n, kung hindi matatapatan ng liwanag. Mas matangkad siya sa 'kin ng kaunti, malamlam ang mga mata at halos maging kakulay na ng nyebe sa sobrang puti.
"Teka bakit ba ang dami niyong tanong sa kaniya." Protesta naman ng babaeng pakiwari ko'y siya ang kumatok sa 'kin kanina. Pag sabi niya no'n ay tumingin siya sa 'kin at ngumiti. Tipid ko ding nginitian siya. Mula kanina ay hindi na nawala sa isip ko ang mala-anghel niyang mukha. Tulad ng naunang babae mapilantik ang mga pilikmata niya. Parang naka lipstick sa sobrang pula ng labi. Singkit ang mata, nawawala na nga kapag ngumingiti siya.
"Gusto lang naming malaman kung anong mero'n sa kaniya," malamig na sabi ng babaeng may mahabang buhok.
"Okay Mageias, pa-upuin niyo muna kaya si Shimaira?" Tatawa - tawang sagot naman sa kanila ng gurong nasa gilid ko.
"Hindi siya maaaring umupo hanggat di niya nasasagot ang mga tanong namin." Nanlilisik ang mata sa 'kin ng lalakeng may pulang buhok.
"Uulitin ko ang tanong, bakit 18 ka pala'ng tapos nandito kana?"
"At ano'ng kakayahan mo?" Inulit nila ang tanong ngunit, wala pa rin akong masagot.
"Hindi ko rin alam kung bakit nandito na agad ako, at tungkol sa kakayahan ko, I'm the Therapeftis. " Kinakabahang sagot ko.
"Hahahahaha!" Malakas na tawa nila, iilan lang ang hindi tumatawa kasama na ro'n ang babaeng kumatok sa kwarto ko kanina.
"Mageias!" Sigaw ng guro namin. Ngunit hindi sila natigil sa pagtawa. Parang wala silang takot sa gurong nasa harap nila. Kung nasa ordinaryo silang eskwelahan, hindi sila uubra kung ganyan sila.
" 'Yon lang ang kakayahan mo? Nagpapatawa ka ba? Alam mo ba ang kakayahang mero'n kami?" halos maluha-luha na sa pagtawa ang babaeng mahabang buhok , tinatanong niya ako sa paraan na nakaka-insulto.
Gano'n ba talaga kahina ang kapangyarihang mero'n ako, para pagtawanan nila? Ganyan din ang reaksyon ni tita sa 'kin. Gusto ko nalang magpakainin sa lupa dahil sa kahihiyan.
"Maaari ka ng umupo Shimaira." Utos sa 'kin ng aming guro. Paupo palang sana ako, nang magliyab ang papel na nasa lamesa ng aming guro. Nanlaki ang mata ko dahil sa nangyare. Napako ang paningin ko do'n.
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...