"Sinabihan niyo ba si mama?" i asked.
Umiling naman si danny "Hindi, plano ko sana sabihin kung magkataon na di ka pa magigising ngayung gabi, kaso nagising ka naman na." he said.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Whooa, buti naman ayokong mag-alala yun si mama. Uuwi na din tayo mamaya." i said.
"Oo, hahatid ka daw ni Lucas." danny said.
Tinignan ko naman sya ng nag tatanong na tingin "Bakit? Alam niya? Tsaka di ko naman kilala masyado yun" sabe ko.
"Alam niya, di ko alam sino nagsabe sa kanya." danny said.
Tumingin naman ako sa dalawang babae na si samantha at si Lea.. Mukhang alam ko na kung sino dahil tumitingin sa ibat-ibang gilid si lea.
"Aheeeeem." peking ubo ko.
"Ahhh! Sorry again, nakasalubong ko kasi siya kanina sa park ng paalis na ako para bumili ng foods mo, tapos hinanap ka nya kaya ayun sinabe ko. Sorry" nagmamakaawang sabe nya pero kyut pa din.
Pasaway talaga lea hahaha.
"Okay lang yun ano kaba." i said.
Umuwi na din kami, nagpahinga lang kami ng ilang oras.
"Kath.." mom said, naka upo sya sa sala. Patay kasi ang ilaw akala ko tulog na sya.
Lumingon naman ako ng dahan-dahan "M-ma.."
"Nag-aalala ako sayo, bat di ka man lang mag text o tawag na malalate ka umuwi!" nag aalalang sabe ni mama, kaya nilapitan ko siya at biniso.
"Pasensiya na po ma, nag overtime lang kami nila danny" pag sisinungaling ko naman.
"Kala ko kung napano ka na eh, pahinga kana sa taas." sabe ni mama.
I kissed her forehead "Thankyou ma. Kayo din po." sabe ko at naglakad na paakyat.
I recieve message from unknown number again, yun pa din yung number na nagtanong kung kaya ko bang mag maneho, nung time na nalasing ako.
Unknown number: Kamusta kana? Di tuloy yung party ngayon, hope ur okay.
Di ko na nireplyan yun dahil mukhang kilala ko na kong sino ang nag tetext na yun. Si Lucas!
Di ako nagkakamali, di ako interesado sa tao nayun and besides ayoko din kasi makipag entertain sa ibang lalaki.
I have boyfriend pa din naman, although wala pa sya until now at di namin sya mahanap, still kami pa din at kailangan ko syang antayin.
unless managinip ako at sabihin niyang di na sya babalik, eh sa panaginip ko lagi na lang syang dadating at aalis ng di nagsasabe.
Kinabukasan
"mabuti naman at gising kana." sabe ni mama na naghuhugas na ng pinggan.
"Goodmorning ma." sabe ko.
Tumingin naman siya sakin at nag punas ng kamay nya. "May boyfriend ka ba? I mean bukod kay Liam?" mom asked, nagulat naman ako.
"Wala po ma." mabilis kong sagot..
Lumapit naman si mama sakin at umupo din. "Manliligaw?" she asked.
Tumawa nalang ako at humigop ng kape na nakapatong sa mesa.
"Ma, wala din po bakit?" i asked.
"Nothing, im just asking." she said. Tsaka tumayo at umalis na ng kusina.
Sinundan ko naman ng tingin si mama.
bakit naman niya natanong ang mga iyon?
Lumabas ako para magtapon ng basura, may naaninag naman ako na lalaking nakatayo sa tapat ng bahay namin.
Agad naman akong lumapit dun, bakante pa kasi ang katapat ng bahay namin dahil wala pang tinatayo na bahay, nandun sya at nakatayo sa may puno, di niya alam na papalapit ako dahil nakatalikod ito.
"Aheeeem!" peking ubo ko, lumingon naman ito.
L-lucas? Anong ginagawa nya dito.
Nakita ko naman ang gulat sa mga mata nya.
LUCAS DELOS REYES POV
Mukhang magandang spot to ng pagtatayuan ko ng bahay, maganda at syempre katapat ko lang ang bahay nila kath.
I don't know, pero interesado ako sa kanya, nagugustuhan ko i mean hinahangaan ko siya kasi shes so kind ewan ko ba, wala naman syang ginawa para magustuhan ko siya, naging interesado lang ako sa kanya. I knew her dati pa pero isang beses ko lang syang nakasama at sa party yun, kasama nya yung boyfriend nya, pamilyar sya sakin dahil kaibigan ata siya ni kuya matt. I don't know di ko pa naitatanong ang tungkol sa mga bagay na yun.
Nagulat ako ng may umubo sa likod ko at alam kung napansin niya din yun.
"ikaw pala.." nasabe ko nalang.
Lumapit sya ng kunti sakin para pantay lang kami.
"Anong ginagawa mo dito?" she asked.
Ayoko pang sabihin sa kanya na gusto kong magtayo ng bahay dito sa tapat.
"yung kaibigan ko, gustong magpatayo ng bahay dito." pag sisinungaling ko, tumango-tango naman sya kaya di na ako nagsalita.
"Balik na ako sa loob ah, bye" sabe nya sakin. Di man lang ako kinausap ng matagal.
I nodded my head instead saying na "Sige" di na din naman magsasalita yun, ayst! Di man lang marunong makipag usap nang matagal!
Bumalik na din ako sa condo ko dahil nag text si kuya matt na nandun na daw siya.
KATH TOLENTINO POV
"Ay kabayo.." nabiglang sabe ko na napahawak pa sa dibdib ko dahil sa gulat ko kay mama na nakasalubong ko sa pintuan.
Nagulat din si mama "Naku tong batang to." sabe ni mama sakin.
Napabuntong hininga naman ako.
Ano bang ginagawa ni mama at nasa pintoan!
Nanood na muna ako ng t.v dahil wala namang gagawin ngayung araw, binigyan kasi ako ng dalawang araw na pahinga dahil doon sa nagyare kagabi sakin, kaya ko naman na pumasok sa trabaho sadyang nag aalala lang sila danny sakin.
Nagdahilan nalang ako kay mama na di muna ako papasok sa trabaho dahil masakit ang tyan ko, LBM kunwari.
LEA TRINIDAD POV
"wait guys, i think i saw Lucas again!" sabe ko kila danny at samantha na nag tatawanan sa likod ko.
"Alam mo, tigilan mo yan lea dahil jan si kath nandun sa kanila ngayun nagpapahinga!" inis na sabe sakin ni samantha.
Inis ko naman syang tinignan "Tsk!" sabe ko tsaka iniwan sila dun.
Ano bang mali sa sinabe ko? Im just sayin lang naman na i saw Liam baka kahawig pero damn it, bakit ako lang nakakakita sa kanya!
Baka tama sila namamalikmata lang ako!
Naramdaman ko naman si danny dahil kilala ko ang pabango niya.
Kinalabit nya ako at agad naman akong inis na lumingon "What!" sigaw ko sakanya.
Kalmado ang mukha niya, kaya parang nakonsensya naman ako sa pag sigaw ko sa kanya.
"don't be mad at samantha okay, iniisip lang niya si kath kaya nya yun nasasabe." he said.
"Tsk! Nakita ko si Liam, okay sabihin na naten na baka kahawig o namamalikmata lang ako but i saw him talaga as in parang sya talaga yun!" inis na paliwanag ko sa kanya.
Hinawakan naman nya ang dalawang braso ko ng malumanay. "Naiintindihan ko na may times na di mo mapigilan yung mouth mo, kaya nasasabe mo agad yun." he said.
Lintik na mouth yan! Pasmado.
"Tara na, nauna na si samantha dun sa starbucks." aya niya sakin, sumunod naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Silent Return (SEASON I) |Completed|
General FictionMasaya ang naging simula ni liam at kath, sa kadahilan si liam ay pumunta sa states ng hindi alam ni kath, ang buong akala ni kath, nawawala si liam, kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para mahanap si liam, pero bigo syang mahanap ito. Dumat...
