CHAPTER 30 - Questions

25 19 0
                                    

"Maaga ka yata nakauwi ngayon?" tanong sakin ni mama habang nag lalagay na sya ng kanin at ulam sa lamesa. Oras na ng kain eh.

"Maaga natapos yung meeting ni sir reyes eh, kaya maaga kaming pinauwi" i said. Sasabihin ko ba sa kanya na nasa labas si liam kanina bago ako pumasok? O wag na lang?

"Nga pala, si li-" sabi ni mama at umupo na. Tinignan ko naman sya mukhang alam ko na kung sino ang sasabihin niya. "Si liam galing sya dito kanina. Ang sabi ko nasa trabaho kapa at bumalik na lang sya ulit" dagdag ni mama. Alam pala ni mama na nandito sya kanina.

"Anong oras po ba sya pumunta?" i asked. Kumuha na din ako ng ulam habang nag uusap kami ni mama.

"Mga alas syete na din, bakit?" sagot ni mama.

Alas syete pa? Anong oras ako umuwi mga around 9:00pm na. Nag antay pa sya sa labas? Hanep ang tibay naman nya. Nakonsensya naman ako bigla. Pero hindi ko naman sya inutusan na mag hintay eh. Ang mean ko ba sa mga sinabi ko kanina? Eh sinabi ko lang naman yung gusto kong marinig nya eh. Aggggggh! Nakakainis naman bakit ba lagi nalang akong nakikipagtalo sa utak ko.

"Kath..kath" tawag sakin ni mama. Heto na naman ako nalulutang na naman ako. Tinignan ko naman si mama. "Di mo pa nagagalaw yang pagkain mo. Anong iniisip mo?" tanong sakin ni mama.

"Wala po ma." tipid na isinagot ko na lang.

LIAM MENDEZ POV

Nagsisisi ako sa naging desisyon ko noon bago ko umalis dito sa pilipinas. Hindi ko naisip na magiging ganun kalungkot ang buhay ni kath kapag umalis ako. Napaka gago ko at sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko man lang inisip yung mararamdaman nya kapag umalis ako.

Lagi kong sinisisi yung sarili ko sa mga maling desisyon na nagawa ko. Ngayon na kay lucas na ang atensyon nya. Hindi na din ako ang mahal nya. Paano pa ako lalaban? Nawawala pa din si lucas hanggang ngayon. Saan naman kaya sya nagpunta? Sino naman ang mga taong kumuha sa kanya kung magkataon man na may dumukot talaga sa kanya bakit sya dudukutin?

Sa pag kakaalam ko isang kilala dito sa makati ang delos reyes. Baka may mga taong naiinggit sa kanila kaya kinuha yung anak nila na si lucas.

Ewan ko. Nahihirapan na naman akong huminga. Teka? Wala naman akong hika diba? Meron ba akong hika? Bakit? Ito na naman bakit parang nakakalimutan ko na naman yung mga bagay-bagay, natatakot na ako sa nangyayari sakin.

"Liam" tawag sakin ni mommy. Teka? Paano nakapasok si mommy dito?

Nilapitan ko sya at niyakap saglit. "Ano pong ginagawa niyo dito?" i asked her. Nagulat naman ako sa nakita ko. Si kesha? Nakatago sya sa likod ni mama at nagpakita sakin na kumaway pa. Tinignan ko naman sya ng nagtatanong na tingin.

"Hey.." she said. Nanatili pa din ang tingin ko sa kanya.

"What the hell are you doing her?" i asked her.

"I saw her outside kanina, she said na friend mo daw sya kaya pinapasok ko na sya" explain ni mommy sakin. "Tara kain na muna tayo. Nakahanda na dun sa kusina" dagdag ni mommy.

Naglalakad na kami papunta sa kusina. Kaming dalawa ni kesha ang nahuhuli kaya pabulong akong nagsalita.

"Mag usap tayo mamaya!" inis na sabi ko sa kanya. Isang beses ko lang naman yun ginawa. Malay ko bang susunod dito to.

"Okay" Nang aasar na sagot nya.

----

"So how did you met?" mom asked. Tinignan ko naman sya. Binalikan nya naman ako nang nang aasar na tingin. Ahhh shit i hate when mom look at me like that. Naalala ko yung unang beses nya yang ginawa noong pinakilala ko si kath sa kanya eh.

"Sa ba--" kesha replied. Di na nya naituloy dahil ako na ang sumagot. Ayokong malaman ni mom na sa bar. He know me as a goodboy. Damn this girl walang preno ang bibig. Hindi man lang mag sinungaling gusto pa ata na maturn off sa kanya si mommy.

"Sa bahay nila kyle mom" pag sisinungaling ko tinignan naman ako ni kesha ng nagtatanong na tingin. Tinignan ko din sya at pilit na ngumiti.

Ano ba kasing ginagawa mo dito!

"Hmmm. Its nice. Akala ko you met her sa bar. You know me. I don't like girls na mahilig pumunta sa bar" mom said. Nakita ko naman na parang nahiya ng kunti si kesha. I told you. Hindi mo pa kilala si mommy kaya dapat ez lang sa mga isasagot mo. "Do you know kath?" mom asked kesha. Ofcourse mom hindi.

KESHA SMITH POV

Takte, nakaramdam naman ako ng hiya sa sinabi ng mommy ni Liam. Hindi nya gusto ang mga babaeng mahilig mag party. Damn it!

But anyways, ano bang pake ko? As if naman na makatuluyan ko tong lalaking ubod ng sungit. Kampon ata ng demonyo to eh. Paano demonyo sa kama. Sinong babaeng di babalik sa kanya? Damn!

"Do you know kath?" his mom asked me. What? Kath? Sinong kath?

"Ofcourse ma hindi" liam answered. Teka hindi naman sya ang tinatanong. Papansin din talaga to!

"Kath ano po? Lastname?" i asked.

"Kath tolentino. Liam's girlfriend" sabi ni mommy nya. Nagulat naman ako pero di ko na pinahalata pa.

Kung mamalasin ka nga naman Oo, pero alam ko nililigawan ni lucas si kath eh. So may boyfriend sya? Napaka landi naman pala nung babae na yun eh.

"Opo i know her" sagot ko. Tumingin naman ako kay liam. Kita ang gulat sa mukha nya.

"Excuse me?" liam said.

"Yes po. I know her sya po yung nili--" hindi ko na naman natapos kasi sya papansin na naman at nagsalita.

"Shut up!" inis na sabi nya sakin. Nagulat naman ako, maging ang mom nya nagulat din.

"Kumain na lang muna siguro tayo" sabi ng mommy ni liam. Napaka sungit naman nito. Lahat ng sasabihin ko kinokontra nya. Epal!

Nagpatingin ako kay liam ng tumayo sya.

"Nawalan na ako ng gana" he said. Tinalikuran nya na kami.

Tumingin naman ako sa mommy nya. "Pasensya na po" paumanhin ko. Nginitian nya naman ako.

"Ganun talaga yun minsan. May toyo din kasi yun. Hayaan muna" his mom said.

"Si kath po sila pa din po ba?" i asked. Curious talaga ako eh. Kasi baka mang gagamit yung babae na yun.

"I guess yes. Pero wala pa kasi akong balita eh. Pero sa mga kinikilos nya tingin ko may problema sya. Hindi kasi sya mahilig mag sabi ng problema nya. Mas gusto nya laging solohin" his mom said. Ganun pala sya, buti natagalan sya ni kath.

"Ilang years po sila ni kath?" i asked. Ano ba self? Bakit ba matanong ka? Ano bang pake mo?

"2 Years sila. Pero si liam na ang tanongin mo about sa kanila, baka magalit pa sakin yun alam mo naman. May toyo yun" his mom said. Ngumiti naman ako.

Maya-maya pa ay tapos na kami. Nagliligpit na din yung mommy nya ng pinagkainan namin. Tinulungan ko naman sya.

"Salamat iha." she said. Nginitian ko naman sya bago ako mag salita.

"Tita, puntahan ko lang po si liam." i said.

"Sige, baka hindi na mainit ulo. Puntahan mo na" she said. Ngiti na lang ang iginawad ko at nagtungo na palabas ng kusina. Nasaan naman kaya ang lalaking yun?

Silent Return (SEASON I)  |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon