CHAPTER 44

27 10 1
                                    

"Hello, jonas." sabi ni kesha sa kabilang linya, pagsakay nya pa lamang ng kotse agad nya namang tinawagan si jonas.

"Oh, kesh. Napatawag ka?" jonas asked.

Kinakabahan man, ngunit kailangan ni kesha na sumang-ayon sa plano kahit alam nyang masama ito.

"Are you free tonight? Punta tayo sa bar, malapit sa condo mo," sabi ni kesha sa kanya, na excite naman agad si jonas kaya agad itong sumagot.

"Sige ba, i'll pick you up?" jonas asked.

"hm, antayin kita sa labas ng guard house," sabi naman ni kesha.

"Okay, see ya." masayang sabi ni jonas.

"See you later, bye." sabi ni kesha at agad ng ibinaba ang phone, napahawak naman sya sa kanyang dibdib, dahil sa kabang kanyang kanina pa nararamdaman.

"Oh, god help me." sabi ni kesha sa isip nya,

Nagmaneho na din sya pauwi ng bahay nila.

----

Dumating na din si jonas sa labas ng guard house, nag text na din ito kay kesha na nakarating na sya.

Ilang minuto lamang ay nakarating na din si kesha. Pinagbuksan pa nya ito ng pinto ng kotse.

Nginitian naman sya ni kesha at "Thankyou," sabi nya.

Naglakad naman si jonas, sa kabila para pumasok sa loob, nginitian pa nya si kesha, bago humawak sa manibela at nag maneho.

"Nag pa reserve na 'ko, bago pa tayo pumunta dito." sabi ni jonas, ng makapasok na sila sa loob ng bar.

"Nice, where?" tanong ni kesha, kabado man ngunit kailangan nyang sumunod sa plano, nasabihan nya na din sila matt na nakarating na sila, tatawag na lamang kapag nalasing na si jonas.

Ilang oras din silang nagkwentuhan, mukhang matagal pang malasing si jonas, sya naman ay hilo na. Buti na lang at may plan b sila.

"Matagal malasing si jonas, kapag nag paalam sya na mag ccr sya, ilagay mo 'to" sabi ni matt, at ibinigay ang isang tableta kay kesha, tinanggap naman iyon ni kesha.

"Mag babanyo muna 'ko." paalam ni jonas kay kesha, ngumiti lamang si kesha.

Sinundan nya pa ito ng tingin, hanggang sa mawala na ito sa paningin nya, halos manginig pa ang kamay nya ng ilagay ang tableta, hinalo nya iyon sa alak at hinintay matunaw, matagal bago bumalik si jonas, dahil mahaba ang pila sa banyo ng mga lalaki,

Pagpasok ni jonas sa cr may dalawang tao doon, babae at lalaki, nakakandong ang babae sa lalaki, naghahalikan ito, ngumisi si jonas ng makita ito, at pumasok na sa kabilang cuble.

Nakabalik na din sya, at tinungga ang alak na may tableta, ang tabletang iyon ang mag papawala ng malay kay jonas.

Maya-maya lang ay nakaramdam na si jonas ng hilo, umiikot na ang paningin nya.

"K-kesha" sabi pa ni jonas bago mawalan ng malay.

Tumawag na din sya kila matt na okay na.

"Okay, stay there." sabi ni matt sa kabilang linya.

"Tito, okay na daw, pumasok na kayo sa loob." sabi ni matt kila emilio, may apat na lalaking kasama ito, dadalhin nila ito sa lugar nila emilio, upang doon gawin ang plano.

"Tara na," aya ni emilio sa mga kasama. Lumingon sya ng hindi sumunod si matt.

"Susunduin ko si kath, magkita na lang tayo doon." sabi ni matt, tumango naman si emilio, at naglakad habang si matt ay pumasok na sa kotse at nagmaneho na para sunduin si kath.

"Dahan-dahan lang, please." sabi ni kesha, sa mga nagbuhat kay jonas.

"Let's go kesha, sila na bahala kay jonas, mauna na tayo sa kotse." sabi ni emilio, sumunod naman si kesha, bago lingunin ang tulog na tulog na si jonas.

"Mauna na kayo, nag text na si kuya matt na papunta na sya," sabi ni kath kila danny, lea.

"How's your car?" tanong ni lea.

Tinignan pa muna ni kath ang kotse nya, "Ako na bahala," sagot nya kay lea.

"No, aalis lang kami pag nakarating na si matt." singit naman ni danny, wala namang nagawa si kath kundi tumango na lang.

Ilang minuto din ang nakalipas at dumating na si matt.

Bumaba ito sa kotse at nginitian ang mga kasama ni kath.

"Sorry guys, kath let's go." aya ni matt kay kath, ngumiti naman si kath kay lea at danny, bumiso pa ito bago umalis.

"Balitaan mo na lang kami," habol na sabi ni danny, tumango naman si kath bago pumasok sa loob ng kotse.

"Saan tayo pupunta kuya matt?" kabang tanong ni kath dahil wala syang idea sa nangyayari.

"Malalaman mo din mamaya," sagot ni matt at nagmaneho na, tahimik lang nilang tinahak ang kalsada.

Nakatingin lamang si kath sa labas ng bintana, kanina pa sya nakakaramdam ng kaba, ngunit hindi nya alam kung bakit.

Ilang oras na din ang nakalipas, at nakarating na sila sa lugar.

Bago ito, walang ibang bahay, maliban dito, mansyon na ito kung tatawagin.

Tinignan naman ni kath ang kabuohan ng bahay, may nakita syang dalawang kotse na black, at mukhang mamahalin.

"Let's go inside." nakangiting aya ni matt kay kath.

"Anong meron sa loob?" nag aalalang tanong ni kath kay matt.

"Sa loob muna malalaman," sagot ni matt sa kanya.

"Pero, kinakabahan ako." hindi ni kath sadyang sabihin 'yon, pero yun ang nararamdaman nya.

Napahinto naman si matt sa paglalakad at nilingon si kath.

"You need to be strong," sagot ni matt, sumunod na lamang si kath kahit kaba at takot ang kanyang nararamdaman.

Masyadong malaki ang bahay, kaya nilibot ni kath ang paningin nya sa bahay, nakarating sila sa living room, napakalawak nito, marameng mga magagandang collection relos, mga painting at antique,

Napahinto sya ng makita si emilio, at kesha na nakaupo sa couch sa sala.

Lumapit naman si matt doon, kaya agad syang sumunod.

"Kath!" parang inis na sabi ni kesha ng makita si kath.

"Kesha," sabi ni kath, umupo sya sa kabilang couch.

"What are she doing here?" inis na tanong ni kesha kay matt,

"She need to know about this," sagot ni matt, inisnaban naman ni kesha si kath, kumuyom naman ang kamao ni kath, nagpipigil sya, kailangan nyang habaan ang kanyang pasensya.

"Tsk!" sabi ni kesha.

"Listen, maya-maya lang magigising na sya, kaya antayin na lang natin." sabi ni emilio sa lahat.

Nagtataka naman si kath. "Who?" tanong ni kath.

"Tsk, hindi mo ba alam?" mataray na tanong ni kesha.

"No," walang ganang sagot nya kay kesha.

"Stop, kesha." saway ni matt, umirap naman si kesha kay matt.

"Bakit kasi nandito pa 'yan eh!" bulong ni kesha, pero dinig yun ni kath.

"Kalma lang kath, pasensya, habaan ang pasensya!" Sabi ni kath sa isip nyan.

Maya-maya lang may isang lalaking malaki ang katawan at may binulong kay emilio.

"Let's go," aya ni emilio at tumayo, ganun din sila kesha. Habang si kath naman ay marameng tanong sa isip nya.

Silent Return (SEASON I)  |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon