"Liam! Saan ka galing?" salubong sakin ni mommy.
Nandito na ako sa bahay ngayon.
"May pinuntahan lang mom" i said. Tsaka umupo sa sofa, sinundan naman nya ako. Naupo din sya sa kabilang sofa.
"Where?" she asked.
Tinignan ko naman si mom ng nagtatanong na tingin.
"Anyway, may party bukas sa bahay nila tita clare mo, she want you to came, kaya susunduin kita dito bukas ng 6pm okay?" she said.
"T-tita clare?" i asked. I can't recall her name. I think makikilala ko sya pag nakita ko sya sa personal. I forgot again fuck!
"Yes. Your dad sister, you forgot?" she asked.
"No, of course" depensa ko naman.
"okay then, i have to go. May meeting pa ako. Bye, iloveyou" she said. Biniso nya din ako.
"Iloveyoutoo mom" habol ko, dinig ko naman na nagsara na ang pinto kaya ipinatong ko ang ulo ko sa sofa at napabuntong hininga na lang.
What the hell! Pati ba naman si tita clare nakalimutan ko? Baka maalala ko sya kapag nakita ko sya. Ganun na lang. Sana ganun nga.
Naalala ko yung medicine na binigay sakin ni Dr.yap, lumabas ako para kunin iyon nasa loob kasi ng kotse ko yun, may nakita naman akong pamilyar na babae sa di kalayuan, hinayaan ko na lamang yun at pumasok na sa loob.
KATH TOLENTINO POV
"Kamusta naman ma?" i asked her, mukhang pagod na pagod sya. Minamasahe ko ang likod nya, ganto ginagawa ko kapag galing sya sa trabaho, may bago syang trabaho ngayon, i forgot to ask kung ano ba yung work nya.
"Ito nakakapagod, ang dameng pasyente na dumating kanina, kaya walang pahinga pahinga hayyy!" buntong hininga nyang sabi. Hospital?
"You mean sa hospital ka nagtratrabaho ma?" i asked.
Tinignan naman ako ni mama ng nagtatanong na tingin.
Oo nga pala isa si mamang nurse noon, nag stop lang sya noong pinanganak ako, at bumalik na sya ngayon dahil medyo kaya ko na din ang sarili ko.
"Oo nga pala ma, nurse ka pala noon. Balik loob? Haha" biro ko.
Tumawa naman sya. "Balik loob tayo, namiss ko ang amoy ng hospital" she said. Napangiti naman ako. Masaya ako kapag masaya si mama.
"Niceeee, im so happy for you ma" ngiting sabi ko. Hinawakan naman nya ang kamay ko na kanina ay pinapanghilot ko sa likuran nya.
"Salamat kath, at sana maging happy kana din kapag nandito na si lucas" she said. Nakaramdam naman ako ng lungkot ng maalala ko si lucas.
"Kaya nga po ma eh, sana mahanap na po sya" i said.
"Tiwala lang anak, mahahanap din si lucas" sabi ni mama kaya ngumiti ako at pinagpatuloy ang paghihilot sa kanya.
---
"Hello, samanta" i said. Nandito ako sa kwarto ngayon, tinawagan ko si samantha para sana ayain syang lumabas at magtanong sa kanya.
"Hello, kath. Napatawag ka?" she asked.
Paano ko ba sisimulan to? Aiiisssh!
"kailan ka ba free?" i asked.
"Hmmm, saturday ako free. Why?" she asked.
"Labas tayo, treat ko" masayang sabi ko. Miss ko na din kasi sya. Isasabay ko lang yung pakikipag kwentuhan about kay jonas, hindi naman siguro nya mahahalata eh.
"Sure, miss you!" malungkot na sabi nya.
"Miss kana din namin." i said.
"Namin?" she asked. Hindi naman ako nagsalita. "Ahh, okay i'll call you later ah, magluluto muna ako" she said.
"Okay, thankyou" i said. Ibinaba naman na nya ang kabilang linya.
Gusto kong makasagap ng kahit kunting impormasyon lang para may maitulong ako kila sir emilio,kila kuya matt.
Alam kong bawal ang makialam pero gusto ko lang naman tumulong.
Matutulog na sana ako ng may nag message sakin, si tita daisy pala ito.
Tita daisy: Free ka ba bukas? May party kasi si tita clare mo, sana makasama ka namin, pinapasama ka kasi ni clare.
Me: Opo tita, anong oras po ba?
Tita daisy: Mga 6pm pwede ka nang pumunta doon, if you want sunduin nalang kita?
Me: Doon pa din po ba ang place nila?
Tita daisy: Yes, i'll call you tomorrow, isama mo na din si lexa.
Me: sige po tita sasabihan ko po si mama bukas, thankyou po.
Tita daisy: For my liam's girlfriend, always welcome iha
Hindi na ako nag reply pa at ipinatong na lamang sa table ang phone ko.
For my liam's girlfriend, always welcome iha
Hindi pa ba sinasabi ni liam na wala na kami? Why?
Aiiisshh! Problema na naman ba to? Kasi kung oo, aiissh ang malas ko naman nako po!
BINABASA MO ANG
Silent Return (SEASON I) |Completed|
General FictionMasaya ang naging simula ni liam at kath, sa kadahilan si liam ay pumunta sa states ng hindi alam ni kath, ang buong akala ni kath, nawawala si liam, kaya ginawa nya ang lahat ng makakaya nya para mahanap si liam, pero bigo syang mahanap ito. Dumat...