Chapter 29

27 2 1
                                    

Mixed emotions

***

"I love you."

Sabay ng pagsabi niya ang mabilisang flash ng camera. Parang akong tanga na ngiting ngiti naman. Kainis naman, kiko.

"Maayos na," sabi ni Kiko habang nakangiti sa camera.

'Natutuwa ako, bat naman ganon?'

"Hoy Kiko, nakita ko yun!" Nilapitan ni Zeredy si Kiko at pabirong hinampas hampas sa balikat niya. Kita sa expression ni Kiko kung gaano siya naiirita. "May pa-I love you ka pa diyan kay Xiana ah! Harot!"

Ah. Oo nga pala.

"Ayieee! Sana all!"

"Talande naman ng mga 'to!"

Walang emosyon kong tiningnan si Xiana. Namumula siya sa hiya at kilig. Gusto kong pilitin sarili ko na ngumiti at kiligin para sakanila pero hindi ko magawa.

'Kasi umaasa akong na ako yung sinabihan niya.'

"Alis na'ko," paalam ko sa lahat. Nag-beso beso kami bago ako umalis. Hindi na nila ako kinulit pa dahil nahalata siguro nila na pagod na ako.

Dumiretso ako sa Labas ng garden at sakto nakita ko si Haru. Naka-ngiti niya akong sinalubong. "done?"

"yeah," sabi ko. Bumuntong hininga ako. "Let's go."

Nauna akong maglakad sakanya. Mabigat ang bawat pag-hakbang ko. Ang bigat ng mga mata ko, anytime feeling ko magsasara na.

'Ang OA ko naman ma-disappoint kainis.'

"Teka lang." Nagulat ako sa biglang pag-hawak ni Haru sa wrist ko. Alanganin ang mukha niya. "Okay ka lang?"

"Yes," I said kahit na halata naman na hindi ako okay.

"Hindi ka okay e." Pinag-s-swing niya yung kamay naming dalawa.

"I said I'm okay.."

"Hindi."

"Anong hindi? Mas marunong ka pa sa'kin?"

Inirapan niya ako nang pabiro. "Okay, fine. Whatever you say.."

Bumalik ulit kami sa byahe. Naka-sandal ang ulo ko sa bintana ng sasakyan. Tahimik na rin ang paligid dahil lahat sila naka-tulog na. Napagod siguro sila mula sa event kanina.

Well, sino ba namang hindi mapapagod? Ang dami nilang ginawa kanina. Ako lang naman yung hindi gumalaw nang gumalaw pero pagod parin.

Chinecheck ko nalang mga  social media accounts ko ngayon. Ang daming messages na sinasabi "ate, kailan po next vlog niyo?" or "ano na balita ate? Naiinip na kami."

Pero never ako naka-tanggap ng message na kinamusta ako. Lagi nalang vlogs ko ang inaabangan, paano nalang ang mental health ko? Wala ba silang pake roon?

Sad to say that it pains me to read all of these comments. Kesyo naiinip na sila, wala na raw ba ako balak mag-upload ng bagong video.

'Pagod pa ako, sorry guys.'

Huli ko chineck ang fb ko. Kapopost lang ni Xiana yung pictures namin kanina sa may fountain na may caption na "Thankies for the pics, hubby @Kiko Lestrange I love you!"

bwisit.

Chineck ko comments at nakita ko comment ni Kiko. "No problem, I love you too."

Bwisit. Ang korni!

Hindi bagay sakanya yung ganyan. Nakakayamot. Nakakasuka.

Pabagsak ko binitawan cellphone ko. Naiirita ako, hindi ko alam bakit. Minamasahe ko ang sentido ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Anytime pwede ako makatulog. Mukhang hindi ko na kakayaning dumilat pa ng mata.

"Kiko!" Hinabol ko si Kiko mula first floor papunta third floor. Ayaw niya tantanan yung phone ko. "Akin na kasi phone ko!"

"Kiko, masusuntok kita!"

"Ge, gawa!" Tumigil siya saglit para belatan ako. Kumaripas siya ng takbo nang bilisan ko ang pagtakbo ko.

"Humanda ka sa'kin, Kiko! Napaka-epal mo!"

---

"Banas naman oh!" Padabog ako umupo. Binagsak ko lamang ang ulo ko sa lamesa at muling inangat ang paningin ko kay Kiko at dinuro siya. "Kasalanan mo 'to kung bakit tayo andito!"

"Parang kasalanan ko na tinulak mo ako sa fire alarm!?"

"Malay ko bang andoon 'yon!"

"Eh tanga ka e!"

"Paki-ulit nga sinabi mo!?"

Kainis ang isang 'to. Dahil sakanya na-detention pa kami. At uso pa pala detention? Korni!

Kumuha pa siya ng isang upuan at doon pinatong paa niya. Naka-angat naman balikat niya at pinwesto ang kamay sa likod ng ulo niya.

"Ang galing. Feel at home.."

"Hoy, narinig ko 'yon."

"Wow. Nice! Congrats dahil gumagana tenga mo!"

"Tss. Kahit kelan talaga.."

"Ano nanaman? May sinasabi ka pa?" Pagtataray ko. Hinarap ko siya mula sa pwesto niya.

"Wala, tsk! Alis ka diyan, matutulog na'ko."

"Edi matulog ka, pake ko?"

"Wala akong tiwala sa'yo, susulatan mo lang ulit ako sa mukha."

"Wala akong dalang gamit!? Bopols!" Sabi ko at mukhang naniwala naman siya. Maya-maya, sinira niya na mata niya at inabot ko ang marker ko sa pocket ng palda ko.

'Hehehe tanga tanga mo kiko.'

Susulatan ko na dapat siya sa mukha nang bigla siyang tumayo mula sa pagkakaupo at kinuha ang marker mula sa kamay ko.

"Ha! Bobo, mukha bang maniniwala ako sa'yo? Ulol!"

"Sinong ulol? Ikaw yung ulol, bobo!" Sabi ko at dumukot ng panibagong marker. Naghabulan lang kami sa detention room magdamag hanggang sa payagan na kami umuwi

Nagising ako mula sa panaginip ko. Parang akong napaigtad nang magising ako. Kanina pa ata kami nakauwi pero naiwan ako sa loob ng kotse.

"finally awake?"

"Ay palaka ka!" Heto, literal na napaigtad na ako. Andidito parin si Haru sa tabi ko. "Andiyan ka pa pala, Kiko-"

shit.

"-- I mean Haru. Hehehehehe." Palusot ko at kumamot ng ulo. Iniwasan ko ang gaze ni Haru. Ang awkward dahil tinawag ko siyang Kiko.

"No, it's okay. I understand." Sabi niya nang naka-ngiti. "Tara na, masyado nang late. Kailangan mo na matulog."

Tumango ako. Deep inside, I feel so special. I'm so lucky to have someone like him. I wouldn't wish for anything else.

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon