The jerk and his pranks. bow.
***
5 minuto palang ako nakakalipas, napipikon na agad ako. Wala akong ibang magawa kundi tumingin tingin dito sa loob ng hall.Nagugutom na rin ako, pero ano pa ba magagawa ko? Merong asungot na nag-lock sakin dito. Hindi ko nga lang alam kung sino.
Medyo pinagdududahan ko na yung dalawang asungot pa na di daw nagpakita kanina. Siyam daw kasi silang lahat pero kulang ng dalawa, siguro isa sakanila may gawa nito.
Nakakabanas naman talaga! Nakakapang-init ng dugo. Pikon na kung pikon pero sadyang nababadtrip parin ako sa nangyayari. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nandito.
'Kung ayaw niyo sa beatbox ko, edi wag!'
"Kryzelle?" Agad na may pumangibabaw na boses sa kabila ng pintuan. Tumayo ako para mabuksan niya ito. "Ginagawa mu."
'Wow, normie.'
"Kenji!! Thank you!!" Pagsasalamat ko sakanya. Kumunot noo niya at di maintindihan asal ko. "Na-lockan kasi ako ng pinto, kaya 'di ako maka-labas."
"Huh? Hindi naman naka-lock ah." Nagtatakang usad niya.
"Binuksan mo na eh." Sagot ko. Mas lalong kumunot noo niya.
"Gagu." Minumura ba ko nito!? "Yaan mo na nga. Baba na tayo, kanina ka pa namin inaantay bumaba." Sabi niya at dumiretso palabas.
'Astig. Naghintay nga, di naman ako hinanap. How sweet.'
Di ako agad dumiretso sa ground floor kung nasaan ang cafeteria, bumalik muna ako sa kwarto ko para maghilamos at kunin yung mini sling bag ko. Kasya na doon ang pera, phone at susi ko ng mga kung ano-ano.
Pagkatapos, bumaba ako agad. Baka kasi may mag-reklamo pa eh. Nakakahiya naman sa kanila.
Pag-baba ko, hinanap ko agad yung cafeteria. First time ko lang din kasi makakarating don, tas iiwan ako ni Asungot Kenji. Buti nalang may nag-turo sakin kung asaan, kundi major pahiya ako dito.
Ang lawak ng cafeteria nila, akala mo nga nagpapa-catering sila araw-araw. Ang daming sahog! Dere-deretso yung hilera ng mga pagkain, unli pa. Putcha, is this heaven.
Iba't ibang Variety ng pagkain ang meron dito. Mayroong Japanese, Mexican, at iba pang klase ng pagkain dito. Heaven ngaaa~
Ineenjoy ko pa view ko dito, bigla nalang ako hinatak ni Kenji. "Kung saan saan ka sumusulpot, tagal mo!"
Hinatak niya ko hanggat sa makarating kami sa table nila. Saktong sampu kasya doon, at may isang bakante na para sa akin sa tabi ni Zeus at Daniel. Sinenyasan agad nila na tumabi ako sakanila "Saan ka galing?"
Kinwento ko naman sakanya kung ano nangyari kanina, nag-suspect din siya kung alin sa dalawang asungot na di nagpakita kahapon ang gumawa nito. Habang pinag-uusapan namin ito, bigla niya naalalang ipakilala ako sa dalawa.
"Ah nga pala! Muntikan ko na makalimutan hehe. Kryzelle meet Kiko and Haru. Haru and Kiko meet Kryzelle. umayos kayo hehe." Pagpapakilala ni Daniel sakin, yung huling sinabi nga niya parang banta na eh.
"Nice to meet you." Bati ko doon sa Kiko. Matangkad, Maputi, at mukhang nagwowork out. Bakas parin ang pagiging makulit sa aura niya.
"You too. Hehe." Bati niya sakin at inabutan ako ng kamay. Agad kong pinagsisihan na hawakan kamay niya nang ma-eletricute ako bigla. May parang taser pala siyang hawak, maliit kaya di ko nakita.
'Pero infairness, malambot kamay ni asungot.'
"Kingina! Aray!" Malakas na sigaw ko, nagulat sila sa inasal ko. Pero agad silang nataranta nang magsimulang mamula kamay ko.
'Tss. Badtrip na ang kingina.'
"Hala!? Napa ano ka!?" Biglang napatayo si Zeus nung tumayo rin ako nang dahil sa gulat. Kita ko sakanya na nag-aalala siya sa kamay ko. "Yari ka, Kiko!"
"Hayaan niyo na. Mawawala din to." Sabi ko para kumalma sina Zeus, umupo na din kami. Pero sa totoo lang, hindi okay. Gusto ko siyang sampalin!
Gusto ko siyang sampalin pero mamumula lang tong kamay ko kaya wag nalang.
"Oh, wag kang iiyak?" Baling sakin ni Haru. Pinagtutulungan ata ako ng mga 'to! "Parang yun lang eh, hayst."
"Mahina."
Nagulat sila sa inasal ko nang bigla kong hinampas ng malakas yung lamesa. Ayoko sa lahat iniinsulto ako, mas lalo na ang tawagin akong mahina.
'Mag-sisisi ka na ako kinalaban mo'
Hindi ko na sila pinansin pa, lumabas ako ng cafeteria na di lumilingon sakanila.
Bahala kayo sa buhay niyo, damay damay na to ng galit pag di ako nakapag-pigil.
Dumiretso nalang ako ulit sa kwarto ko, dito unang nagsimula yun eh. Yung sa marker sa noo ko hanggat sa napunta sa paglock ng pintuan ng dance hall. Dalawang araw palang ako dito tas ginagago agad ako. Mabuti nalang at mababaw pa ang pang-gagago.
Magdamag lang ako nakatambay dito sa loob, may times na lalabas ako para humigop ng sariwang hangin pero bumabalik ako agad dito. Ayoko pa mamasyal, wala ako sa mood. Baka may mangyari pa sa mga gamit ko dito.
Mabilis lumipas ang oras, umabot na ng gabi. Medyo maaga-aga pa naman pero naisipan kong matulog nalang, naisipan ko ring mag-record sa phone. Kaya pinwesto ko yung phone ko sa madilim na corner, kung saan di makikita agad ng Pesteng Yawa.
Pero mukhang 'di gumana plano ko. kinaumagahan, hinanap ko agad phone ko nang mapagtanto kong nawawala 'to at kinuha ni Pesteng Yawa na Asungot!
'Taeng buhay to, kailan ba ko matutuluyan.'

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED