CHAPTER 27 - Truth hurts

29 20 0
                                    

KATH TOLENTINO POV

"Anong ginagawa mo dito?" i asked. Ang aga-aga mambulahaw nitong lalaking to.

"Pinapunta kasi ako ni tita" he replied.

Bakit? Ano na naman ang trip ni mama? "Bakit daw?" walang ganang tanong ko.

"Liam andyan ka na pala" dinig kong sabi ni mama mula sa likod. Tinignan ko naman sya ng nagtatanong na tingin. "sasamahan nya ko nak mag grocery, sasama ka ba?" mom asked. Naalala ko na may bibilhin din pala ako.

"Hindi na" sabi ko at tinalikuran sila. Magpapasama na lang ako kay lea o kaya kay danny. Ayokong kasama si liam, iniiwasan ko sya.

LEXA TOLENTINO POV

"Pag pasensyahan mo na si kath, liam ah" i said. Baka stress lang kasi yun dahil wala pa din si lucas.

Ngumiti naman sakin si liam. "Ayos lang po tita, baka galit din po siya sakin" he said. Siguro nga Oo, matagal din syang nawala eh, nasaktan si kath noon. Di ko siya masisisi.

"Baka stress lang liam, alam mo naman hanggang ngayon hindi pa nakikita si lucas" i said. Naglalakad kami dito sa loob ng supermarket at naglalagay ako ng mga vegetables sa cart.

"Asaan po ba si lucas?" he asked. Mukhang wala siyang idea sa mga nangyayari.

"Nawawala siya, malakas daw ang kutob ni kath na nasa panganib si lucas kaya gumagawa sya ng paraan para mahanap agad si lucas" i said. Naawa din ako kay liam, late na kasi siya ulit bumalik.

"Ganun po ba, nililigawan po ba ni lucas si kath? Kasi parang concern na concern si kath kay lucas" he asked.

"Ang pag kakaalam ko, pinatigil nya muna si lucas. Kasi ang sabi nya aantayin ka niyang bumali--" i said. Di pa ako tapos nagsalita na siya bigla na excite siguro.

"Ibig sabihin inaantay nya pa din po ako? At wala silang relasyon ni lucas?" he asked. Grabe ang ngiti nya.

"Wag ka sanang mabibigla liam... May nararamdaman si kath kay Lucas ganun din naman lucas kay kath. Bilang daw pag respeto sayo, pag bumalik kana mag uusap kayo at tatapusin nya lahat ng meron kayo. Pasensiya na nak kailangan mo din malaman kasi ayokong masaktan ka.." malungkot na sabi ko sa kanya. Nawala naman ang ngiti sa labi niya. Pasensiya na liam pero yun ang totoo.

"Medyo nasaktan po ako doon tita, pero okay lang po naiintindihan ko po" malungkot na sagot nya naman.  "Tara po tita, pila na po tayo" he said. I nodded my head at pumunta na kami sa costumer lane.

-----

"Salamat liam ah, pahinga ka na muna dito mag hahanda muna ako ng pagkain" i said.

"Sige po tita antayin ko po, salamat po" he replied. Pumunta na din sya sa kusina.

Nakita ko na kumakain dito sa kusina si kath.

"Sumabay kana samin" i said. Tumingin naman sya sakin, mukhang wala sya sa mood kaya umupo ako. "May problema ba?" i asked, ayoko na may tampuhan kami kung nagtatampo man sya.

"Nasa sala ba sya ma?" she asked. Sk i nodded my head. "Bakit nandito pa sya ma? Wala na kaming dapat pag usapan and besides tapos na kami bakit pinapapunta mo pa din sya dito?" inis na tanong nya. Minsan lang sya mag act ng ganito kaya hinahayaan ko lang kasi alam kong stress din sya.

"Nag usap na ba talaga kayo?" i asked. Lumihis naman sya ng tingin sakin. "Mukhang hindi pa, at hindi pa kayo tapos, may kayo pa din. Akala ko ba kakausap--" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.

"Kakausapin ko sya ma pero hindi ngayon, bakit ngayon? May problema pa ko na dapat sulosyunan sasabay ko pa yun si liam?" inis na tanong nya.

"Naiintindihan ko na nagagalit ka sa kanya kath, pero may pinagsamahan din naman kayo ni liam. Bakit ganyan mo siya pakitunguhan ngayon?" tanong ko sa kanya. Halata na naiinis sya at gustong tumulo nang mga luha nya pero pinipigilan nya lamang ito.

"He hurt me ma, tapos yung reason nya nasa states lang sya? Hindi ba sya gumawa ng way para makausap ako? Hindi ba nya naisip na nag aalala ako. Halos gumawa pa tayo ng mga missing na litrato niya para mahanap sya ma... Ginawa ko lahat ma diba? Hindi naman ako nagkulang para mahanap lang sya. Pero nasa states lang sya, yung pagtakas nya nga kay tito robert nagawan nya ng paraan eh, paano pa kaya yung kahit isang beses na subukan nya man lang akong makausap noon ma. Masakit yun eh! Tapos babalik sya ngayon na parang wala lang? Hindi ako naniniwala sa reason nya ma. Hindi ako tanga! Hindi ako pinanganak kahapon para paniwalaan yung mga kasinungaling na pinag sasabi nya ma! Kaya ayoko syang makita. Kung mag uusap man kami tsaka na pag okay na lahat kapag nandito na si lucas kasi gustong gusto ko nang makita si lucas ma...subrang hirap mawalan na naman ulit ma.." umiiyak na sabi nya. Hindi ko alam na ganito pala kabigat ang nararamdaman nya. Hindi nya lahat sinabi sakin ito. Lumapit ako sa kanya at tinabihan sya para pagaanin ang loob nya.

"Sorry anak, hindi ko alam na subrang nahihirapan ka na pala.." i said. Habang hinahawi ang likod nya at yakap. Ayokong nakikitang nahihirapan ang anak ko. Hindi ko alam na grabe pala sya masaktan pag dating sa love na ito. Wala naman akong ibang maitutulong kundi samahan sya sa mga problema nya at pagaanin ang loob nya.

----

"Pasensiya na liam ah." sabi ko sa kanya, nandito na kami sa labas ng gate. Hindi na sya nakakain dito kasi ayokong mas mahirapan si kath. Alam ko naman na nahihirapan at nasasaktan sya pag nakikita si liam naalala nya yung nangyari noon.

"Ayos lang po tita, pasensya na din po. Kasalanan ko po kung bakit nag kakaganun si kath" he replied.

"Pasensya na talaga nak" malungkot na sabi ko at niyakap sya.

"Narinig ko po lahat tita, hindi ko po sinasadyang marinig ang lahat ng pinag usapan niyo. Hindi ko po alam na ginawa nya lahat ng yun para mahanap ako, tama po sya bakit di ako gumawa ng way para makausap man lang sya. Pasensya na po tita naduwag lang ako noon, masakit..." hindi nya natuloy ang sinabi nya ng maramdaman ko na humihikbi na sya.

"Masakit na yung taong mahal mo... May mahal ng iba" naluluhang sabi nya. Nasasaktan ako para sa kanilang dalawa. Hinahawi ko lamang ang likod nya dahil ito lang ang alam kong paraan para kahit papaano makatulong.

"Pasensya na anak. May mga bagay talaga na hindi natin expected na mangyayari" sabi ko na lang.

"Pasensiya na po ulit tita, mauna na po ako." he said. Pinunasan nya naman ang mata nyang kanina ay lumuluha.

"Mag iingat ka liam" i said.

"Salamat po" he replied. Pumasok na sya sa kotse at nag maneho na paalis. At ako naman Pumasok na ako sa loob ng bahay.

Silent Return (SEASON I)  |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon