A disasterous birthday pt. 3
***
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kumurap kurap ako ng mga ilang beses pero walang nagbago.
'Anong meron sakanila? Bat hindi ako informed!'
Alam kong magkakaibigan silang lahat. Nakwento naman na sa'kin 'yon ni Xiana nung kumain kami sa Zeluswitz. Dumating pa nga sila eh. Pero hindi ko alam na may something sakanila. May something nga ba or assumera lang ako?
'Pero di e! Holding hands ang dalawa, imposible wala.'
"Ano meron?" Kinalabit ko si Haru.
"What do you mean?"
"I mean anong meron sakanilang dalawa?"
"Bakit? Selos ka?" Pabiro ko siyang sinuntok sa braso. "Joke lang, eto naman."
"Nagtatanong nga kasi nang maayos.." sabi ko at minasahe sentido ko. Sumasakit ulo ko, kanina pa.
"Nililigawan ni Kiko si Xiana."
"Ha!?" Nabigla ako sa sinabi niya. Napatuwid ako sa slouch kong pag-upo kanina. Tinapik tapik ko pisnge niya. "Sigurado ka diyan!? Hindi mo 'ko ginagago!?"
Tinanggal niya yung kamay ko sa pagtapik sa pisnge niya, "Bakit naman kita gagaguhin?"
'Point taken..'
"Ok fine," sabi ko. Sinandal ko ang likod ko sa upuan. Hindi parin ako makapaniwala.
Naglalaro nalang kami ng games dito. Natapos na namin ang birthday wishes namin kay Xiana. Ang pag-blow niya sa napaka-higante niyang cake!
'Ang galing nga eh, naubos naming lahat 'yon.'
More than 6 layers pa nga ata yung cake. Nakakaloka, magkano kaya 'yon?
Naka-upo nalang ako dito. Tinatamad ako sumali sa games, nawala ako sa mood. Maya maya rin naman uuwi na kaming lahat.
"you okay?" Bulong sa'kin ni Haru. Nagulat ako dahil ang lapit na ng mukha niya sa'kin. "Bat parang kang nireregla diyan."
Hinampas ko siya, "Gusto mo reglahin ilong mo?"
"Joke lang, wag naman po." Sabi niya at nag-peace sign. Tinakpan niya ilong niya gamit yung isang kamay niya.
'Ayan. Very good, matakot ka!'
Nagpaalam sa'kin si Haru na sasali raw siya sa games. Pinayagan ko siya dahil halata sakanya na nababagot kapag naka-upo lang. Makulit yang isang yan eh, hindi mapakali kapag walang ginagawa.
'Kaya minsan, naaabutan ko 'tong naglilinis hating gabi. Hindi ko maintindihan trip niya.'
Kaming dalawa nalang ni Kei ang natitira. Yung mga asungot sa kabilang table, sumali rin sa games. Sinilip ko kung anong ginagawa ni Kei, nag-p-phone lang siya.
Kita ko kung paano siya mag-type. Halimaw mag-type ang isang 'to. Pero ngayon ko lang siya nakitang nakatutok sa phone niya, dati naman kung saan saan lang tingin niya napapadpad.
"Ayusin mo naman!"
"Bakit ba kasi ang sikip ng pantalon mo!"
Ang lakas ng tawanan sa gilid dahil sa sumigaw na mga 'yon. Naglalaro sila nung by pair na yung isa kailangan niya ipasok yung calamansi sa pantalon nung isa at kailangang mapalabas sa dulo.
"Parang kasalanan ko pa!"
"Malay ko bang maglalaro tayo ng ganito! Edi sana nag brief nalang ako!"
"Ang baboy!"
Napahawak ako sa tiyan ko katatawa. Mga siraulo talaga kahit kailan! Halos lahat sila kasali sa games, pati rin sina V sumama.
'Ang KJ ko tuloy tingnan haha.'
Ano bang magagawa ko, wala ako sa mood makipag-laro. Nababadtrip ako, ewan ko ba. Baka may masuntok lang ako pag sumama ako sa laro.
"Lika na." Kinalabit ako ni Haru. Hindi ko napansin na andidito sa pala siya sa tabi ko. "Aalis na tayo."
"Ha agad agad?"
"Anong agad agad?"
"Hindi ba kasisimula niyo palang maglaro-" tumingin ako sa relos ko. "Joke. Binabawi ko na."
"Sabog ka na," sabi niya at pabirong ginulo buhok ko. Inayos ko naman agad ito pagtapos niyang guluhin.
'Etong asungot na 'to, naging hobby niya na pag-gulo ng buhok ko!'
Sinundan ko nalang siya sa pag-labas sa garden. Pero bago non, hinanap muna ng mga mata ko sina Xiana. Nakita ko sila sa may fountain, nag-p-picture sila.
"Xiana!!" Tumakbo ako papalapit sakanya. Nanlaki mata niya sabay kami yumakap sa isa't isa.
"There you are!" Sabi niya. Kumawala na kami sa bisig ng isa't isa. "Sakto, hahanapin na dapat kita. Picture tayo, hehe!"
"Asan sina V?" Pinalibot ko paningin ko sa fountain pero wala sila.
"Ayun oh, parating na." sabi niya at ngumuso roon sa likod ko. Magkakasama silang tatlo nila Zeredy at Joy.
"Pictureee!" Sabi ni Joy na may hawak hawak na dsl camera.
"Sino kukuha?" Tanong ni Zeredy.
'At syempre, hindi mawawalan ng resbak ni V 'to.'
"Ikaw nalang, gusto mo? Hindi ka naman kasali sa pictorial namin." Rebat ni V. Sabi na eh! Hindi sila nag-sasawa sa banyagan nila.
"Kapal ng mukha mo ah."
"Mas makapal sa'yo, wag kang papatalo."
"Ilulublob ko kayo sa fountain."
Sakto, palapit dito sa direksyon namin si Kiko. Mukhang tinawag siya ni Xiana.
"Kiko!!" Tawag ni Xiana sakanya, sinenyasan niya gamit kamay niya na bilisan niya pag-lalakad. "Pa-picture kami dito."
"Sige." Tipid na reply niya. Ang pagtataka ko, bakit missing in action mga photographer dito. Nakita ko sila dito kanina, bat nawala agad na parang bula? "Compress kayo."
'Wow, marunong ang asungot. Hahaha!'
Umayos kami ng pwesto dito. Nag-count down si Kiko at ilang beses nag-flash ang camera. Chineck niya kung maayos pagkakakuha niya at parang siyang nadismaya sa nakita niyang mukha.
"Ayusin niyo, ang panget." Sabi niya habang naka-tingin mismo sa'kin.
'Ako ba tinutukoy niya? Kapal niya ah!'
"Kasalanan pa namin na panget ka kumuha?" Pang-susuplada ni V.
"Hindi yung kuha ko yung panget, yung tao mismo." Sabi niya at naka-tingin parin sa'kin habang sinasabi 'yon.
'Suntukan nalang oh!'
Umayos ulit kami ng pose, naka-compress. Sinubukan ko ngumiti nang sincere pero wala talaga ako sa mood.
"Isa pa," dismayadong sabi ni Kiko. Napa-iling iling siya habang naka-tingin sa camera.
'Oo na, ako na panget. Bwiset.'
"One, two, three, smile." He said. Pero bago niya i-click ang camera. He mouthed these words which made me smile unconsciously. "I love you."

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED