CHAPTER 24 - Confront

30 20 0
                                    

THIRD PERSON

kasalukuyang magkasama sina matt,kesha (ex ni lucas), danny, lea at si kath. Napag kasunduan kasi nila na magkita para mapag usapan ang plano sa pag hahanap kay lucas.

Galit si kesha kay kath dahil nung dumating si kath sa buhay ni lucas nawalan na ng oras si lucas kay kesha. Di sanay si kesha sa ganun. Pero sabi sa kanya ni lucas na kailangan niyang maging faithful kay kath kaya di na nila magagawa ang ginagawa nilang dalawa ni kesha noon, ang lumabas, mag party at mag date (Dinner date). Masama ang tingin ni kesha kay kath napapansin naman ni lea iyon kaya masama din nyang tinignan si kesha.

"So what's our plan?" Mataray na tanong ni kesha sa lahat. Pero kay kath lang sya huling tumingin.

"Our plan is. We should need to know kung saan si lucas huling nakita, sino ang huling kasama niya" matt said.

Nakaramdam naman ng lungkot si kath. Iniisip niya na baka kasalanan nya kung bakit ganun ang nangyari. Kung hindi lang siguro sila nag kita noong gabing iyon. Baka nandito pa din si lucas. Yun ang nasa isip ni kath.

"Any idea kath?" kesha asked kath. "Any suggestion?" dagdag pa nito. Tinignan naman ni kath ang lahat ng kasama nila.

"Mag post tayo sa internet. Humingi tayo ng tulong para mahanap si lucas. Baka may nakaka kita sa kanya" sabat naman ni lea. Hindi pa din kasi makapag salita si kath. Nalulungkot sya sa mga nangyayari.

"Para ano? Para malaman ng lahat na yung bunsong anak ng delos reyes nawawala? Hell no!" mataray na sagot ni kesha. Maldita! Yan ang nasa isip ni lea ng marinig ang sagot ni kesha sa kanya. Inisnaban naman sya ni kesha.

"Bakit matt bawal ba?" lea asked. Nananatili pa ding tahimik si kath ilang araw na kasi siyang di makatulog kaka isip kung ano ang pwedeng gawin para mahanap agad si lucas.

"Isa kasi yung mga parents namin sa kilala dito sa makati. If ibrobrodcast natin na nawawala si lucas may mga negative na maaring mangyari" sagot ni matt sa tanong ni lea.

"Negative? Tulad ng?" lea asked.

"Siguro marameng mag papanggap kunwari nakita nila si lucas o kaya yung iba mang gugulo lang, mang tritrip ganun" dagdag ni danny.

"We're not on the movie but i guess danny's right" sagot ni kesha.

"Kath? Are you with us?"  nag aalalang tanong ni matt kaya bumalik sa reyalidad si kath.

"A-ah a-ano u-ulit yun...sorry" utal na sagot ni kath. Wala pa sya sa katinuan ngayon dahil na din sa pag aalala.

"Diba ikaw ang huling kasama ni lucas?" kesha asked kath.

"O-oo" tipid na sagot ni kath. Inisnaban naman siya ni kesha pero di niya iyon nakita dahil yumuko sya agad.

"Maybe. you're the one who kidnap lucas! How much do you want?" sarcastic tone na tanong ni kesha. Kumuyom naman ang kamao ni kath sa narinig nya. Hindi sya mahilig sa gulo kaya nag pipigil sya. Sinaway naman ni matt si kesha sa pamamagitan ng pag tapik dito.

"Kesha please. you're not helping.. You make everything complicated!" saway ni matt sa kay kesha.

Galit talaga si kesha kay kath. "Ano? How much!" kesha asked. Inuubos nya talaga ang pasensiya ni kath.

"Pwede bang tumigil kana! Ano bang problema mo sa kaibigan namin ha!" inis na tanong ni lea kay kesha na inisnaban lang siya. Hindi na din kasi nakapag pigil si lea sa mga sinasabi ni kesha kay kath.

"Hindi ikaw ang kausap ko. So shut the fuck up!" Inis din na sagot ni kesha.

"fuck your ugly face jerk!" Laban din ni lea. Sinaway naman siya ni danny at kath sa pag pigil nito sa pag duro kay kesha. "Nag mamaganda ka! Wala ka ngang ambag dito! Kanina mo pa pinag iinitan kaibigan namin ah! Bakit ano ka ba ni lucas?" tanong ni lea. Nagulat naman si kath, hindi nga pala alam ni lea na ex ni lucas si kesha.

"I'm his girlfriend!" sabi ni kesha na mataray na tumingin kay kath. Naiinis na si kath at kanina pa nag pipigil.

"Correction ex girlfriend!" di na napigilan ni kath magsalita.

"Excuse me!" gulat kunwari na sabi ni kesha na napahawak pa sa dibdib nya.

"Ano bang problema mo sakin?" mahinahon na tanong ni kath.

"Please guys stop. Nandito tayo para mag plano sa pag hahanap kay lucas" saway ni matt sa dalawa.

"Because of you lucas not here!" kesha said. "Because of you hindi na namin sya nakakasama!" dagdag pa ni kesha. "And because of you kaya sya wala dito dahil baka ikaw mismo ang nag plano ng lahat!" dagdag pa ni kesha. Di na nakapag pigil si kath.

"Then why would i do that?" nag pipigil na inis na tanong ni kath. Pinipilit niyang maging kalmado pero inuubos ni kesha ang pasensiya nya.

"Because all you need is his money, right?" mataray na tanong ni kesha.

"Don't judge me if you don't know me well. Kilala mo lang ang pangalan ko. Pero hindi ang pagkatao ko! Kaya sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan?" inis na sabi ni kath. "And besides ex ka na niya? So sino ka para sabihin na girlfriend ka pa din niya? Kunting kahihiyan naman sa katawan kesha! Kung girlfriend ka nya bilang pag respeto baka wala ako dito. Pero hini eh, wala na kayo ni Lucas kaibigan ka nalang nya. Tanggapin mo nalang!" inis na sabi pa din ni kath. Natahimik lang ang lahat. "Kung alam ko lang na ganyan yung iaasta mo dito di ko na sinabihan si kuya matt na papuntahin ka dito!" inis na sabi pa din ni kath. Tinignan naman ni kesha si matt.

"Akala ko ba ikaw ang nag papunta sakin dito?" inis na tanong ni kesha kay matt.

"Sorry. Si kath nagsabi na papuntahin ka. She still have care for you na baka magtampo ka if hindi ka namin sinama sa plano namin to find lucas" matt replied.

Nakaramdaman naman ng pagka pahiya si kesha kaya tinignan nya si kath mula ulo hanggang paa.

"Bitch!" inis na sabi ni kesha bago lumabas at malakas na isara ang pinto.

"Sundan ko lang. Sorry talaga guys" Matt said. Tsaka lumabas na para sundan si kesha.

"Maldita, Ano pahiya sya ngayon!" sabi ni lea.

"Inubos niya yung pasensya ko!" inis na sabi ko kath.

Silent Return (SEASON I)  |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon