Chapter 23

34 2 1
                                    

Isa pang LQ kahit wala namang label

***

Nagising ako nang masakit ang ulo. Ang hapdi ng mata ko. Kinusot kusot ko ito at bumangon sa kama. Dumiretso ako sa CR para maghilamos at mag-labas ng sama ng loob.

Kung ano ang kina-active ko kahapon, ngayon daig ko na isang dead kid. Tulala akong tumingin sa mirror habang nagsesepilyo.

Iniisip ko yung sa nangyari kahapon. Nakaka-stress at bukod pa don may isa nanaman akong napaginipan. Parang nga ko gumagawa ng palabas sa mga panaginip ko eh. Lahat connected! Pwede na ako maging director hehe.

Pagtapos maligo, pumili ako ng jogging pants na isusuot ngayon. Trip ko mag-jogging ngayon. Hindi ko na rin nagagawa daily routine ko tulad ng dati. Kaya ang taba ko na eh! Sumilip ako sa corridor, mamaya may asungot na makakita sakin.

Akala ko seswertihin na'ko, pero nung dumaan ako sa dance hall ay lahat pala ng asungot andoon. Oo nga pala, may hinahanda silang performance next week ata? Bahala na, pake ko? Ang tanga ko rin naman kasi bakit ako dito dumaan.

'Mas malapit eh. Katamaran parin umiiral sa'kin.'

Kamalas-malasan pagka-daan ko sa pintuan ng dance hall nila ay saktong lumabas si Kiko mula sa loob. Ang masama don ay nagka-titigan kami. Ako na unang umiwas ng tingin. Rinig kong nagbuntong hininga si Kiko, pero pinagpatuloy ko parin paglalakad ko.

Ang galing, wala manlang susuyo sa aming dalawa? Pakapalan pala eh!

'Mas astig yung umaasa akong susuyuin niya ko. Naalala ko wala nga pala kaming label.'

At kahit kailan hindi kami magkaka-label! Asa siya! I don't like him, I hate him! Banas!

Nang makarating ako sa labas, agad ako nag-stretching. Ayaw ko mag-sayang ng oras sa pagdadrama. Umagang umaga, poproblemahin ko siya? Haha, no way josè!

Kinuha ko earphones ko at nag-shuffle play ng playlist ko sa spotify.

'And now the day bleeds, into nightfall-'

Skinip ko agad yung kanta, banas naman! Epal ka, spotify!? Pinindot ko ulit yung shuffle play.

'Loving can hur-'

Banas!! Tantanan mo ko, spotify!!

"Bwiset na yan! Bat ba puro ganito yung kanta!" Napasigaw ako out of frustration. Late kong narealize na nasabi ko talaga 'to in public. Nakakahiya!

"Eh bakit ba kasi yan yung mga nasa playlist mo?" Nagulat ako sa lalaking nasa tabi ko pala. Parehas kaming naka-titig sa phone ko. "Akin na at ito pakinggan mo."

"Lucas?" Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ang nag-iisang Lucas Santiago ng Going South. Kumurap ako mga ilang beses, baka mamaya nananaginip lang ako. "Ikaw ba talaga yan?"

Natawa siya sa tanong ko, "Ofcourse? Haha!"

"Hindi nga? Peksman?"

"Oo nga."

"Sure ka?"

"Yes, I'm sure."

"Mamatay ka man?"

"Oo- teka, bakit mo ko pinapatay agad?" Natatawang usal niya. Parang bang natatawa siya sa inaasta ko na agad na ikinahiya ko. "Wag ka na mahiya."

"Sino ba namang 'di mahihiya.." bulong ko habang naka-pout.

"Okay lang yun! Nakakatuwa ka kaya!" Sabi niya nang may malawak na ngiti.

'Ih! Kinikilig ako pakshet!'

"Sige sabi mo eh." Reply ko at nginitian ko rin siya pabalik. Mabuti pala nag-toothbrush ako ngayon.

Tumawa siya nang mahina, pero huminto siya nang mag-ring yung phone niya. Mukhang may tumawag sakanya.

"Uy." Baling niya sa'kin. "I need to go, hinahanap na ako ng manager ko."

'Hala agad agad!? Epal ka naman, Zeredy eh! Dumadamoves palang ako, banas! Huhu'

"Ah ganon ba?" Hindi ko maitago ang pagka-dismayado ko sa narinig. Sayang eh! "Sige. Ingat."

"Sad ka na niyan?" Sabi niya. "Don't worry, we'll meet again." Paalam niya at tuluyang umalis na.

'Hayst! Balikan mo ko, babe!'

Napahawak ako sa dibdib ko gamit ang dalawa kong kamay. Kinikilig ako! Parang akong tanga na hindi makapale dito.

"Baliw talaga." Nagulat ako sa biglang nag-salita sa likod ko. Napalingon ako, si Kiko lang naman pala 'yon. "Kinikilig ka na dun? Babaw ah."

"Ah ikaw nanaman?" Walang emosyong tugon ko. Sawa na'ko sa pagmumukha mong asungot ka! Tinalikuran ko na ulit siya at nag-simulang maglakad palayo. Pero bigla nalang may humawak sa siko ko kaya ako napatigil.

"Problema mo?" Tinaasan ko siya ng boses. Padabog ko binawi yung siko ko sakanya. Ang gentleman niya kasi talaga kahit kailan! "Wag mo ko guluhin, pwede ba?"

"Ang init ng ulo mo." Sagot niya na ikina-inis ko. Kumunoot noo ko, hindi ba siya nakakaramdam? Nababahala na ako eh! "Give me a chance to explain."

"I already gave you one." Sabi ko. "Yesterday was enough, you had the time para mag-explain sa'kin. Pero hiniyaan mo lang ako! Anong klaseng lalake ka?"

'Shit.'

Sometimes hindi ko ma-control bunganga ko, I feel like I shouldn't have said that. Grr, so stupid! What if nasaktan ko feelings niya?

'Eh pake mo ba? Feelings mo nga binabalewala niya eh.'

Tatalikuran ko na dapat siya pero he pulled my arm and hugged me tight. Nagulat ako sa inasta niya. I tried pushing him pero mas lalo niyang hinigpitan pagkakayakap sa'kin.

'Teka lang, dede ko naiipit.'

"Abnormal ka." Bulong ko. Sabi ko at napayuko, nakadantay ulo ko sa chest niya. He caressed my hair while hugging me still.

"Isa pang chance please?" He said in a hoarse voice. "I'm sorry if I left you dumfounded. I made you look like a fool."

"I'm sorry.."

'Pakshet naman talaga, umagang umaga eh!'

"Ang gulo mo kasi." Panimula ko.

"Una kong dating dito, you've treated me like shit. You played pranks on me, hindi nakakatuwa. Pinag-tulungan niyo pa ako ng mga asungot." Pagtukoy ko sa mga members niya. Huminga ako ng malalim bago magpa-tuloy sa pagsasalita.

"And then recently. No, yesterday to be exact, you asked me out on a date? Gago ka pala eh."

"I was confused that time. Not knowing if it was another scheme of your pranks."

"I was scared to accept your proposal. Because I wasn't sure if you were sincere or not." Finally, my voice cracked. Hindi ko na napigilan ang pag-tulo ng luha ko. Kusa silang bumagsak mula sa mga mata ko.

"I once fell inlove with someone like you and I'm not stupid enough to make the same mistakes twice."

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon