CHAPTER 18

34 21 0
                                        

"Hello.." salubong ni tita kaye at yakap. Ganun din si tito fred.

"hello po tita, tito.." sabi ko din.

"Kayo lang? Nasaan yung iba?" tanong ni mama.

"Baka mamaya pa silang gabi sabi nila sakin" sagot ni tita kaye.

"A-ah tita, tito.. Sila lea, danny, samantha, at si Lucas po." isa-isa kong pakilala kila tita kaya nagpakilala din sila lea isa-isa at nakipag biso habang sila danny, at lucas ay nagmano.

"Hello po ang ganda niyo din po pala tita kaye." sabi ni lea.

"Hmm, mukhang magugustuhan ko tong batang to halikat tulungan mo na din kami ni lexa sa kusina." suot ni tita kaye sa braso ni lea.

Yari. Magluluto, di marunong magluto yan.

"Ah hahaha sige po tara po" naiilang na sabi ni lea at tininggan pa kami.

"Maiwan na muna namin kayo jan." sabi ni tita kaye. Naiwan naman kami dito sa sala.

"Ah tito nasaan po sila Ken at lily?" i asked tito bago pa siya sumunod sa kusina.

"Sasabay sila mamaya kila tita eva mo, nauna na kami dahil alam mo naman si tita kaye mo excited hahaha" sabi ni tito.

"Halata nga po tito hahaha" sabi ko din.

"Sige maiwan ko na din muna kayo jan" sabi ni tito at natungo na sa kusina.

"Masayahin si Lea no hahaha di mo siya makikitang malungkot" sabi ni Lucas. he's right lagi ngang pinapakita ni lea na masaya siya. Tinignan ko naman si danny at napatingin din siya sakin. Oo nga pala, nag breakdown na siya samin before noong nag hiwalay yung parents niya.

"Kaya nga maraming may gusto sa kanya eh.." sabi ni samantha at tumingin kay danny.

"don't tell me bro, you like lea? " lucas asked. Medyo komportable na si Lucas mag salita kasi kami-kami nalang din ang nandito.

"Oo, kahit di niya sabihin!" sabi ni samantha.

Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko, i know lea's have feelings for danny and i know danny have too. Pero si samantha, bestfriend sila dati pa, pero baka may gusto na din si samantha kay danny, Gulo ba to? O problema? Or ano? Ang gulo.

"Kath tawag ka ni tita.." tawag sakin ni lea. Tumayo naman ako.

"Hmmm, iwan ko muna kayo dito." sabi ko. Tumayo din si lucas.

"I'll join, lets go." sabi niya. "Maiwan na muna namin kayo dito ah" dagdag pa ni lucas.

"Sige sige" sabi ni danny.

"mantha " tawag ko kay samantha kasi wala na naman siyang imik.

"Hmmm, sige" sabi niya nalang, naglakad na kami papunta sa kusina, baka magpapatulong si mama sa lulutuin

DANNY RAMOS POV

"mantha.." tawag ko sa kanya pero di siya humaharap sakin, naiwan kami dito sa sala.

"May problema ba? Kasi kung meron pwede naman pag-usapan natin para maayos agad" sabi ko pa.

"Alam mo naman kung ano yung problema!" inis na tingin niya sakin.

"About ba kay Lea? Ano bang problema?" i asked.

"Ikaw!" inis na sabi niya "Nasasaktan ako kasi mas matagal mo akong nakasama, mas matagal na kitang kilala pero bakit sya! Mas gusto mo siya! Bakit siya!" inis na sabi pa din niya.

I like lea's personality, i like her also.

Kaibigan lang ang turing at tingin ko kay samantha. Malinaw na namin yun na napag-usapan.

"Napag-usapan na natin to diba?" i asked.

"Oo pero di ko kayang makita na yung bestfriend ko nahuhulog na sa babaeng ayaw na ayaw ko." sabi niya.

"Bakit ba ayaw mo sa kanya!?" kalmado na sabi ko pero naiinis na ako.

"Kasi gusto kita! Pero mas gusto mo siya!" inis na sabi niya, kaya nagulat ako sa sinabi niya.

Dahil may gusto siya sakin?

"Pero mantha.." naputol ang sinabi ko nang magsalita siya ulit.

"Pero ano dan? Kaibigan lang ang turing mo sakin?  At mas gusto mo siya?! Yun ba!" she said, naluluha na siya at ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak, lalo na't dahil sakin!

"Hindi naman sa ganu--" i said di na yun natuloy ng makita namin na lumabas sila kath mula sa kusina, dalawa lang sila ni lucas pero wala si Lea.

Lumapit naman samin sila lucas at kath.

"Okay lang ba kayo dito?" kath asked.

"Punta muna ako sa kusina.." sabi ko at tumayo.

"Sige" sabi ni kath, alam kong magtatanong sila kasi napansin nila na umiyak si samantha. Ayoko sa mga gantong sitwasyon.

At ayokong nakakakita ng umiiyak na babae nang dahil sakin, kasalanan ko man o hindi.

Di ko din alam gagawin ko para maging maayos ang problema na to.

KATH TOLENTINO POV

"Samantha may problema ba kayo ni danny?" nag aalalang tanong ko.

"Maiwan ko na muna kayo" sabi ni lucas. Ano bang nangyayari, dapat masaya lang tayo bakit ganto.

"Mantha." sabi ko at tumabi sa kanya.

"I hate her.." she said. Who? Si lea ba?

"si lea ba?" i asked.

"Bakit lahat ng tao gusto siya " ramdam ko ang galit sa boses niya.

"What do you mean?" i asked.

"Gusto siya ni danny, pati ibang tao gusto din siya! Paanong di ko siya kakamuhian" inis na sabi niya at tumingin sakin.

"Eexplain mo sakin para mas malinawan ako." sabi ko.

"I like danny, gustong gusto ko siya college pa lang. He treat me like im his girlfriend, kaya nahuhulog ako sa kanya lalo, hanggang sa dumating na tayo sa point na magtratrabaho tayo at dumating si lea. Nagsimula siyang magustuhan ng lahat dahil sa personality niya mas showy sya at masayahin paanong di siya magugustuhan ng lahat, pati lalaking gusto ko gusto din siya, anong gagawin ko. Ang sakit sakit kath." naluluhang sabi ni samantha. Nalulungkot ako para sa kanya.

"Di naman laging masaya si lea, minsan nalulungkot din siya pero di lang niya pinapakita, she pretend na okay lang siya sa harap natin pero minsan di siya okay." sabi ko. "If ever man na gusto nga talaga siya ni danny, wala naman tayong magagawa para diktahan ang puso nila. Kailangan lang natin tanggapin at maging masaya para sa kanila." sabi ko.

"Pero di ganun kadali yun kath." she said.

"I know, mahirap at masakit yun pero someday.. Magiging okay din ang lahat hanggang sa tatawanan mo na lang yung araw na to pag naalala mo." sabi ko, ito lang ang magagawa ko para mapagaan ang loob niya.

"Hindi ko alam kung paano.." she said.

Silent Return (SEASON I)  |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon