invited as guests? Maybe not
***
Hindi pa ako nakakaraos sa araw na 'to, may tumatawag nanaman sa akin. Kahihiga ko lang sa kama ko, bawal ba ako magpahinga?
Wala naman akong choice, edi lumabas ako ng kwarto ko para hanapin si ate na staff dito kung ano kailangan sa'kin.
"Miss Kryzelle, para sainyo po." Magalang na usal niya at binigay sa akin yung hawak niyang envelope. Mukhang yayamanin nagbigay nito dahil sa naka-embed na crystals.
Bumalik ako sa kwarto ko at binuksan yung envelope. May letter sa loob. Nag-tataka ako kasi parang itong invitation sa isang event. Binasa ko, mukha kasing importante.
Isa pala itong invitation na galing sa E&JW ent. Ito kung asaan yung Going South, yung kumpanya nila. Kung ang (un)known sa KAYW, yung GS naman sa E&JW.
Iniinvite nila ang buong company na 'to sa Event na hinohost nila mamayang gabi. Hindi naka-sabi sa letter kung ano meron pero I doubt na magiging masaya yung event mamaya.
'Hard core gabi ko mamaya, nararamdaman ko'
Sakto, nag-message sa akin si V. Tinatanong rin niya kung kasama ako sa event mamaya, sinagot ko nalang siya ng Oo at makikipag-kita rin daw sana sila sa'kin. Sa Walters ulit. Yung Mall.
Nagsuot nalang ako ng shorts at plain white shirt. Panigurado naman na bibili kami ng mga damit na isusuot mamaya.
Agad akong umalis at humanap ng trike na masasakyan. Nakarating ako sa Mall, sakto lang pala pag-dating ko dahil kararating lang din nila V.
"Zel!!" Lumapit sakin una si Joy at niyakap ako. Nasa likuran niya si V. "Tara na!"
"May magandang bilihan ba dito?" Tanong ni V sa'kin. Malay ko din kaya nagkibit-balikat nalang ako. "Hanap tayo."
Nag-lakad lakad kami dito ng mga isang oras. Nag-dadaldalan rin kasi kami. Nawawala purpose namin ng pagpunta dito, di kami maka-focus na makapag-hanap ng Magandang Shop.
Sa limang minuto na 'yon, nadaanan din namin sina Zeredy at Xiana.
"Kryzelle!" Sigaw ni Xiana nang makita niya ako. Lumapit siya agad sa'kin. Kahit na ayaw ni Zeredy dahil andito si V. "Andito rin ba kayo para bumili ng damit para sa event mamaya?"
'Sa lahat ng pwedeng tanungin, naisipan mo yun?'
Tumango kami, "Oh! Sama nalang kayo sa amin ni Ate Zeze." Yaya niya samin. Napansin ko namang sumimangot si Zeredy nung tawagin siyang Zeze ni Xiana.
"Zeze amputcha, ano ka tuta?" Insulto ni V sakanya. Natawa si Joy pati rin si Xiana. Ako naman nanonood lang sa asaran nila.
"Tsk! Xiana naman kasi eh." Saway niya kay Xiana. Ngumuso naman yung bunso sa Ate.
"Lika na nga." Sabi ko sakanila. Tumingin naman sila sa'kin. "Sa Forever22 nalang tayo bumili."
Tinatamad na rin kasi ako mag-hanap. Kaya kung ano nalang nasa harapan ko, edi yun nalang.
Ngumuso si Xiana, "Ayaw niyo sa M&H?"
"Ako gusto ko!!" Sabi ni Joy at nag-taas ng kamay.
"Mag-kanya kanya nalang kaya tayo?" Sabi ko at tumango sila. Si Joy at Xiana dumiretso sa M&H. Kami naman nila V at Zeredy sa Forever22.
Kalahating oras lang kami namili ng mga damit. Napag-desisyunan namin na umuwi na rin kami. Napagod din kami sa kalalakad.
Nang makarating ako sa kwarto ko, nahiga ako agad sa kama ko. Hindi naman siguro masama kung mag-papahinga ako.

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Novela Juvenil' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED