Chapter 25

27 2 0
                                    

I like you, do you like me too?

***

["Siraulo ka! Sinabing 6pm sharp yung party eh!"] Bulyaw sa'kin ni Joy sa call. Kagigising ko lang kasi, dahil sa calls nilang dalawa ni V.

"Napasarap tulog eh." Kamot batok kong pagpapalusot.

["Nye nye magready ka na susunduin ka na namin ni V."] Sabi niya at inend na yung call. Kumuha ako ng panibagong plain shirt at pants. Wala ako sa mood pumili ng mas maayos na damit.

'Maganda naman na kasi ako kahit anong gawin ko eh.'

As usual, chineck ko left to right kung may asungot na paparating sa kwarto ko. Sa ngayon, wala pang dumadaan kaya ginamit ko tong pagkakataon na 'to para bumaba agad.

Kaso andoon pala silang lahat sa lobby. Kabanas!

"Uy Zel!" Bati sa'kin nila Daniel at Zeus. Kumaway nalang ako sakanila. "Sabay ka ulit sa'min."

'6pm sharp pala? Bat andidito pa yung mga asungot!'

"Ayoko." Pag-tanggi ko tsaka tinalikuran sila. Aabutin ko palang yung doorknob palabas ng building nang biglang harangin 'yon ni Kenji at Kei at sumandal sa pintuan. "Excuse me?"

'Mga bastos! Taena niyong lahat.'

"Bat ayaw mo sumabay sa'min?" Tumingin ako sa nagtanong, si Yatzhi. I gave him a 'hindi-ba-obvious?' look.

"Ayoko." Tutulak ko sana si Kenji kaso mas mabigat siya kaysa sa'kin. "Tumabi nga kayo diyan."

"Ayaw namin." Sabay na sagot ni Kenji at Kei.

"Paano pag gusto ko?" Cinross ko arms ko at tinaasan sila ng kilay.

"Eh ayaw namin?" Ginaya ni Kenji yung ginawa ko.

'Echoserang 'to, inaattitude ako!'

"Tumabi na kayo!" Sigaw ko at pwersahan silang itulak paalis. "Isa!"

"Dalawa?"

Tumingin ako kay Zeus. Kahit kailan talaga! Lahat kami napasimangot sakanya.

Binalik ko ulit atensyon ko kay Kenji. "Tumabi na kayo please?"

"Sumabay ka nalang kasi sa'min. Gabi na kasi." Seryosong saad ni Kenji. Sabay kami nagbuntong hininga.

"Ayoko talaga please."

"Bakit ba ayaw mo?" Tanong  ni Zeus

"Basta!"

"Dahil saan ba?"

"Wala."

"Ah kanino ba?"

"Basta! Basta! Basta!" Napatakip ako ng tenga. Naririndi na ako sa mga tanong nila.

"Dahil kay Kiko ba?" Napalingon kaming lahat kay Wyeth na ngayon lang nag-salita. Natahimik ako. Hindi ko alam ano masasagot ko. "Eh wala naman siya ngayon ah?"

Dahil sa sinabi niyang 'yon parang akong tanga na iniscan mata ko sakanilang lahat. Pakshet wala nga siya, ano inaarte ko dito!?

"Ayyyy nako po goodness gracious!" Asar ni Yatzhi. "LQ nanaman ang dalawa! Hehehehe."

"Shut up!" Sigaw ko. Mas lalo lumawak ngiti nilang lahat. "Anong nakakatawa?"

"Hindi naman kami tumatawa ah?" Sabat ni Yurielle na may malawak na ngiti rin.

"Kahit na! Naaasar ako sa ngiti niyo!"

"Asar talo talaga kahit kailan." Nagulat ako sa biglang nag-salita mula sa 2nd floor. Naka-dungaw si Kiko sa'min, mukhang kanina pa nanonood.

"Wow. Ang bilis mo kumilos ah?" Sabi ni Kenji kay Kiko.

"Late na tayo." Sabat ni Zeus.

"Oo nga."

"Kanina pa, tanga."

'Gusto ko na umuwi huhuhu.'

"Edi tara na." Sabi ni Kiko at dinaanan lang ako. Parang akong statwa dito.

'Hindi manlang ako pinansin? Ayos ah!'

"Tsk!" Hindi ko sinasadya mapalakas non. Lumingon si Yatzhi sa gawi ko.

"Uyy disappointed." Sabi niya at tinusok tusok tagiliran ko, inaasar pa ako lalo. "Hehehehehehe!"

'Pang-aasar lang talaga ambag niya sa buhay ko, kabanas.'

"Tara na sabi eh." Asar na utos ni Kiko. Unang lumabas si Kei, na parang wala nanamang paki sa'ming lahat.

Sumunod na lumabas si Wyeth, si Daniel, si Yurielle, at huli si Zeus. Bali kaming 5 nalang natira ni Kiko, Haru, Kenji at Yatzhi.

Napansin ko lang, magmula kanina hindi pa umiimik si Haru. Aaminin ko medyo nag-aalala ako pero nag-aalinlangan pa ako kung tatanungin o kakamustahin ko pa ba siya.

"Mauna na'ko." Paalam ni Kenji. Sumunod naman sakanya si Yatzhi na sinisignalan ako ng 'goodluck-gamit-kayo-condom!' look.

'Leche! Anong condom!? Siraulo ka!'

"Mauna na din ako. Hinihintay na ako siguro nila jo-" palabas na dapat ako ng lobby nang bigla ako pigilan ni Haru sa wrist. Tinitigan ko siya, parang may gusto siyang sabihin. "A-Ano yun?"

He sighed. Ang galing! Sabihin mo na kasi, kinakabahan din ako!

"If I told someone I like her, even though I just met her, would she like me back?"

'Ano daw? Pakiulit english kasi eh.'

"Ano ba pinagsasabi mo hehehehehe." Ang awkward ng tawa ko. Hindi ko siya ma-gets pero may bet pala siya!? "Hindi ko maimagine na yung tulad mo magkakagusto sa isang babae.."

He gave me a faint smile. Aw! My heart!

"Pero I'm sure.." huminto ako saglit. Kinuha ko kamay niya gamit ang dalawang kamay ko. "Kung sino man yung girl na 'yon, she will be so lucky to have someone like you."

Si Haru yung tipo ng lalake na makakasundo mo agad. May times na mababadtrip ka sakanya dahil sa kakulitan at pang-aasar niya. May times rin na daig niya babae sa kaartehan, maka-yuck wagas eh! Maalaga din 'to. Caring and sweet. And for the past two months, nag-change siya. Before, he would play pranks on me. Kasabwat pa niya si Kiko. Pero eventually, he changed. He stopped putting spaghetti all over my clothes. He stopped pouring water all over me. He stopped scaring me with fake cockroaches. He stopped insulting me. And masasabi ko na malaki ang naging change ng character development niya.

"So that means you're lucky?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Shet ako daw ba!? Hindi ko inexpect na ako? Sure ka na ba diyan tol?

"H-Ha?" Nauutal ako. Hindi ko mahanap yung tamang words na sasabihin sakanya.

"Hakdog." At syempre may isang epal na sasabat. Sabi na eh! Tiningnan ko ng masama si Kiko. "Tsk."

"Don't mind him." Sabi ni Haru at cinup yung cheeks ko making me face him instead. "Will you allow me to court you?"

'Holy wackamoly, hindi ako prepared tengene! Asan na ba sina V at Joy kung kailan kailangan ko sila?

"P-Pero, Haru.." Nauutal kong sabi. Hindi ko alam paano simulan 'to. "I-ilang weeks palang nakakalipas.. I mean one week pa nga lang.. so maybe we should get to know each other muna? Tsaka maybe you're not sure if i'm the one.. kasi nga ka-m-meet lang natin??"

Ang tahimik ng paligid. Ako na unang umiwas ng tingin, kung saan saan lang napadpad tingin ko, basta wag lang kay Haru na nakatitig sa'kin ngayon. Ang awkward, pakshet.

"Kryzelle.." Tiningnan ko muli siya nung tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Nakakapag bigay ng chills yung boses niya.

"B-Bakit?"

"Two months." I looked at him with confusion. Anong two months?

"Ha? Anong two months?"

"Two months na ang nakakalipas.."

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon