THIRD PERSON
May kaba man na nararamdaman si jonas, nagpatuloy sya sa pagpunta sa isla kung nasaan si lucas, Oo, sya ang dumukot kay lucas, dahil sa pera, ngunit dahil mas malaki ang pera na ibinigay sa kanya ni emilio, mas nasilaw ito, kung sakali man na maibalik nya si lucas, ay maaring madagdagan pa ang pera na ibinigay sa kanya.
Isang hindi kilalang tao ang tumawag sa kanya noong gabi, bago dukutin si lucas.
"50million, ipapadala ko sa bank account mo yan ura mismo, kapag ngayong gabi naibigay mo si lucas sa'min," sabi ng hindi kilalang lalaki sa telepono, Dating myembro si jonas ng sindikato, isa sya sa pinagkakatiwalaan ni don pablo, kaya inisip nya na baka si don pablo ang nagbigay ng numero nya para tawagan sya at utusan na dakpin si lucas.
Nagtataka man si jonas kung bakit si lucas ang gusto ng tumawag sa kanya, ngunit dahil sa pera ay agad naman nyang tinanggap ang utos sa kanya.
Nakarating na si jonas sa isla, isang kubo lamang ang nandito ngunit may mga cctv sa mga bawat puno ng isla, may tagong mansyon doon, kung saan nila pinapanood si lucas, tago din nilang bunibigyan ng makakain si lucas, malaki ang kailangan nila kay lucas.
Pinapanood naman ng mga bantay si jonas sa bawat kilos nito, hindi alam ni jonas na may cctv ang bawat sulok ng lugar.
Naabutan nyang natutulog si lucas, medyo mahaba na din ang mga balbas ni lucas, matagal na din syang nandito, at ang damit na suot nya ay ganun pa din, damit bago sya dakpin.
"Lucas, lucas wake up." pang gigising ni jonas kay lucas, kinakabahan si jonas sa gagawin nya, pero mahalaga ang pera para sa kanya.
Hindi naman gumigising si lucas,
"Fuck, lucas wake up." bulong nito, tinatapik tapik naman nya ang pisngi ni lucas ngunit hindi pa din nagigising ito, ilang oras syang nakaupo at hinihintay na gumising si lucas, pero bigo sya.
Lumabas sya sandali para mag sigarilyo, nang biglang may babaeng tumutok ng baril sa sentido nya, hindi naman nakakilos si jonas dala ng kaba at takot, nabitawan nya ang sigarilyo na sisindihan palang sana nya.
Dahan-dahan syang humarap sa babaeng hanggang ngayon nakatutok pa din ang baril sa sentido nya.
"What do you think your doing?" mataray na tanong ng babae kay jonas, ramdam naman ang panginginig ni jonas, alam nyang hindi nya kaya ang babaeng nasa harap nya ngayon, sya si alexandra, anak ng lalaking nag padukot kay lucas, may malaki silang kailangan kay lucas maliban sa pera.
"Nothing." sagot ni lucas na mas kinabahan ng biglang paputukin ng babae ang baril, kaya napapikit sya, wala itong bala, may kailangan pa sila kay jonas kaya hindi nila ito agad-agad papatayin.
"You scared? Ha, what are you doing here? Walang tumawag sayo para pumunta dito!" inis na sabi ng babae, ibinaba na nya ang baril na kanina'y nakatutok kay jonas.
Napalunok naman ng laway si jonas, at ramdam pa din ang kaba sa kanyang dibdib. Iniisip na mali ang pumunta sya sa isla.
"Gusto ko lang bumisita—" sabi ni jonas, napangisi naman si alexandra."Why?" jonas asked.
"Wag mong sabihin na ibabalik mo si lucas, jonas?" mataray na tanong nito.
"Hindi!" pasigaw na nasabi ni jonas, "Bakit pala hindi sya gumigising?" jonas asked.
Naglabas naman ng sigarilyo si alexandra at sinindihan 'yon.
"Tinurukan sya kanina, nanlalaban kasi eh, gusto pang tumakas, hindi sya pwedeng bugbogin sa mukha, sabi ni dad." she said. Nagtataka naman si jonas.
"Why?" he asked. Tinignan naman siya ni alexandra saglit at bumalik ng tingin sa karagatan.
"Maybe, dad will tell you kung ano ba talaga ang plano nya," she said.
"Gusto kong malaman kung bakit," tanong ni jonas.
"Tara sa mansyon, sasabihin ko sayo." aya nya kay jonas, sumunod naman si jonas sa kanya.
———
"Bakit mo binabalik 'to?" tanong ni emilio sa kanya.
"Hindi ko kayo matutulungan," jonas said.
"Bakit?" emilio asked, labis na nagtataka si emilio sa inaasta ni jonas, dahil alam nyang may alam si jonas kung nasaan si lucas, pero hindi sila basta-basta kumikilos. Nagplaplano sila.
"Aalis na 'ko," yun lamang ang sinabi ni jonas at lumabas na ng pinto.
"Jonas!" tawag sa kanya ni emilio pero hindi na ito bumalik pa.
Nakita naman sya ni kath na nagmamadaling maglakad pa labas, sandali lamang syang tinignan ni jonas at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Bakit naman kaya nag mamadali 'yon?" Tanong ni kath habang sinusundan ng tingin si jonas hanggang sa hindi na makita ng mata nya si jonas.
"Bakit? Kilala mo ba yun kath?" tanong sa'kin ni lea. Narinig nya pala ako, Aiiish.
"H-hindi," pagsisinungaling ko.
Hindi kasi kilala nila lea si jonas, isang beses lang nya nakita si jonas, noong kumain sila sa resto ni lucas, yun ang unang beses na nakita nya si jonas.
———
"Shit!" hampas ni jonas sa busina ng kotse nya.
Nanghihinayang kasi siya sa pera, gusto nya pag nasa kamay na nya, kanya na 'yon, pero wala siyang magagawa kundi ibalik, naalala nya naman ang nangyari noong gabi'g iyon.
"Pag nalaman ko, na itatakas mo si lucas dito, kapatid mo ang papatayin ko, sa harap mo mismo, ipapatikim ko pa sya sa mga alaga ko, naiintindihan mo!" galit na sabi ni don pablo sa kanya, pinasunod kasi sya ni alexandra dahil buong akala niyo ay sasabihin na sa kanya ng dahilan kung bakit dinukot si lucas.
Ngunit mali sya, dahil pinasunod sya doon para takotin ni don pablo, dahil nalaman ang ginawa nyang pag gising kay lucas, nakita kasi ito ng iba pang mga tauhan ni don pablo kaya inutusan nya si alexandra na puntahan si jonas at papuntahin sa mansyon.
"Naiintindihan mo ba!" halos tumalsik ang laway ni don pablo dahil sa galit at inis na nararamdaman nya.
Hindi pwedeng mawala o makatakas si lucas sa kanila,
"Naiintindihan ko," takot man pero kailangan nyang sumagot kay don pablo.
"Mabuti naman," madiin na hawak nya sa pisngi ni jonas, hawak kasi si jonas ng dalawang nag lalakihang gwardya ni don pablo, kaya wala itong laban. Natatakot man si jonas dahil sa pinasok nya, wala siyang magagawa dahil nandito na sya.
BINABASA MO ANG
Silent Return (SEASON I) |Completed|
Genel KurguMasaya ang naging simula ni liam at kath, sa kadahilan si liam ay pumunta sa states ng hindi alam ni kath, ang buong akala ni kath, nawawala si liam, kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para mahanap si liam, pero bigo syang mahanap ito. Dumat...
