CHAPTER 19

31 21 0
                                        

"Hello tita eva." salubong ko sa kanya at niyakap. Ganun din ang ginawa ko kay lily at ken.

"Dalaga ka na talaga" sabi ni tita eva.

"Opo naman, by the way tita si Danny po, Lea, Samantha at Lucas" pagpapakilala ko kay tita eva.

"Hello po tita eva " yakap ni lea kay tita eva. "Hello Lea." paglahad nya ng kamay kay lily kaya tinanggap ni lily yun.

"Lily." lily replied.

"And you are?" she asked ken.

Nilahad din ni ken ang kamay nya "ken" sagot nito.

"Ako si danny naman, nasabi na din ni kath." lahad niya ng kamay sa dalawa. Nagmano naman sila lucas kay tita eva at nakipagkilala din kila lily.

---

"Bali magkakakilala pala kayo since college palang" tita eva said dahil napag kwentuhan nadin namin, nag iinuman kami ngayon since nasa 20s na din ako at may work why not diba, kasama din namin sila lily at ken, kompleto kami.

"Kami lang pong tatlo nila kath at danny, si lucas po at tsaka si lea hindi po" sagot ni samantha, nagulat ako na nasabi niya yun pero di ko na pinahalata pa.

"ah akala ko kasi si lea kasama niyo din since college palang hahaha" sabi ni tita eva.

"Hindi po, ngayon lang po nila ako nakilala." sabi ni Lea.

"Paanong ngayon? As in ngayon lang na araw na to?" tita kaye asked. Si tita kaye talaga minsan korni.

"Ah H-hindi po hihi" nahihiyang sabi ni lea.

"Biro lang hahahaha." bawi ni tita kaye.

"Akala ko matagal niyo na din kasama si Lea, maganda sya at mabait. Akala ko nga kanina mag kasintahan silang dalawa eh" turo ni tita eva kay danny, kaya nag iba naman ang ekpresyon ng mukha ni samantha dahil sinadya kong tignan siya.

"Sweet kasi nila sa kusina kanina, napagkamalan tuloy namin hahaha" sabat ni tita kaye.

"Issue kasi yan si mama tsaka si tita eva lagi hahaha!" sabat din ni lily kaya nagtawanan kami.

"Weh? Hahaha" natatawang sabi ko din.

"Oo kasi wala naman akong jowa pero si mama sabi niya meron daw. Hahahaha" sabi ni lily.

"Grabe ka pala tita kaye eh hahaha." sabi ko.

"Pati din si tita eva, kath hahaha" sabat ni lea, well di ko din naman masisisi si lea dahil ganyan naman talaga personality nya mahilig siya makisama at masayahin, ganun din naman si samantha siguro kaya ganto lang sya ngayon dahil sa nasasaktan siya sa nangyayari.

"Paano naman ako nadamay jan hahaha" tanong ni tita eva.

"Kasi tita issue ka din daw hahaha" sabi ko. Nagtatawanan naman kaming lahat dahil yung iba nakikinig lang at nakikitawa.

"Pero sure ako si lucas boyfriend mo? Hahaha" tanong ni tita kaye.

"Hindi pa po. Manliligaw palang po" sabi ko.

"Really? Sanaol hahaha" sabi ni tita eva.

Tinignan naman siya ni tito fred "Feeling millenials talaga kayong dalawa ni kaye eh no!" pang-aasar ni tito. Nagtawanan naman kami.

"Eh ano kelan mo naman sasagotin?" pang-aasar na tanong ni tita eva.

"Si tita oh hahaha" sagot ko nalang.

"Makakapag antay naman ba? Lucas?" tita eva asked.

"Opo naman tita, willing to wait po." nahihiyang sagot ni lucas.

"Yun naman pala, yan ang gusto namin" sabat ni tito fred.

"Ken? Ikaw may girlfriend ka na ba?" i asked.

"Wala pa te kath, stress yan eh" sagot ni ken at kumamot sa ulo niya.

"So stress kami ha! hahshshs" sabi ni lea at ginulo ang buhok ni ken dahil magkatabi lang sila.

"Ayy ate wag magugulo buhok ko!" sabi ni ken. Kaya tinigil na din ni lea yun, close na sila agad ganun din kay lily, tahimik lang kasi si samantha ngayon.

"Tita, kath, guys i have to go na pala." samantha said at pinakita ang phone niya tumatawag na si tito "Tumatawag na si papa. Salamat po" dagdag pa niya, isa-isa naman siyang nagbiso samin, ganun din kay lea, kita ko ang gulat sa mukha ni lea dahil di sila okay, pero alam ko na kung bakit ginawa yun kasi ayaw niyang magtaka sila tita, at sila mama kung lalagpasan niya lang si lea.

"I-ingat ka." sabi ni lea.

"Salamat, salamat din po ulit, bye po" samantha said, kumaway naman siya at lumabas na.

Hahatid pa sana siya ni danny kaso nakita ko na humindi siya kaya di na siya pinilit ni danny.

"Ikaw danny iho, kailan mo balak ligawan si lea? Maganda siya at nakakatuwa." tanong ni tita kaye. Nailang tuloy bigla ang dalawa (Lea,danny)

"H-huh h-hindi p-po t-tita wala po syang balak magkaibigan lang po kami." utal na sabi ni lea.

"Ay baka naman pagbalik namin kayo na ah hahaha." sabi ni tita kaye.

"O kaya may anak na kayo hahaha" sabi ni tita eva.

"Tita naman " nahihiyang sabi ni Lea.

"May balak ka ba iho?" tito fred asked. Mukhang makikisabay na si tito yari hahaha.

"Ah... Di ko pa po alam pero baka po diba.." putol-putol na sagot ni danny.

"Ano yang baka nayan?" tito asked.

"Baka someday mag katuluyan sila" sabi ni lily.

"Ayieeeeee kinikilig kami" parang naglalarong sabi ni tita eva at tita kaye.

"Tama ka fred parang millenials nga silang dalawa naku tinalo pa sila kath Oo hahahah" sabat naman ni mama.

"Tama ko diba hahaha" sabi ni tito fred.

"Biruin niyo nag ka jowa ako sa tsismisan nila ni tita eva hahahha" sabat ni lily.

"uy! Kayo ah! Binabackstab niyo kami!" inis kunwari na sabi ni tita eva.

"Oo nga!" sabi din ni tita kaye.

"Kaya nga, binabackstab namin kayo hahaha" sabi din ni lily.

"Hindi ako kasama ma ah!" umiinom na sabi ni ken.

"Good boy." sabi ni tita kaye.

"Ang sasaya pala kasama at kausap ng mga tita at tito po pati sila ken." bulong sakin ni lucas.  Nakikinig ka nga lang minsan di ka nagsasalita eh.

"Oo nga eh, ngayon nalang kasi ulit" sagot ko na pabulong din.

---

"Uuwi na po kami salamat po" sabi ni danny.

"Thankyou po sa inyo, nag enjoy po kami" sabi ni lea na nagbiso pa sa'min.

"Thankyou po " sabi ni lucas at nagbiso pa kila tita.

"Sige ingat kayo ah" sabi nila tita.

"Ingat kayo ah" sabi ko sa kanila.

"Hmmm, text kita mamaya pag nasa bahay na ako." he said.

"Hmmm. Sige. Ingat ka" sabi ko.

"Lea? Hatid na kita." dinig kong sabi ni danny kay lea, hinabol niya kasi palabas nang gate.

Lumingon si lea kaya binalik ko ang tingin ko kay lucas.

"Sige na ingat ka." sabi ko. "Dan, lea? Ingat din kayo" sabi ko at kumaway.

Tumango naman sila at kumaway din.

Pumasok na ako sa loob nang makita kong naka-alis na sila.

Silent Return (SEASON I)  |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon