CHAPTER 21 - The lost

32 20 0
                                    

KATH TOLENTINO POV

Hindi ko alam kung paano sisimulan pero gusto kong malaman din niya yung nangyari samin ni liam noon.

Kinakabahan talaga ako. Paano ko ba sisimulan to? "Di na kami nagkikita ni liam. Pero di ko alam kung saan magsisimulang hanapin siya. They said na baka he's dead pero di ako naniniwala kasi nakikita siya nila danny. Pero one time nakausap daw nila yung hawig ni liam. Pero hindi daw si liam yun he's james. Idunno pero di ko pa siya nakikita ng malapitan yung guy na paulit-ulit nilang nakikita. But still hoping na makita ko na siya" i said. Nakita ko naman na sumeryoso ang mukha ni lucas.

"What if makita mo nga si liam ulit anong gagawin mo?" he asked. Napaka-seryoso ng tono ng boses niya.

"Kakausapin ko siya. Gusto kong malaman kung bakit siya nawala, marame akong tanong sa kanya na gusto kong siya mismo ang sasagot" sagot ko naman sa tanong niya.

"Paano kung sabihin niyang mahal ka pa niya. Babalikan mo pa din ba siya?" malungkot na tanong niya kaya tinabihan ko siya.

"Hindi na. Masaya na ako sa inyo, at ikaw ang nandito para sakin. Ikaw ang nagpapasaya sakin, kaya hindi ko na siya babalikan pa" sagot ko nakita ko naman na ngumiti siya at niyakap ako.

"Sana ganun nga ang maging desisyon mo" he said.

"Ano kaba? Oo naman at hindi na magbabago yun" i said.

Natapos na din ang kwentuhan namin, umuwi na din siya dahil subrang late na din. Nagpahinga na din ako sa taas dahil maaga pa ako bukas.

LUCAS DELOS REYES POV

Naglalakad lang ako pauwi samin ng may lalaking naka-abang sa labas ng gate ko. Kaya mabilis akong naglakad para tanongin kung ano ang ginagawa niya doon.

"Excuse me--" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko kung sino yun. Pamilyar ang mukha niya. Nakikita ko siya sa bar minsan pero di ko alam ang pangalan niya naka hoodie din siya kaya kinabahan ako bigla. "What are you doing here?" i asked.

"Kilala mo ba ako?" he asked. Naka-suot ang dalawang kamay niya sa bulsa ng jacket niya.

"Idunno pero nakikita kita sa bar. By the way who are you again?" i asked. Di ako sanay makipag entertain  sa di ko naman totally close pero ayaw niyang tumabi sa gate kaya di ako makapasok.

"Papasok kana ba? Sige pasok kana" he said at umusog ng kunti para makadaan ako. Di pa niya sinasagot ang tanong ko.

"Thankyo--" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng papasok na sana ako ng bigla niya akong hinampas sa batok kaya napatumba ako at nawalan na ng malay.

---

Dahan-dahan kung iminulat ang mata ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Napaka dilim ng paligid at malapit ako sa dalampasigan. Isang maliit na kubo lang ang nandito. Nag-iisang kubo lang ito. Bakit ako nandito? Unti-unti kung inalala ang nangyari. Ang naaalala ko lang may lalaking humampas sa batok ko at nawalan na ako ng malay. Hindi ko alam ang lugar na ito paano naman ako makakaalis dito. Bumalik ako sa loob ng kubo dahil baka nandito ang cellphone ko. Dahil wala sa bulsa ko. Fuck! Wala, napaka-malas ko naman talaga bwesit! Pero bakit ito gagawin sakin? Wala akong kaaway na tao! Bakit? Tangina!

Anong gagawin ko ngayon tangina!

"Tangina naman!" Sigaw ko. Walang makakarinig sakin dahil napaka tahimik ng lugar na ito. Nag-iisang kubo lang ang nandito at di ko alam paano ako makakaalis sa tanginang lugar na to. Naiinis talaga ako, nangingibabaw ang inis ko dahil sa nangyayari ngayon bwesit!

---

Ilang araw na akong nandito, at talagang naawa pa ang nag dala sakin dito dahil sapat ang pagkain ko pang matagalan ata akong planong ilagay dito ah. Sino naman ang gagawa sakin nito? Wala akong kaaway na kahit sino!

Nag aalala na din ako kay kath kasi baka gaya ko nag aalala na din siya sakin. Fuck! Bakit ba kasi nandito ako! Sino bang gago ang nag dala sakin dito!

Silent Return (SEASON I)  |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon