KATH TOLENTINO POV
Ilang araw na ang lumilipas at wala pa din kaming masagap na impormasyon para mahanap si Lucas, alam ko na nasa panganib sya dahil nararamdaman ko yun. Hindi ganto ang naramdaman ko noong nawala si liam. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nararamdaman kong to. Nag aalala na ako kay lucas.
Kailangan ko pa din pumasok sa trabaho kasi hindi naman pwedeng hindi ako papasok, Tito ni lucas ang may ari ng company na pinapasokan namin. Hindi ko alam na ganto pala ka yaman ang pamilya nila, samantalang ako? Isang di hamak na accountant lang dito sa kompanya.
Wala namang bago ngayong araw kagaya ng nakakasanayan, papasok,mag lulunch,papasok,at uuwi na pag tapos ng trabaho.
Nandito kami ngayon sa parking lot, ako si danny at si lea. Gaya ng sabi ko umalis na si samantha at sa ibang kompanya na nagtratrabaho. Dahil din sa alam niyo naman na. Dahil si lea ang gusto ni danny at kaibigan lang para sa kanya si samantha.
"Ingat kayo, danny, lea" Sabi ko matapos silang ibiso.
"Ikaw din ingat ka" Sabi naman ni lea sakin at pumasok na sya sa kotse nya.
"Ingat kayo" sabi din ni danny at pumasok na sa loob ng kotse nya ganun din ako pumasok na ako sa loob ng kotse ko para mag maneho pauwi.
Habang nag mamaneho ako hindi ko mapigilan na isipin si lucas. Walang araw na hindi ko sya naiisip. Walang araw na hindi ako nag aalala sa kanya.
Sana okay lang sya.
Sana maayos sya kung nasaan man siya ngayon.
Sana mahanap na namin siya.
Habang nag mamaneho ako sumakto naman ang stop light, kaya huminto ako.
Flashback
"Sabi nila pag nag red daw stop light" Lucas said. Natawa naman ako sa kanya. Masyado na kaming matanda para hindi malaman ang sign na yan.
"Hahahaha ano kaba? Alam ko din yan. Alam mo ang korni mo talaga" hampas ko sa braso nya. Nasa starbucks kasi kami at nandito kami sa labas nakapwesto. Kaya kita namin ang traffic light.
"May naalala kasi ako jan noong bata pa ako hahaha" he said. Nakita ko naman ang ngiti sa labi nya. Mukhang masaya ang alaalang iyan.
"hmmm ano bang naalala mo? Share mo naman sakin hahaha" tanong ko sa kanya.
"Si mom and dad kasi dati nag uusap sila about sa mga traffic light, tapos nakikinig ako sa kanila nagtago ako sa hagdan noon, i know its bad kasi di naman ako kasama sa usapan hahaha" he said.
"pero nakinig ka pa din hahaha" natatawang sabi ko.
"Exactly. Sabi ni dad kay mom if mom knows what is green light in traffic light? And mom said it was stop hahaha, natawa si daddy that time. Si mommy kasi hindi sya nakapagtapos noon. So si daddy ang nagiging tutor nya. Tinuturuan nya si mommy everytime na uuwi sya galing trabaho" he said. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. Kaya maging ako ay nahawaan na ng ngiti niya.
"Tumawa ka din ba habang nakikinig sa usapan nila?" i asked. He nodded his head.
"Medyo lang, mas natawa ako sa sinabi ni daddy eh. Mali mommy, ang green is go and red is stop" dad said to mom.
"Mag papagawa na lang ako ng bagong traffic light na yung green ang stop at yung red ang go hahaha yun ang sabi ni mommy kay dad kaya doon ako natawa" kwento nya pa.
"Mommy ang korni na. Yun ang sabi ni daddy kay mom dati" dagdag pa nya.
"Mana ka pala kay tita eh hahaha" Sabi ko sa kanya tumawa naman siya.
"Sumbong kita kay mommy ah hahahah" kunwaring pananakot nya. Kaya natawa na lang ako at humigop ng kape.
"Ito naman biro lang eh hahaha" pagbawi ko sa sinabi ko kanina kaya tumawa sya.
"Di wala.. Wala lagot ka kay mommy hahaha" pang aasar nya pa sakin. Nginusuan naman nya ako, subrang cute nya pag ginagawa nya yun.
End of flashback
Nagtuloy na ako sa pagmamaneho ng mag Go na ang traffic light.
----
Nandito na ako sa labas ng bahay pero nasa loob pa din ako ng kotse nakita ko naman ang kotse ni liam dito. Ano naman ang ginagawa nya dito?
Until now hindi pa din ako handa na makita o nakikita si liam. Akala ko kasi dati na ayos lang sakin pag nakita ko sya at mag uusap kami about sa pag kawala nya. Pero subrang tagal ko din na inantay sya, pero walang liam na bumalik. I did my best just to find him. Pero tama si mama, kung gusto nyang magpakita, magpapakita sya and here nandito sya sa tapat ng gate namin.
Hindi ako naniniwala sa excuse nya sa reason nya kung bakit sya nawala, imposible na hindi nya ako makakausap, matanda na sya at hindi ganun ang pag kakakilala ko kay tito robert. Pero nagkwento sakin si mama about sa past ni tito robert at tita daisy. Pero hindi naman siguro makikialam si tito robert sa buhay ni liam. Di din ako naniniwala na hindi ako gusto ni tito robert. Kasi bukod sa bihira ko na lang sya makausap wala namang way para mainis sya sakin at kamuhian ako.
Hindi sana ako magagalit kay liam kung totoo ang sinasabi nya. Pero malakas ang kutob ko na hindi totoo lahat ng reason nya sakin.
Nag desisyon na ako na tapusin na ang lahat ng samin ni liam pag balik nya. Hindi dahil meron ng lucas, kundi dahil dahil napag desisyunan ko na yun noong wala pa si lucas.
Si lucas yung nandyan noong nalulungkot ako. Si lucas yung nandyan para damayan ako. Sya yun nandyan at pinaniniwalaan ko.
Natagalan ako bago bumaba ng kotse dahil sa mga naiisip ko.
"Kath..kath..kath kausapin mo ko please" Sabi ni liam at hinawakan ako sa pulsuhan nang akmang lalakaran ko lang sya.
Inis naman akong humarap sa kanya. "Bakit pa? Para saan?" i asked.
"We're not done right? Kaya bakit kung tratuhin mo ko parang di ako naging parte ng buhay mo?" ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses nya.
Naawa ako sa kanya, dahil sa sinabi nya. Masyado ba akong naging mean sa kanya. Hindi niyo ko masisisi nasaktan ako. "Oo naging parte ka ng buhay ko liam. Ngayon na natin tapusin to. Doon din naman tayo babagsak. Tapos na tayo, tama na" hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin lahat ng to sa kanya.
"Kung wala ba si lucas ako pa rin ba?" he asked.
Natagalan ako bago sumagot. Hindi na sya kahit wala si lucas. "Hindi, nawawala ang nararamdaman ng tao. Nag fafade lahat walang permanente" i said.
Tumingin naman sya sa mga mata ko kaya ganun din ako sa kanya. "Paano kung alam ni lucas na matagal na akong nandito?" he asked. Kinabahan ako bigla subrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ikaw ang nagsabi na nito kalang dumating, paanong malalaman ni lucas? Tsaka hindi ka pa nya nakikita. At kung alam man nya sasabihan nya ako" i said. Malaki ang tiwala ko kay lucas alam kong hindi nya yun sisirain.
Pero paano kung matagal na ngang alam ni lucas? Anong dapat kung gawin? Magagalit ba ako?
"Paano lang naman--" he said.
"Tapos na tayo, ayoko nang makita ka liam. Pakiusap" i said at pumasok sa loob.
"Hindi ako susuko kath" dinig kong sigaw nya. Napahinto ako pero sandali lang iyon at nagptuloy nalang ako sa paglalakad papasok.
BINABASA MO ANG
Silent Return (SEASON I) |Completed|
General FictionMasaya ang naging simula ni liam at kath, sa kadahilan si liam ay pumunta sa states ng hindi alam ni kath, ang buong akala ni kath, nawawala si liam, kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para mahanap si liam, pero bigo syang mahanap ito. Dumat...
