Naging okay na ako, nakalabas na ako sa hospital, nag simula ng pumasok sa company ni kuya matt.
Wala si tito emilio dito, dahil na rin sa iniimbestigahan sya sa nangyari sakin, hindi ko na balak alamin.
Nahuli na din sila alexandra at si rex, ang tatay nya. The reason why they're revenge kasi step sister ko si alexandra, my mom's daughter, pero dahil dalaga pa si mommy dati, wala syang kaalam-alam sa ibang mga bagay, hindi nakapag tapos si mommy, tinuturuan lamang sya ni daddy pag free si dad. Mabalik tayo sa kwento,
Dalaga palang si mommy, pinag bubuntis na nya si alexandra, nailuwal na nya si alex, inalagaan, pero isang araw pag gising nya wala na si alex, masyadong makalat ang bahay, kaya inisip nya na baka ninakawan lang siya, halos maiyak si mommy, at hindi makausap daw noon, kwento ni mom samin.
Nang makita nya na si rex ang kumuha sakin, at makita ang babae na kasama nito, halos maiyak si mommy, halos hawakan nya ang pisngi ni alexandra, kaya tinignan lamang sya nito, tingin na nagtataka. Pero hindi na din sya nakausap ni mom, dahil agad na silang kinuha ng pulis.
The reason why they're revenge too, dahil sa ratings ng kompanya, mas tumataas ang kay kuya matt, while them, bumaba. Kaya naisip sana nilang kunin si kuya, para wala ng magpatakbo ng kompanya at tuluyang bumagsak.
Hindi totoo na wala silang choice kung bakit ako ang kinuha nila, na dahil ako lang ang nasa labas, sinadya ni jonas yun. Dahil sa selos sakin tungkol kay kesha, kesha and i now, we're good friends!
Mabalik tayo, ako ang sadya na kinuha ni jonas, ang reason lang na nasa isip ko dahil sa selos nya, mabuti nga't tinaggap pa din nila rex na ako ang nakuha eh. Kung nagtataka kayo, bakit hindi hinuli si jonas? May naitulong din naman sya, dahil kung hindi dahil sa kanya baka patay na ako ngayon, soon to be dead na ako, ng tumunog ako sirena ng mga pulis, dali-daling dinakip ang mga nandoon. Muntik pang makatakas sila rex. Nahuli din naman!
Hindi na pinakulong si jonas, para na rin kay samantha, naging kaibigan ko din naman sya, ayokong pati kuya mawalan din sya, wala na siyang parents, tanging papa nalang ang meron siya/sila. Ayokong pagdamutan pa si samantha. Salamat din kay kath dahil nakilala ko si samantha, dahil baka nasa kulungan na si jonas kung hindi ko nakilala si samantha.
"Hello anak, and kesha." beso samin ni mama, nasa resto kami, dinner date lang.
Sa di kalayuan, napansin ko ang lalaking pamilyar, nilapitan nya yung babae, hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya, pero ang ibang customer nakatingin din sa kanila. Nang makita ko na si kath at liam yun, agad akong bumalik ng tingin kila mommy, para hindi nya malaman na nandito ako, o nakita ko siya. Small world!
Nagulat ako na kasama ni jonas si kath, pero hindi ko pinahalata ang gulat ko, naka sandal ang kamay ko sa couch sa likod ni kesha, nagpaalam na din sya na uuwi na sya, dahil medyo nahihilo na sya, hinatid ko muna sya, pagbalik ko, parang wala namang paki si jonas na lasing na tong si kath. Kaya ako na ang nagpatigil sa kanya.
"That's enough!" pigil ko sa kanya, kinuha ang iniinom nya at hinawakan siya.
"As if you care!" pagbawi nya sa kamay nya.
Pinipigilan ko namang wag mainis!
"Ihahatid na kita sa inyo kath! Bakit ba kasi nandito ka!" inis na 'ko, kaya hinatak ko na sya palabas, lasing na masyadong matigas ang ulo.
Para akong sinaksak ng mga salita nya, hindi yun masasama na binabato nya sakin, nasaktan ako kasi akala ko sila na ni liam ulit, pero she said na willing syang tanggapin ako ulit, so she love me? Hindi ko na din maintindihan ang sitwayon namin.
Hinatid ko na sya pauwi, mas nainis ako ng makita si liam pag bukas ng pinto, bakit nandito sya? So walang sila? Pero nandito sya? Fuck!
Inaya nya pa ako sa loob pero ayokong magtagal, kaya umalis na din ako.
"I heard, kath and liam going to japan by sunday." sabi ni kuya matt, ng makarating ako sa opisina nya.
Ano? Silang dalawa? Aba! Ano nga namang laban ko? Wala namang kami.
"Why are you telling me that?" nagtatakang tanong ko kunwari.
"Nothing!" he chuckled.
Nag book ako ng flight papuntang japan, pina-una ko lang sila, baka mahalata kasi ako eh.
Sumunod pa ako sa kanila sa osaka, kumain na din ako.
Syempre, kumuha sila sa hotel room ng dalawang kwarto, mabuti naman at hiwalay sila, doon ako sa room na malapit kila liam. Sinusubukan kong pakinggan ang pinag-uusapan nila, pero wala akong marinig, para tuloy akong babae!
Sumunod pumunta sila sa tower, subrang saya ni kath habang kausap si liam. Dapat ako yung nandoon!
Sinundan ko lang sila ng palihim, subrang saya nya, naiinggit tuloy ako, kasi ako dapat yung nandoon, inisip ko na siguro kung hindi ako nawala, ako pa din, pakiramdam ko kasi she'5 inlove with liam again. Pakiramdam ko palang naman, hindi pa sigurado.
Bumalik na sila sa pilipinas, i heard tita lexa's birthday, hindi naman ako pwedeng magpakita doon, nakakahiya, nandun din sila tita, tsaka sila lily, nandoon din si liam, kaya ayokong makisawsaw, pumunta na lang ako sa hospital bago mag birthday si tita lexa, binati ko sya at binigyan ng regalo. Nagpasalamat naman sya sakin, at iniimbeta pero sabi ko marameng aasikasuhin sa trabaho, kahit wala naman talaga.
And now, she's here in front of me, standing and staring with a sad eyes, what would i do? Lalapitan ko ba sya? O tatalikuran, i thought only peter, aka pat lang ang makaka meet ko, tungkol sa bahay na ipapagawa ko sa Quezon city.
Hindi ko alam pero i choose to left her, pero napatigil ako ng maramdaman ko na yumakap sya mula sa likod ko, parang maluluha na din ako, gusto ko din syang yakapin, makasama, lumabas, hindi ko kayang humarap sa kanya, nasaan na ba kasi si peter!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- :<
To be continued......
BINABASA MO ANG
Silent Return (SEASON I) |Completed|
General FictionMasaya ang naging simula ni liam at kath, sa kadahilan si liam ay pumunta sa states ng hindi alam ni kath, ang buong akala ni kath, nawawala si liam, kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para mahanap si liam, pero bigo syang mahanap ito. Dumat...
