CHAPTER 12

36 22 0
                                    

KATH TOLENTINO POINT OF VIEW

"Sandali, uuwi ka na ba?" he asked.

"Oo, may dinner date kami ni mama eh" sagot ko.

"Ganun ba? Sweet mo naman pala sa mama mo."  sabe pa niya.

Ngumiti naman ako "Kami nalang ni mama magkasama eh kaya ganun." sagot ko.

"Pag free ka sa susunod, pwede ba kitang ayain?" he said.

"Ayain?" i asked.

"Ayain sana lumabas." nahihiyang sabe niya.

Wala namang masama.

"Yup, sure sge una na ko." sagot ko.

"Thankyou." sabe nya, pumasok na ako sa kotse at nag maneho na pauwi.

Nakauwi na din ako.

"Ma." tawag ko kay mama, lumapit ako para bumiso.

"Di na talaga nalalate ah" sabe ni mama, at umupo.

"Syempre ma, date naten to eh." sabe ko tsaka umupo.

Minsan lang naman namin to ginagawa ni mama, nakaka overwhelmed lang talaga na ganto, nakakalimutan ko yung problema ko, di ko din alam pero ayos na din na kalimutan ko nalang si Liam, pero umaasa ako na sana bumalik pa din siya.

"Kamusta naman kayo sa trabaho?" mom asked.

"Okay lang ma." sagot ko.

"Si Lucas?" nagulat ako sa tanong ni mama.

"P-po?" i asked.

"Ah pasensiya na, si lucas kasi tinutulungan niya akong buhatin yung mga pinamili ko sa grocery minsan, nasasaktuhan ko siya dun, nakwekwento nya na mag kaibigan kayo, nag kakilala kayo dahil din kay danny. Masyado na kaming madameng napag usapan, pasensiya na ngayon ko lang nasabe." kwento naman ni mama.

"ganun ba ma, okay lang po ngayon lang tayo nagkaroon ng free time eh" i said "Opo okay kami, medyo nag uusap kami pero bihira, di ako pala kwento sa kanya." dagdag ko.

"Tingin ko nga hinahangaan ka ni lucas..." sa tono ni mama para siyang nang-aasar.

"Mama naman.." sabe ko.

Tumawa lang si mama. "Magkaibigan lang po kami" sabe ko.

"Jan din naman kayo nagsimula ni Liam, kath" sabe ni mama.

"Ma." pag sasaway ko.

"Oo sya sge na, magkaibigan lang kayo." sabe ni mama.

"Ma, paano kaya kung bumalik si Liam? Tapos wala na akong nararamdaman para sa kanya dahil matagal na din siyang di nagpapakita? Ano kayang gagawin ko?" i asked.

Di ko din kasi alam ang gagawin ko when it comes to that situation.

"Ikaw lang naman ang makakasagot niyan kath, bumuo ka na agad ng solusyon sa utak mo palang, para may ideya kana sa gagawin mo kung sakali man na dumating ang araw nayun." sabe ni mama.

Tama si mama ako lang ang makakasagot sa sarili kong tanong wala ng iba.

"Thankyou ma, lagi kang nandyan para sakin." sabe ko.

Nginitian naman ako ni mama "Tayo nalang dalawa ang magkasama, tayo nalang din ang magtutulungan." sabe ni mama.

"Si tita daisy ba ma? Kamusta?" i asked, naalala ko lang kasi matagal na din akong walang balita kay tita daisy, sana okay lang siya.

"Di ko na din siya nakakausap anak eh, lumipat na din daw ng bahay si tita daisy mo sabe ng kapitbahay nila." sagot ni mama.

Lumipat? Bakit? Bakit di sya nagsabe kay mama?

"di ka ba sinabihan ni tita daisy ma? Na lilipat na sila?" i asked.

"Hindi eh, basta ang huling usap namin nung nag mall kami, malungkot sya nun kaya dinamayan ko sya, after nun? Wala na akong balita, di na din kasi siya nag rereply sakin." sabe pa ni mama.

Kamusta na kaya si tita daisy? Wala naman sanang masamang nangyare sa kanya.

"Sana okay lang si tita daisy ma " sabe ko nalang.

"Sana nga kath." sabe din ni mama.

Nagpatuloy na din kami sa pagkain ni mama.

------

Ilang buwan na naman ang lumipas, wala pa ding balita kay Liam, di naman sa napagod ako hanapin siya, pinakinggan ko nalang si mama na magpapakita naman ang tao kung gugustuhin niya, ayokong maghanap ng maghanap kung di ko din naman siya mahahanap. Sabe din nila Lea nakikita nila ang kahawig ni Liam minsan, pero bat ako di ko nakikita man lang, sa mall isang beses pero wala nang kasunod pagtapos nun. Kaya tingin ko baka nandito lang si Liam, baka nandito lang sya at iniiwasan ako, wala akong maisip na dahilan kung iniiwasan man niya ako, o baka kamukha lang niya ang nakikita nila lea at danny, samantha.

Kilala ko na si Liam, pero di lubos kasi di pa naman kami nagsasama sa iisang bubong, pero alam ko ang kilos niya.

Kaya kung makikita ko man siya kahit isang beses ng subrang lapit namin sa isat-isa makikilala ko siya, at kung sakali man na malaman ko na nandito talaga si liam at umiiwas lang sakin, gusto kung malaman kung bakit sya nawala, o bakit sya di nalang nagparamdam basta. Bakit nya ako iniwan ng walang paalam, at sana naman valid yung reason niya pag nagkataon na makita ko siya aksidente man o planado ang lahat.

Pero ngayon, focus muna ako sa mga taong nakapalibot sakin, sa mga taong nanatili sakin, sa mga kaibigan ko, Especially kay Lucas, iba ang treatment niya kila Lea, at samantha, ayokong mag assume na tama ang sinasabe ni mama na baka may gusto sakin si Lucas, mas natuwa ako ng malaman ko na tinutulungan pala niya si mama minsan, lalo na sa mga ganung bagay, mabuti din ang pakikitungo niya sakin kaya natutuwa ako, ibang iba sila ni Liam, pero natutuwa ako sa pagkatao niya.

Silent Return (SEASON I)  |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon