KATH TOLENTINO POV
Nagising ako sa malakas na sigaw ni mama sa baba. Hindi ko alam pero ngayon ko lang siya ulit narinig na ganun kalakas sumigaw kaya bumaba ako.
"Ma bakit po ba ang lakas ng boses niy--" Kamot ko pa ang mata ko nun na nagtatagal ng muta. Napahinto ako kung sino ang nasa harap ko. Si LIAM! Nangibabaw ang galit ko habang siya nakangiti!
Ilang araw ko nang hindi nakikita si Lucas kaya nag aalala na ako. Sila danny din ay hindi siya macontact. Pupuntahan ko palang si kuya matt mamaya para magtanong.
Bumaba na ako at nagtungo kay mama. Di naman ako nananaginip diba?Totoong nandito sya sa harap namin mismo.
"Kath" nakangiting sabi niya. Masama naman ang tingin ko sa kanya.
"Anak si liam. Nandito na siya" sabi pa ni mama pero masama pa din ang tingin ko kay liam. Ang kapal ng mukha niya. Kung nandito lang si lucas. Pero hindi wala siya. Nandito si liam ngayon at si lucas ang nawawala.
"Nakikita ko nga po ma" nakangising sabi ko.
"Paghahanda ko na muna kayo ng makakain, maiwan ko na muna kayo dito" Sabi ni mama at umalis na.
Nanatili pa din akong nakatayo at masama ang tingin sa kanya. "Bumalik ka? Anong purpose mo?" i asked. Di ko talaga mapigilan. Mas nangingibabaw ang galit ko. Akala ko madali lang na harapin siya ulit.
"Mag papaliwanag ako kath" he said.
"Sige. Habang di pa ako napupuno ngayon. Ang aga mo mang bulaga eh!" mataray na sabi ko.
Bumuntong hininga muna siya. "Kasama ko sila dad sa states, biglaan yun. Bawal ang phone. Nakakulong lang ako doon. Kahit pilitin ko si dad na kahit kausapin ka lang sandali ayaw niya. Di siya pumapayag. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Tumakas lang ako ngayon kaya dito ako unang pumunta. Sorry sa pag alis ko nang walang pasabi sorry" paliwanag niya. Bakit naman gagawin ni tito yun? Di naman siya mahigpit. Tsaka nasa tamang edad na si liam bakit gagawin pa ni tito yun? Di ko alam kung maniniwala ba ako.
"Hindi magagawa ni tito yun" sabi ko.
"Kath.. Ginawa na nya paanong di magagawa? Dad really hates you remember?" he said. Mas nagalit ako sa naririnig ko mula sa kanya. Wala akong maalala na di ako gusto ni tito. Di ko lang siya masyado nakakausap at close. Si tita daisy lang dahil nandito siya sa pinas. Bilang lang ang araw na nakausap ko ang dad niya. Pero alam kong hindi ganyan si tito. Ewan ko pakiramdam ko hindi si liam ang nasa harap ko. Nagsisinungaling lang siya.
"Yun lang yun? Ginawa mo ba lahat ng paraan para makausap ako?" i asked.
"Yes i did everything kath..pero bigo ako" he said. Malungkot ang tono ng boses niya.
"Ilang buwan kang nawala liam! Tapos ngayon nandito ka nasa harap ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga paliwanag mo eh!" iritang sabi ko.
"Kung gusto mo tawagan mo si dad para maniwala ka" he said.
"Hindi na!" inis na sabi ko. Mukhang nagsasabi siya ng totoo. Di naman niya ipapatawag sakin si tito kung hindi.
"Liam..kath..tara kain na muna tayo" sabi ni mama.
"Mauna na kayo. Hindi ako nagugutom" i said at umakyat na sa taas.
"Kath...anak" dinig kong tawag pa ni mama.
LIAM MENDEZ POV
Lahat ng sinabi ko kay kath puro kasinungaling lang. Narealize ko na wag nang magtago sa kanya o sa kanila. Hindi ko alam pero ng malaman ko kay matt na nililigawan na ni lucas si kath may kung anong kirot sa puso ko. Alam ko nung una hindi ko na siya mahal. Wala na akong pakealam kong habang buhay kaming hindi mag kita pero dahil sa narinig ko mas nangibabaw ang galit ko sa kapatid ni matt kay Lucas!
Tama ang hinala ko na una palang may plano na sya kay kath. May gusto na siya kay kath dahil sa pangit na pakikitungo niya sakin noong una kaming mag kita sa resto kasama si matt.
Sinusundan ko din sila kath lalo na pag magkasama silang dalawa. Patago ko silang sinusundan. Mukhang masaya na nga si kath kay lucas nakikita ko sa bawat ngiti niya na dati sakin.
Nandito din ako noong gabi na nagkita sila sa labas ng bahay nila kath at pumasok sa loob. Ako yung lalaki na sinundan ni kath pero di na niya ako naabutan pa dahil na din sa pag mamadali ko at may kausap siya sa cellphone niya. Malamang si lucas na naman yun. Nabalewala lahat ng plano ko ng dahil sa lucas na yan. Pero salamat sa kanya dahil narealize ko na gusto ko pa palang balikan si kath. Alam ko na mahihirapan ako pero ayos lang.
"Pag pasensiyahan mo na si kath, liam ah" sabi ni tita lexa kaya ngumiti naman ako.
"Okay lang po yun tita" sagot ko.
"May problema din kasi yun eh" dagdag pa niya. Tumingin naman ako sa kanya. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon.
"Ano po yun?" i asked. Natagalan bago magsalita si tita.
"Si lucas kasi ilang araw ng hindi nakikita. Nagulat nga ako eh. Kasi ikaw nandito na si lucas naman ang nawawala" she said.
Napangisi naman ako pero alam kung hindi yun nakita ni tita. "Sino po si lucas tita?" i asked. Kahit alam ko naman na kung sino siya!
"Kaibigan ni kath" she said. Di ba alam ni tita na nililigawan ni lucas si kath?
"Akala ko po kasi manliligaw niya" i said. Nawala naman ang ngiti niya.
"Kumain na muna tayo. Nakausap mo na ba si daisy?" pag iiba nya ng usapan.
"Opo, dederetso po ako ngayon kay mommy" i said. Alam ni mom na nakauwi na ako. Doon ako sa bahay nya ngayon. Pero di niya alam na nandito ako kila kath.
"Samahan kita. Nakakatampo nga yun si mommy mo. Lumipat na pala ng bahay hindi man lang nagsabi sakin" she said.
"Sige po tita" i replied. Nagpatuloy na din kami sa pagkain.

BINABASA MO ANG
Silent Return (SEASON I) |Completed|
General FictionMasaya ang naging simula ni liam at kath, sa kadahilan si liam ay pumunta sa states ng hindi alam ni kath, ang buong akala ni kath, nawawala si liam, kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para mahanap si liam, pero bigo syang mahanap ito. Dumat...