CHAPTER 23 - Lie

38 21 0
                                        

KATH TOLENTINO POV

Nandito na ako ngayon sa opisina ni kuya matt. Kuya siya ni Lucas. Nag text ako sa kanya kung kailan siya free dahil may gusto akong itanong sa kanya.

"Have a seat." He said. Inilahad niya pa ang palad niya.

Ngumiti naman ako. "Thankyou" i replied.

"So.. Anong itatanong mo?" he asked. Lumunok muna ako. Hindi ko kasi siya close kaya di ko alam paano sisimulan.

"About kay lucas.." i said. Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya. "Hindi ko kasi siya macontact. Baka alam mo kung nasaan siya" sabi ko.

"Akala ko kasama niyo siya? Ilang araw na din kasi. And yes di ko din siya macontact pero buong akala ko kasama mo siya" he said.

"Hindi ko siya kasama. Kaya lumapit na ako sayo kasi baka alam mo kung nasaan siya" i said.

"Kakausapin ko sila dad. Babalitaan kita" he said. Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko.

"Thankyou. Aalis na ako" i said. Tumayo na ako para lumabas. Sana mahanap na namin si lucas. Nauulit na naman ba yung nangyayari? Una si liam ngayon naman si lucas. Pero si liam nandito na si lucas naman ang wala. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

---

LIAM MENDEZ POV

Nandito kami ngayon sa bahay ni mommy.

"Nakaka tampo nga kasi hindi ka man lang nag paalam sakin kahit text o tawag man lang daisy" tita lexa said. Tumingin naman sakin si mommy at binalik ang tingin kay tita lexa. Hindi ko na kasi siya nasabihan na sasama si tita lexa dito kaya nagulat siya pagdating namin. Alam ni mommy na kasama ako ni daddy pero nag promise siya na wala siyang sasabihan kaya success naman.

"Pasensiya na talaga. Nalulungkot lang kasi talaga ako sa pag kawala ni liam noon kaya di na ako nakapag paalam. Alam mo naman subrang stress ako noon at ayoko na pati kayo madamay sa problema namin" sabi ni mommy. Alam kong nagsisinungaling lang sya.

"Ano kaba. Kasama mo na kami sa problema kahit ano pa yan nandito kami ni kath. Tsaka girlfriend ni liam si kath kaya bilang ina noong nawala si liam nalungkot din si kath. Pero mabuti at nandito na ulit si liam. Gusto ko lang malaman kung bakit ba nawala si liam ng ganun katagal." tita lexa said. Paano ba namin sisimulan? Hindi ko alam pero gagawa na lang ako ng kwento.

"Pinilit kasi siyang isama ni robert sa states...hindi ko alam na nandoon na siya kwenento lang sakin ni liam pag ka dating niya na ganun ang dahilan ng pagkawala niya.. Alam mo naman hiwalay na kami ni robert kaya siguro sapilitan niyang isinama si liam" pagsisinungaling ni mommy. Kasama ko pa si mommy sa airport noon. Napag usapan kasi nila ni daddy na doon muna ako.

Gumawa ako ng bagong social media account para di nila ako ma contact. After that narealize ko na di pala ako payag na mapunta si kath sa lucas na yun kaya napilitan na akong magpakita sa kanya. Alam kong galit siya pero alam ko naman kung paano siya ulit makukuha. Kabisado ko na sya noon pa.

"Ganun ba? Nakakalungkot naman ang nangyari sayo liam. Paano ka nakauwi dito?" tita lexa asked.

"T-tumakas po ako..." malungkot kunwari na sabi ko. Nakita ko naman na naawa si tita lexa sakin.

"Grabe talaga si robert ano!" medyo inis na sabi ni tita lexa.

"Wag na natin siyang pag usapan. Bumabalik lang ang pag ka stress ko dun sa lalaking yun!" inis na sabi ni mommy. Alam ko na may galit pa din si mom kay dad dahil sa pag iwan niya samin.

"Mabuti pa nga hahaha" tumatawang sabi ni tita lexa kaya tumawa nalang din si mommy ganun din ako ngumiti na lang.

---

KATH TOLENTINO POV

"Ano may balita ka na ba?" danny asked. Nandito kami ngayon sa starbucks.

Nakahalumbaba naman ako. "Hindi din alam ni kuya matt kung nasaan si lucas. Akala niya kasama ko lang sya" malungkot na sabi ko.

"Bakit kaya ganun?" Lea asked. Hindi na namin nakakasama si samantha. Umalis na siya sa trabaho namin. Siguro dahil na din sa nasasaktan siya kasi si lea ang gusto ni danny. Wala naman akong magagawa kundi damayan siya.

Tumingin naman ako sa kanya. "Ano?" i asked.

"Tignan mo ah, si liam unang nawala pero nasa states lang. Sunod si lucas. Laging nawawala yung mga mahal mo if you know what i mean hihi" lea said. Alam ko naman ang pinopoint out nya. Naiintindihan ko.

"Ang malas ko naman pala talaga" yumukong sabi ko. Tinapik naman ni danny yung likod ko.

"Makikita din natin si lucas. Si liam nga kusang nag pakita diba? Tiwala lang" pag papagaan ng loob sakin ni danny.

"Oo. Tama si danny tiwala lang magpapakita din yun" lea said. Bumuntong hininga na lang ako.

---

"Kath? Kamusta? Si lucas nakita mo na ba?" Salubong sakin ni mama ng makauwi ako sa bahay. Matamlay naman akong umupo sa sofa.

"Hindi pa po. Hindi din po alam ni kuya matt kung nasaan si lucas. Babalitaan na lang daw niya ako" matamlay na sabi ko. "Bakit ganun ma? Laging na lang may nawawala sakin hayyyy naku nakakatamad lang" dagdag ko pa.

"Desidedo kana ba jan? Gusto mo ba talaga makita si lucas?" tanong sakin ni mama. Oo naman, ayoko nang mawalan ulit ng mahal ko. Hahanapin ko si lucas at this time hindi ako susuko. Malakas ang kutob ko na nasa panganib siya. Hindi naman siya palaaway na tao pero nararamdaman ko na kailangan nya ng tulong namin.

"Gustong-gusto po ma. Ayoko ng mawalan ulit" i said.

"Paano si liam? Nandyan na siya anong balak mo ngayon?" tanong ni mama. Matagal ko ng pinag-isipan to kung makita ko man siya ulit ititigil ko na lahat ng namamagitan samin noon. Di dahil may lucas na ngayon. Kundi dahil yun ang desisyon ko para sa sarili ko. Lalo na ngayon na nalaman ko na nasa states lang pala siya. Imposibleng di siya makagawa ng paraan para macontact ako. Di naman ako tanga. Alam kong di siya nagsasabi ng totoo. Di naman ako pinanganak kahapon para maniwala sa mga kasinungalingan niya!

Silent Return (SEASON I)  |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon