CHAPTER 8

44 27 0
                                    

"Ma? Kamusta na po pala si tita daisy?" i asked.

Kumakain kami ngayon ni mama. "Di ko na siya nadadalaw eh, pero nakwento ko na ba sayo yung about sa kanila ni tito robert mo?" mom asked.

Umiling naman ako.

"Hiwalay na pala sila, di lang daw niya kwenekwento saten kasi ayaw daw nyang dumagdag pa sa problema, hiwalay na sila bago pa mawala si Liam." sabe ni mama.

Uminom naman ako ng tubig at nagsalita "kamusta na kaya ang lagay ni tita daisy ngayon, bisitahin kaya naten siya ma?" i said.

"Wag na muna kath, focus ka na muna sa trabaho mo, sa kaibigan mo samin. Ako na bahala kay tita daisy mo." sabe ni mama.

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

-------
May kumatok naman sa pintuan namin kaya agad kong binuksan yun.

"kath? Are you free tonight?" lucas asked.

Nagulat naman ako sa kanya. "H-huh.." i said.

"Join us, pupunta kami sa bar ngayon." he said.

Hello? Bakit mo to sinasabe sakin? Di tayo close.

"Oww sorry, nasa loob ng kotse ko si danny if you don't mind..inaaya ka namin." he said.

"Kath.." tawag sakin ni danny sa loob ng kotse ata ni Lucas.

Tinignan ko naman siya nang nakakainis na tingin.

Binalik ko naman ang tingin ko kay Lucas "Sorry pero di pwede eh, masama ang lagay ng tyan ko." pagsisinungaling ko naman.

"Ganun ba, sige next time nalang" he said at tinalikuran na ako.

Binalik ko ang tingin ko kay danny "Humanda ka sakin bukas!" pag babanta ko sa kanya. Di naman malakas yun sakto lang para mabasa nya ang sinabe ko.

"Why?" he asked without tone.

Sinara ko na ang pinto at bumalik na sa sala.

"Sino yun?" mom asked.

"kaibigan ni danny ma." i said.

Umupo naman ako sa tabi nya para manood ng t.v

"Bakit daw?" tanong ni mama sakin.

"Wala naman po, nangamusta lang." pag sisinungaling ko.

"Pinapasok mo dapat muna." mom said.

"May lakad din daw po sila eh, kaya di na sila nakatuloy dito." again pag sisinungaling ko ulit.

LUCAS DELOS REYES POV

Pumasok na ako sa loob ng kotse, halos kabahan ako at nag ipon ng lakas ng loob para ayain siya tapos di pala siya sasama, naku nakakahiya!

"Ano, rejected ka na agad?" natatawang tanong ni danny.

"Masama daw lagay ng tyan niya." sabe ko at inistart na ang kotse.

"Si kesha? Susunduin mo pa ba?" he asked.

"Di na daw may kotse siya e hahaha" sabe ko.

"Ako din may kotse eh, pinilit mo lang ako na sumama para di ka mag-isa pumunta dito hahaha" pang-aasar pa din ni danny kaya tumawa nalang ako.

Mamaya na ako mag tatanong about kay Liam, kapag medyo may tama na.

@Tikito's Bar

Silent Return (SEASON I)  |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon