LIAM MEDEZ POV
"Tangina..tangina..tangina..tangina!" inis na sabi ko at napukpok ang busina ko. Nasa tapat na ako ng bahay ko, hindi ko kasama si mama dito dahil mas gusto ko na ako lang.
"Napaka tanga ko..tangina..hindi ko alam na ganun pala yung nararamdaman nya, hindi ko man lang naisip na ginawa nya yun lahat para mahanap ako! Tangina! Bobo liam bobo!" inis na pag wawala ko sa loob ng kotse ko. Napaka tanga ko. Bakit ba umalis pa ako? Bakit ba di na lang ako nag stay dito! Bobo ko! Napaka tanga ko para iwan pa dito yung babaeng mahal ako. Hindi ko alam kung bakit ako umalis. Dahil nagsawa ako? Dahil saan? Tangina hindi ko matandaan!
"Tangina bakit ba ako umalis!" inis na sabi ko. Hindi ko na matandaan kung bakit! Bakit! Bakit kunti na lang bigla ang mga naalala ko noong mga panahon na yun.
Pumasok na ako sa loob. Nakaramdam ako ng pagkahilo pag pasok ko kaya nagtungo na ako sa kwarto para magpahinga.
MATT DELOS REYES POV
"Wala pa din bang balita about kay lucas?" i asked dito sa mga imbistigador na inarkilahan namin.
"Wala pa rin po sir" sagot ng isang imbestigador. Dalawa kasi silang inarkilahan. Isa sila sa mga pinaka magaling na imbestigador.
"Kailan niyo ba mahahanap ang anak namin! Kailan ba? Mag babayad kami kahit gaano pa ka laki yang babayaran namin!" inis na sabi ni mama. Pinapakalma naman sya ni daddy. Maging ako ay nag aalala din kay lucas. Wala akong idea kung bakit ba sya nawala ng basta-basta wala ding tumatawag samin na nanghihingi ng pera kapalit ni lucas.
"Kumalma ka muna jean. Alam naman nating ginagawa nila ang makakaya nila" sabi ni daddy kay mommy. Kaya kumalma si mommy.
"Sige na. Sa susunod ulit" sabi ni daddy sa dalawang lalaki.
"Sige po, pasensya na. Mas pag iigihan pa po namin ma'am jean, mahahanap din po namin ang anak niyo" sabi ng isang lalaki bago sila lumabas.
KESHA SMITH POV
Nandito ako sa loob ng kwarto ko ngayon. Naalala ko yung lalaking naka sex ko noong gabing yun. Di ko alam kung dapat ba akong magsisi kasi hinahanap-hanap sya ng katawan ko ngayon. Wala akong contact number nya. Pero alam ko kung saan sya nakatira. Pero ayoko namang mang mukha desperada kong pupuntahan ko sya sa kanila.
Pero sana makita ko sya ulit sa bar.
"How's lucas? Hindi na namin sya nakikita na sinusundo ka dito sa bahay" mom asked me. Nasa hapagkainan kami ngayon. Hindi pa din nila alam na wala na kami ni lucas they really like lucas for me. Pero dahil na din sa katangahan ko noon nakipag hiwalay ako sa kanya dahil lang sa gusto kong maging single. Nakakapangsising pangyayari.
"Nawawala po si lucas mom" i said.
"What? When?" gulat na tanong ni mama nahampas pa nya ang ibabaw ng lamesa kaya tinignan sya ni daddy.
"Ilang weeks na po mom, hinahanap na po sya ngayon" i said. Tinatamad akong mag kwento sa kanila kaso everytime na may mag tatanong sakin about kay lucas. Nanghihinayang ako sa mga desisyon na ginawa ko noon.
"Kawawa naman si lucas. May kaaway ba sya? O yung mga parents nya?" mom asked. Nag aalaa talaga sya para kay lucas.
Sa pag kakaalam ko wala. Hindi pala away na tao si lucas and also his parents is very kind kaya di mo kakikitaan ng reason para awayin. "Wala po mom. Babalitaan ko na lang po kayo pag nahanap na sya. Ayoko po munang pag usapan" walang ganang sabi ko. Nawala din ako ng gana kumain. Kaya tumayo ako.
"Saan ka pupunta?" dad asked. Ayaw na ayaw nya na hindi tinatapos ang pagkain. Pero nawalan talaga akp ng gana.
"Aakyat na po ako. Busog na po ako" sagot ko at tinalikuran na sila.
"Hindi kana dapat nagtanong shiela!" dinig kong sabi ni daddy kay mommy.
"Ano bang malay ko diba?" sagot ni mommy.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi na pinakinggan ang pinag uusapan nila.
---
Naliligo ako ngayon, nasa bath tub ako. Nag iisip ng mga pagsisi at katangahan na desisyon ko noon. Kung bakit ba iniwan ko pa si lucas, at ngayon tatanga-tanga ako kasi may iba na syang gusto. Hindi ko ugaling mang agaw pero sakin si lucas noong una. Kaya pwede ko syang kunin ulit. Kung mag papakuha sya, kung hindi talo na ako agad.
But now. Hindi ko alam kong saan mag sisimulang hanapin si lucas, ayokong tumulong kila kath, la laki lang ang ulo nun. Kaya mag sosolo ako. I hate her duh!
"Kesha" katok ni mommy mula sa labas. Hindi naman ako naiinis kay mommy dahil sa eksena kanina, wala naman kasi syang alam sa nangyayari magtatanong talaga sya. Kaya hindi ko sya masisisi.
"Naliligo po ako ma, pasok po kayo" sabi ko. Di naman naka padlock ang pinto. Agad naman syang pumasok at umupo malapit sa bath tub ko.
"Pasensya na sa kanina iha, hindi ko kasi alam na ganun pala ang nangyayari" mom said. Nginitian ko naman sya.
"Wala po yun mom, ayos lang po sakin. Tsaka stress lang po talaga ako nitong mga nakaraang araw" sabi ko na nilalaro pa ang mga bola sa tubig.
"Masyado na ba kaming busy ng dad mo kasi di ka namin nadadamayan sa problema mo?" mom asked. Oo mommy busy na talaga kayo, minsan nga lang tayo mabuo sa hapagkainan eh. Pero naiintindihan ko naman kasi para sakin din naman ang ginagawa nila.
"Hindi po mommy, ayos lang po sakin. Nanjan naman si jesi nakakasama ko sya palagi" pagsisinungaling ko. Minsan ko lang makasama si jesi dahil busy din sya sa trabaho nya. May trabaho din naman ako. Model ako ng company nila matt, kaya noon mas madalas kaming magkasama ni lucas. Siguro kaya nagkasawaan kami kasi lagi kaming mag kasama that time. Masyado akong naging padalos-dalos na iwan sya kaya ayun. Ito ako ngayon at umaas na baka bumalik sya sakin kahit alam kong may kath na sya ngayon.
"Good to know iha. Lalabas na muna ako. Goodnight iloveyou" mom said at kiniss ako sa noo.
Ngumiti naman ako. "Goodnight din ma, iloveyou. Thankyou po" sabi ko. Nginitian naman ako ni mama at lumabas na ng pinto mula sa banyo ko.
Ang dame kong regrets sa buhay.
![](https://img.wattpad.com/cover/214919963-288-k930056.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent Return (SEASON I) |Completed|
General FictionMasaya ang naging simula ni liam at kath, sa kadahilan si liam ay pumunta sa states ng hindi alam ni kath, ang buong akala ni kath, nawawala si liam, kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para mahanap si liam, pero bigo syang mahanap ito. Dumat...