Chapter 2

123 3 0
                                    

Going south v.s (un)known ft. ang mahiwagang shop ni aling zel

***

[" Kayong mga bata kayo! Ano, bibili nanaman kayo ng ticket ng paborito niyong banda na yan! Juskooo! Ipunin niyo yang mga sinasahod niyo, at kakailangan niyo ito sa pagtanda ninyo. Mag-isip kayo kung saan niyo gagastusin yan! Nung bata ako bla bla bla bla bla"]

ang aga-aga, nasesermonan na agad ako. Dinaig pa ng tita ko yung nanay ko sa sobrang mabunganga. Hindi ko na nga maintindihan yung iba niyang sinasabi eh

["Nakikinig ka pa ba!?"]

"..." inaantok pa ako.

"Ay potchi ka! Bahala ka nga basta ako bilhan mo rin ako!" Anak ng. Yun lang din pala gusto niya, naiinggit kaya binungangaan ako. sakit sa head! Buti nalang binabaan niya na ko ng call, konti nalang magiging dragon na din ako.

"Aga mo ah?" Sarcastikong tugon sakin ni V. Sinamaan ko naman siya ng tingin, kasalanan din naman nila na na-late ako nung one time. Pinatayan ako ng alarm eh! "joke lang, to naman! Excited ka na ba?"

"Oo naman yeees! Going South yun eh, sino di maeexcite!" Masayang sabi ko, totoo naman sino di magugustuhan ang Going Sou--

"Yung (un)known." Maikling sagot ni Joy. "Lah bakit! Totoo naman, narinig ko lang hehe naki-chismis ako sa kapit bahay natin."

Kaya naman pala nawala nung saturday, kala ko kumuha lang ng piattos naka-abot rin pala ng kabilang unit si gaga. Ayos!

"Eh teka, teka, teka! Ano ulit sabi mo kanina?? Yung sa (un)known, ayaw nila sa Going South?? Bakit naman?? Bat ayaw nila sa mga bebe ko??" Naki-daldal na rin samin si V. Pagdating talaga sa mga ganitong usapan, active na active na lalo na sa mga chismisan.

"Ewan ko nga eh, wala pa akong masyadong alam basta yung dalawang bandang 'yon di sila bati. konti lang din alam ng kapitbahay natin. Walang silbi eh naglalandian lang naman sila ng asawa niya hmp." Sagot niya habang kumukuha ng piattos sa cabinet, ang aga-aga yan kakainin mo!

naki-chismis ka na nga lang ganyan ka pa!

"Dzuh! Ganon naman kasi talaga sila Neneng B at Totoy bibo. Kaya tingnan niyo yung anak nila, kawawa! Puro landi kasi!" Sabat ni V. Oo! Diyan kayo magaling! Kasama nako don pero minsan lang!

Paano napunta sakanila yung topic!

Ang labo ng mga hayop na 'to. Iniwan ko na sila diyan, may kanya-kanyang trabaho din kaming pupuntahan kaya oks lang yon.

"Morning Zel!" Bati sakin nung isang cashier, na naghahanda palang. Kabubukas lang din kasi ng store, sakto maaga ako ngayon.

"Morning din uh- pre!" Ano ba ulit pangalan nito??

Nag-palitan lang kami ng ngitian, syempre pagalingan mamlastic charot!

Whole day lagi yung shift ko. Syempre, masipag ako kailangan ko din ng income.

"Balita ko magcconcert ulit going south?" Bati sakin nung isa ko pang kasama, siya yung isa sa mga nagseserve ng pagkain. Tumango nalang ako as a response. " Nice!! Pupunta ka??"

"Malamang! Ako pa ba?" Sagot ko. Bumalik na ulit kami sa pagttrabaho since may dumating na customer

"Good Morning ma'am! Welcome to your local sweets gallor! May I take your order?" Naka-ngiting bati ko sa customer na nasa harap ko. Mukhang yayamanin! Naka-gucci !!

"duh, isn't that what you're here for?" Ay palakang 'to! Suplada pala ang kingina. "Anyways, I want that, that, this, here and there. Got that?"

Ano kingina? Ano pinagsasabi niya? Ano tinuturo niya kingina girl slow down!

"Miss!?" Sabi niya habang sinasnap fingers niya sa mukha ko. Ilapit mo yan sakin puputulin ko yan!

"I'm sorry ma'am, but can you repeat your order?" jusko lord, holy cow. Carabao!

"My God! Is this how you work regularly!? You were not paying attention to me and that was not my fault! You should be held responsible for that!" Pag-dadabog niya. Bwiset 'to! Kala mo naman nakapatay nako ng tao sa sobrang galit mo sakin! May mens 'to no?

"Miss okay lang ba tayo dito?" Lapit samin nung isang co-worker ko, yung server. Mike pala pangalan nito, nakita ko sa tag niya.

"No! That bitch ruined my day!" Panduduro niya sakin. Bwiset! Isang isa nalang talaga! Masasayang ko lahat ng anger management lessons na kinuha ko noon!

"Pwede ba miss, huwag ka mag-scandalo dito. Kung gusto mo, lumipat ka ng kakainan. Hindi rin naman perwisyo samin 'yon dahil malaki na rin naman kinikita namin dito and we don't need your trashy, squatter attitude near our shop because this indeed will damage our reputation. So, goodluck finding another Dessert shop that's near our level.. bitch." Mahabang pagtataray ko. Pasalamat siya, 'di ko siya sinaktan. Nanununtok pa naman ako! Napikon na ata, umalis na eh. May pa dabog dabog pa si tanga tsk! Scandalosa!

"Hanep! Sinasabi ko na nga ba, sasagutin mo tong isang to hahahahaha" pag tukoy sakin ni Mike. Nice alam ko na pangalan niya.

"Syempree! Sa mga ganong tao, dapat tinituruan ng leksyon." Hambol dapat! Hambol!

Alam kong humble 'yun baka may kumorek sakin ng spelling eh hehe

Hindi ko namalayan gabi na pala, tuloy tuloy lang kasi kanina sa pagttrabaho. Ganon lang siguro talaga pag focused ka.

Umuwi na ko agad, pero ngayon kasama ko na sina Joy sa kotse ni V. Si V yung driver saming tatlo hehe.

Kumain ng dinner, chikahan and kung ano ano lang pinag usapan namin pagdating sa bahay. Kinwento ko din sakanila yung nangyari kanina sa shop. Tawa lang sila nang tawa mga abno! Inexpect na daw kasi nila na aawayin ko din, eh tama hinala nila.

"Pakening sheeeeyt bukas na concert!!" Excited kong tugon. Paikot ikot lang ako dito sa kama ko hanggang sa nahilo ako. Kinuha ko nalang phone ko at kinalikot ko ito. 11 palang pala. kala ko nag umaga na. Pero mas okay nang matulog agad para maraming energy.

Pero di ako makatulog! Insomnia na ba to!

Wag muna ngayon stray kids, may concert pa akong aattendan bukas. Hinahaunt ako ng kanta niyo.

Nag-google nga pala ako tungkol sa relasyon ng Going South sa (un)known pero wala akong masyadong makuhang info. Parang ngayon lang naging walang silbe ng todo tong google na 'to! Siguro dahil fi sila ganon kasikat? Ay ewan wala akong pake. Matutulog nalang ako

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon