“Bumalik ka? Binalikan mo ko.” sabe ko at agad siyang niyakap.
“subrang tagal kong inantay ka, ngayon nandito kana pwede na tayong magsimula ulit” nakayap pa din sa kanya na sabe ko at naluluha na din ako dahil ngayon ay nayayakap ko na sya.
“bat di ka nagsasalita?” I asked him kasi nakatitig lang sya sa mga mata ko, titig na nagsusumamo.
Hinawi niya lang ang mga buhok ko at hinalikan sa noo at tinalikuran ako. “Liam!” sigaw ko sa kanya at pilit syang hinahabol pero di ko siya maabutan.
“Kath..kath gising..” dinig kong boses ni mama.
Agad naman akong nagising at pinunasan ang mga luha na bumabagsak mula sa mga mata ko.
“nananaginip ka na naman kath.” naaawang sabe ni mama sakin, kaya mas naiyak ako kaya niyakap niya na lang ako.
“ma, nandun na sya eh, nayakap kuna sya mama eh. Bat umalis sya ma, bakit di man lang sya nagsabe sakin mama” umiiyak pa din na sabe ko kaya hinahawi nalang ni mama ang buhok ko.
“baka may rason si liam kung bakit nya yun nagawa kath” sabe ni mama.
“di din alam ng mga magulang nya kung saan siya hahanapin, madame na ding ginawa para mahanap siya, we can’t say na patay na siya kasi sabe mo wala namang katawan” dagdag pa ni mama.
“ma, gusto ko na sya makasama.” umiiyak pa din na sabe ko.
“alam ko anak, ganun din kami ni tita daisy mo” sabe ni mama. Si tita daisy ang mama ni Liam.
Tumayo na si mama “Antayin kita sa baba ah, labas muna tayo, ilang araw ka ng ganyan kath.” sabe ni mama sakin. I nodded my head tsaka bumangon para makapag asikaso 10:00 am na din pala.
Nasa harap na ako ng salamin at nag aayus na ng mukha ko at baba na din after neto ng may tumawag sakin.
Danny’s calling.
Sinagot ko naman agad yun “hello kath” sabe niya.
“kamusta? May nahanap ka ba na bagong impormasyon?” tanong ko.
Di pa din kasi ako tumitigil at palihim na nagpapatulong kila danny nag babakasali lang naman ako na baka makita na namin si Liam at makasama na namin siya.
“bad news pa din eh, wala pa din akong mahanap na impormasyon about kay Liam.” sagot naman niya, nakaramdam naman ako ng lungkot.
“may lakad ka ba? Labas muna tayo nila samantha” aya niya sakin.
“inaya na ako ni mama eh, next time na lang.” sabe ko.
“ano bayan sayang! Bukas nalang may bagong bukas na bar dun malapit sa work place naten.” sabe pa niya.
“sige bukas nalang, ibaba ko na to baka nag aantay na si mama sa baba eh!” sabe ko.
“sige” sabe pa niya, pagtapos nun ay binaba kuna ang linya.
“Lets go.” nakangiting sabe ni mama kaya ngiti nalang din ang ginawad ko.
Nasa loob na kami ng kotse “Saan po pala tayo pupunta ma?” I asked her.
Tumingin naman siya sakin “Dadaanan muna naten si tita daisy mo, nalulungkot din siya sa kawala ni Liam kaya magtutulungan tayo para maka recover agad.” nakangiting sabe ni mama.
Nakalimutan kong nagluluksa din si tita daisy dahil di pa din nahahanap si Liam, at sya lang mag-isa ngayon dahil di pa pwedeng bumalik ng pilipinas si tito robert dahil inaasikaso din ang business nila sa States.
BINABASA MO ANG
Silent Return (SEASON I) |Completed|
General FictionMasaya ang naging simula ni liam at kath, sa kadahilan si liam ay pumunta sa states ng hindi alam ni kath, ang buong akala ni kath, nawawala si liam, kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para mahanap si liam, pero bigo syang mahanap ito. Dumat...
