Tired
***
"He's stable but still needs time to recover." Sabi ni doktora. Kaninang alas-singko pa kami andito, hinihintay naming magising si Kiko.
"Sige po. Thanks doc." Pagsasalamat ni Julia. Lumabas na yung doktora at parehas kami umupo ni Julia sa tabing sofa, yung nasa tabi ng tinutulugan ni Kiko.
"Kainis naman!" Biglang bulyaw ni Julia. Napatakip ako ng tenga sa lakas.
"Bunganga mo.." saway ko. Tumingin ako kay Kiko. Maamo ang kanyang mukha. Tulog eh.
"Grr! Ang malas naman kasi ih!" Sabi niya at napakamot ng ulo. Hindi ko naman kasi inaasahan na biglang mawawalan ng malay tong isang to. Kaya ang ginawa ko, hinatak ko si Julia mula sa cashier at dumiretso sa hospital.
"Kaysa naman sa hindi natin siya agad dalhin dito. Who knows kung ano posibleng mangyari?" Saad ko sakanya. Bumuntong hininga ako.
"Sabagay.." sabi niya na parang nakokonsensya. "Ano ba uli kasi nangyari diyan?"
"Tsk!" Singhal ko. "Hindi ka ba nakikinig sa doktor?"
"Eh sensya naman, iniiyakan ko pa kanina yung dress na hindi ko nabili ih." Palusot niya. Umiling iling nalang ako.
"Nawalan daw siya ng malay dahil hindi raw siya nagkaka-kain sa bahay.."
"Ganon!? Kaya pala payatots eh!" Sabi niya nang naka-cross arms. "Dibale! Pambawi, lilibre ko siya food!"
"Ay wow, mayaman. Sana all."
"Oo naman, kaya ko pakainin ang isang buong baranggay 'no."
"Panindigan mo yan, naka-video ka ngayon eh." Sabi ko at hinarap yung phone ko. Predicted na kasi 'yon kaya nag-video agad ako.
"Huy! Ano bayan! Pati ba naman dito mambablackmail ka!?"
"Ang ingay!" Nagulat kami sa biglang sumigaw. Gising na pala si Kiko. "S-Sorry. Kayo pala yan?"
"Ay hindi."
"Gago, marunong ka sumigaw?" Manghang usal ni Julia. Napa-facepalm nalang ako.
"Sorry." Yun na lamang nasabi ni Kiko.
Yung way ng pag-sigaw niya is somehow different sa pang-araw-araw niyang kinikilos. I can't tell pero I can feel na two-faced bitch 'to.
Lumabas si Julia para tawagin si doktora. Kaming dalawa nalang ni Kiko ang natira sa loob, walang umiimik ni isa sa'min.
"Spill." I said. Napatingin siya sa'kin. Nagtataka siya sa what I meant by "spill".
"Anong spill?"
"Sino ka?" I asked directly. Magtatagal lang kami dito kung hindi ko siya dederektahin.
I felt chills up to my spine as he smirked mischieviously. Ang creepy ng feels, tae! Yung ngiti niyang sobrang nakakaloko.
"Matalino ka naman pala." Sabi niya. Bigla siyang tumawa nang malakas. Nag-echo yung tawa niya sa room. Ang lakas! At sobrang creepy, kabanas.
"Are you insane?" Sabi ko, raising my voice. This has gone weird on so many levels.
"Who knows? Do you know?"
Nag-splash ako ng cold running water sa mukha ko, hoping na bumalik ako sa katinuan. Katatapos ko lang sa morning jog ko. It feels like forever, dahil parang ang tagal lumipas ng oras ngayong araw na 'to.
Nag-palit na'ko into new clothes. Ang lagkit ko na! Habang nag-papalit, biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kanina.
Sobra akong na-drain. Yung energy ko nawala magmula nung umiyak ako sa bisig ni Kiko. Grr, and what's worse is nakakahiya yun! Kabanas naman eh!
Aside from that, bigla ko naalala yung panaginip ko kagabi. I shrugged. Naalala ko nanaman kung gaano ka-creepy yung panaginip na 'yon.
Biglang may nag-ring. Napatingin ako sa phone ko, may tumatawag sa'kin.
"Yo? Sino po sila?"
["Ganon? Hindi mo na'ko kilala!!"] Napatingin ako sa caller. Ang lakas ng boses eh. Si Joy pala 'to.
"Ow!! Bat ka napatawag?"
["May party kasi kaming pupuntahan later. Sama ka?"]
"Anong party? Ano meron?"
["Birthday party ni Xiana!! 'Di mo alam? Akala ko minessage ka niya?"] Chineck ko messages ko kung meron ngang tinext sa'kin si Xiana. Meron nga, pero hindi ko nabasa. Kahapon pa niya sinabi.
"Meron nga. Hindi ko lang nabasa, hehe!"
["Pasaway kaaa!! Hindi ka rin sumasagot sa calls namin ni V ih! Famous ka na, famous!"]
"Uy, grabe ka naman!"
"Osya, end call ko na. May pupuntahan ako ngayon. See ya later~" at hinang up niya na.
Chineck ko messages ko. Una kong hinanap yung kay Xiana. Mamayang gabi pa naman pala yung event, malapit lang din dito.
Humiga nalang ulit ako sa kama ko. 10 am palang, ang aga ko mapagod ngayon. Chineck ko muna lahat ng missed messages ko.
From: V babes
'Hoy bakla ka. Meet up ulit tayo, alam ko namang miss mo na ako eh. Tsaka yung sa birthday ni Xiana, sumama ka ha gaga ka? Hindi pwedeng hindi kundi tatamaan ka sa'kin!'To: V babes
'Yayayain mo na nga lang ako, galit ka pa! Eh kung manigas ka nalang diyan? Pwe!'From: chi-chan
'Zelliieee, i mishu ayieee. Kailan mo kami bibisitahin? Miss ka na namin hehehehehe! Tsaka andito crush mo, mainggit ka please. Ininvite niya kami sa isang concert next month, mainggit ka lalo please? Jokie!! Sama ka syempre, sapul ka sa'kin! Magdadala ako maraming piattos, kailangan ko ng katulong umubos hihihi.'To: chi-chan
'Miss u too!! Siraulo, nagkita naman kami non kanina bleh! Pwede ba ako sumama? Mamaya bawal tas naki-concert lang ako.'Binitawan ko na phone ko pagtapos iseen lahat ng messages. Madaming nag-message sa'kin pero yung kay Joy at V lang nireplyan ko.
Nakakamiss din pala yung dalawang bwiset na 'yon. Kala ko papayapa buhay ko dito nung nawala sila pero parang hindi ko kakayanin na mag-isa lang ako dito.
'Lalo na't siyam silang asungot dito. Peste talaga oo!'
Gusto ko lang ng pahinga. Gusto ko ng peace, hindi ba pwedeng ibigay 'yon sa'kin?
Pumwesto na'ko sa kama ko, ready na'ko umiglip, sana hanggang bukas nalang ako tulog. Bwiset na 'to.

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED