Frustrated
***
Usually sa mga ganitong scene, napapamura ako ng malakas. Pero right now, wala ako masabi. I can't stress how much I'm frustrated. Dahil una sa lahat, ayokong ayoko ang ginalagaw ang gamit ko. Paano pa kaya pag sinira?
Kasalukuyan akong nakatayo sa gitna ng kwarto ko, maski laptop at gadgets na dala ko pinakelaman. Mabuti nalang nung binuksan ko, gumagana pa.
'Too bad, I'm smarter than all of you.'
Napatingin ako sa taas na corner ng kwarto, kung saan naka-kabit ang cctv na gawa ko mismo. Mabuti nalang at gumagana, hindi nila siguro napansin. Binuksan ko ang laptop ko at malas dahil binura nila yung cctv footage na meron ako.
Yun nga lang, hindi lang sa laptop ako may access sa cctv doon din sa phone ko-
'Kabanas!! Wala yung footage!?'
Nagulat ako dahil hindi ko makita yung application na pwede i-connect sa cctv. Binura ng kung sino at sigurado ako na si Haru or si Kiko 'yon.
Most likely si Haru, siya yung nakasama ko noon papunta at pabalik sa park. Siya yung dumukot ng phone ko.
'Kabanas, wala akong proof. Pero sigurado ako, na sila sila lang din naman may kagagawan nito.'
Wala naman ako magagawa kaya sinimulan ko nalang mag-linis at mag-ayos. Imbis na mag-tantrums ako dito.
Mahigit isang oras din akong naglilinis. Hindi kasi talaga ako mapakali kapag hindi by order gamit ko eh.
Nakatapos na ako sa pag-lilinis, napag-desisyunan ko ring bibili ako ng replacement doon sa mga sinira nila.
Karamihan, mga damit at personal stuff ko yung sinira nila. Nagpalit ako ng damit at dumeretso palabas ng building. Walang lingunan kahit ilang beses ako tinawag ng mga asungot.
'Manigas kayo, mga animal!'
Humanap ako ng Mall na pwedeng mabilhan ng mga gamit ko. Yung Walters ang pinaka-malapit dito kaya doon nalang ako pumunta. 10 minutes kung lalakarin, edi nag-lakad nalang ako.
'Sayang pamasahe.'
Binilisan ko nalang pag-lakad ko kaya nakarating ako agad sa mall in less than 10 minutes. Wow, nosebleed.
Kamalas-malasan nga naman, na may asungot na paparating sa harap ko. Walang choice, nag-tago ako sa tapat na bush. Ayoko maka-kita ng asungot ngayon!
"Tago ka pa diyan, kita ka naman." Sabi ni Yurielle na sumulpot sa harapan ko.
'Kabanas naman talaga!'
Hindi ko siya tiningnan pa, tumayo nalang ako at nag-lakad paalis. "Bakit mo ko sinusundan?"
"Wala lang." Tipid na sagot ni Yurielle. Suntukin ko kaya 'to? "Aray! Para saan yon!?"
'Sinuntok ko nga hehe.'
"Wala lang." Pang-gagaya ko sa sagot niya kanina. "Hoy, tigilan mo nakong asungot ka at wag mo nakong sundan."
"Bat naman?" Sagot niya ulit, ang tipid naman sumagot nito!
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sakanya, "Anong bat naman!" Napa-singhal ako at tumuloy sa paglalakad. Sinusundan parin ako ng Asungot.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni Yurielle. Pumasok ako sa isang Clothes Shop. Ukay-ukay lang sapat na.
Hindi ko siya nilingon, obvious naman siguro eh para bumili ng damit. Wag tanga.
Tas etong si Asungot, tumulong pa talaga sa pag-hahanap ng damit. Kung ano anong mga damit binibigay sakin.
"Eto, bagay sa'yo ito." Sabi niya at binigay sakin yung blue na shirt.
Hindi ko pinansin yung damit, galit parin ako kahit na gusto ko yun!
'Putcha, hirap mag-galit-galitan. All or nothing.'
"Sungit." Sabi niya at binalik yung shirt na hawak niya. Sayang!! "Akin na, ako na mag-babayad."
'Galing pagka-tapos manira ng damit, bibilhan niyo ako ng damit? Magaling!'
Hindi ko ulit siya pinansin at dumiretso sa counter para mag-bayad. Wala siyang nagawa kasi naabot ko na yung bayad.
'Manigas ka! Strong ito, tol!'
Lumabas ako ng Shop, mag-gagabi na pala kaya napag-desisyunan kong umuwi na. Baka umulan pa, nakalimutan ko mag-dala ng payong. Lumabas na ako ng mall, mag-lalakad na dapat ako paalis nang bigla ako hinatak ni Yurielle.
Inismiran ko siya, "Ano ba!" Sabi ko at binawi yung braso ko. "Problema mo? Uuwi nako!"
"Iuuwi na kita." Sabi niya, kita niyang nagulat ako sa sinabi niya at nanlaki mga mata niya. "H-Hindi yun ibig kong sabihin!"
'Defensive lelang niyo.'
"Halika na nga! Ang bagal mo!" Sabi niya at hinatak ulit ako. Masaket! Napansin niya sigurong napa-daing ako sa sakit kaya binitawan niya braso ko at inabot kamay ko. "S-Sorry."
'Kaloka. Pangalawa na 'tong humatak sakin ah!'
Dumiretso kami sa parking kung asan kotse niya. Gentleman rin naman pala, pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya pumasok sa driver's seat.
'Taray! May Driver na ako!'
Malapit lang naman yung Walters doon sa Kumpanya nila Yurielle na hanggang ngayon di ko alam ano pangalan ng kumpanya.
Hindi na kami nag-small talk, tahimik lang kami sa byahe. Lalabas na sana ako ng kotse niya nang bigla siyang nagsabi ng "sorry" sakin.
Ulit, Hindi ko yon pinansin. Galit parin ako dahil napa-gastos ako para sa damit ko.
Dumiretso ako sa Kwarto ko, dinouble check ko muna kung may pumasok ulit dito mabuti nalang at naka-lock parin 'to.
Inayos ko na mga binili ko at inilagay sa closet. Mabilis akong kumilos, nagugutom na din kasi ako. Pero ayaw ko kumain dito, Galit nga kasi ako. Ayaw ko sila makita pero di ko maiwasan dahil lagi ko sila nakaka-bangga.
Tumakas ulit ako para pumunta ng park. Walters Park pala tawag doon, parehas doon sa mall. Kanina ko lang nalaman nung nadaanan namin pauwi, may nakita akong signage.
Eh malas ako, ayon si Kiko! Nagpapakain ng Aso. Di ko maiwasan di tumitig sa aso, ang cute cute kasi nila ih! Tas Husky pa aso niya, ang cuteee!!
'Oh shoot, nakita ako ni asungot.'
Kumalma ako at nag-act normal sa harap niya. Dumiretso ako ng lakad, hindi ako lumingon sakanya. Pumwesto ako doon sa bench na ma-sosolo ko.
'Kamalas-malasan naman talaga.'
Ang awkward ng atmosphere. Malapit lang din kasi pagitan namin, ramdam ko ring pasulyap sulyap siya dito sa pwesto ko kaya di ko maiwasang di makaramdam ng discomfort.
Bahala siya diyan at manigas, 'di ko kakayanin pa umupo dito. Umalis ako at dumiretso sa malapit na 7-11, dito nalang ako siguro tatambay at kakain.

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED