Haru
***
Sinubukan kong hanapin ulit phone ko, just to make sure kung wala ba talaga yun dito. Nakakabanas.
Nasisigurado ko na si Kiko gumawa nito, wala nang iba. Kung meron pa man, edi yung kasabwat niyang si Haru. Mga nimal!
Base doon sa inasal nilang dalawa, sila lang makaka-gawa sakin nito. Dumiretso ako sa Cr at nag-ayos nalang muna. Siguro sa pag-tae ko nalang ilalabas galit ko.
Matapos ang mga ilang minuto, natapos ko na mga kailangan kong gawin. Kinuha ko sling bag ko at lumabas ng kwarto. Dinouble check ko pa kung nilock ko to.
Dumiretso ako sa Dance Hall kung nasaan ang mga asungot, pinag-sisihan ko namang pumasok dahil sa mismong pagtapak ko sa loob ay may sumalubong na ulo ko na timba ng tubig.
"Kingina." Mahinang sambit ko, sapat para marinig ng mga asungot. Tawang tawa naman sila eh. "Oo eh ang funny nuh, HAHAHAHA sO fUnNy."
'Ang sakit ng ulo ko huhu pesteng timba. Magkaka-bukol pa ako nito.'
Maya maya lumapit sakin si Wyeth na may hawak na pamunas, at inabot niya to sakin. "Oh eto hehe ang panget mo na."
'Ah peste!'
"Ge salamat." Sabi ko sakanya at pinunasan ko sarili ko. Sakto at lumapit si Daniel, siya din naman pinunta ko dito. "Uy sakto. Okay lang naman siguro kung mamamasyal ako dito? Mag-iikot ikot lang ako."
"Okay lang naman, pero sigurado ka na kaya mo mag-isa?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako. "Di pwede."
"Bakit! Ano ka, jowa ko?" Sambat ko sakanya.
"Soon." Sabi niya at ngumiti, nakakabaliw! "Joke lang eto naman hehehe-"
Di ko na siya pinatapos at bumalik ako sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at nagpatuyo ng buhok saglit tsaka umalis ng building na 'to.
'Bahala kayo diyan! Mga Asungot!'
Una kong pinuntahan yung park na pinaka-malapit dito. Malapit tignan pero malayo kung lalakarin. Eh naglalakad lang ako. Sinuot ko nalang earphones ko at nagpatugtog. Wonderland by Ateez. hehe~
Habang tumatawid ginagawa ko pa choreo ng Ateez. Panis! Ang galing ko sumayaw. Nagulat ako nang may biglang humatak sakin.
"Baliw!" Sigaw sakin ni Haru at hinila ako palayo. Nag-lakad lakad kami hanggat sa makalayo doon sa pwesto namin kanina. "Masasagasaan ka na kung ano ano pa ginagawa mo! Magpapakamatay ka na ba!?"
'Siraulo! Baka kayo patayin ko!'
"Mas Baliw ka!" Balik ko sakanya, kumunot noo niya. "Kung magpapakamatay man ako, doon sa di ako makikita! Ano ako, bida bida! Ipapakita ko sa iba na magpapakamatay ako! Di ako ganon!"
Napahimas nalang siya sa sentido niya. "Hindi yun yung point ko! Ang sakin lang naman kasi, mag-ingat k-"
Di ko siya pinatapos, nag-lakad ako palayo doon. Yung Park lang talaga gusto ko mapuntahan tas masasabotahe pa plano ko!
'Pero Thank you parin, Haru.'
Mabilis akong nag-lakad palayo sakanya. Rinig na rinig ko namang tinatawag niya ako.
"Hoy babae!"
"Ano ba, di ka ba makikinig?"
"Babe naman, mag-usap pa tayo please! Wag naman ganito!"Napa-hinto ako sa huling sinabi niya at humarap sakanya. "Ano? Di mo kaya i-resist charms ko ano? Hehehehehe"
"Kapal!" Sabi ko. "Scandalosa ka! Kung mag-jojowa man ako, maghahanap ako ng 'di tulad mo!"
"Ouch"
"Another heart has been slain."
"Saludo ako sayo, ser!"Napa-tingin ako sa paligid, may mga nanonood pala samin. Akala naman nila na binabasted ko tong isang to! Di pa nga nanliligaw.
"Hehe paano ba yan?" Sabi niya at ngumisi sakin. "Papayag ka bang mapunta pa ako sa iba? Kung ako sayo di ko ibabasted to pre. Gwapo pa hehe."
"Gwapo pero gago." Bulong ko. Sapat na marinig niya. Umalis ako agad at nag-lakad papunta sa park. Sa wakas, at makaka-upo rin ako. Naghanap ako ng bench na pwede ko ma-solo at sakto may nahanap ako.
'Solo ko na sana, biglang may asungot pala na sumunod parin sakin.'
"Ginagawa mo dito?" Masungit kong tanong sakanya.
"Baka bench to para upuan?" Sarkastikong balik niya sakin
"Bakit dito ka pa umupo?"
"Baka ito yung bakante?"
"Maraming bakante doon."
"Ayoko doon, gusto ko sayo." Sabi niya at ngumuso.
Kumunot noo ko. Walang kinalaman yon sa usapan. Hinayaan ko nalang siyang umupo diyan. Kinuha ko phone ko at may mga unread messages ako galing kina Joy at V. Puro pangungumusta nila sakin. Kumunot ulit ako nang nakita kong naka-dungaw dito si Haru at nakiki-basa ng messages.
"Baka gusto mo kong bigyan ng space?" Ang lawak kasi ng bench, tas siksik na siksik siya sakin. Crush ata ako nito eh. Tsk! Ganda ko! "Boundaries, tol."
Ngumuso lang ulit siya. Sarap putulan ng Labi. Mukhang duck!
Kinamusta ko lang din sin V at Joy, pilit kong ilayo phone ko kay Haru kahit na naka siksik parin siya sakin. Maya't maya tumayo ako. Sumunod naman siya sakin.
'Peste!'
"Bat ba sunod ka nang sunod!" Singhal ko, at tumingin kay Haru. Tumingin din siya sakin.
"Malamang." Matipid na sagot niya. Anong malamang? "Sa nakita ko kanina, mukha bang papabayaan kita mag-isa. Parang kang prone to danger. Sumayaw sayaw ba naman sa gitna ng kalsada." Sabi niya at ngumiti sakin.
'Totoo ba 'to or pinaplastic lang ako.'
May kung ano kumiliti sa puso ko. Parang bang na-touch ako sa sinabi niya sakin. Pero meron paring pag-dadalawang isip, kung totoo ba siya sa mga sinasabi niya.
"Lika na, mag-gagabi na. Uwi na tayo." Sabi niya at hinatak ako paalis.
'Ayos, hinatak lang ako. Di manlang nag-dahan dahan. Muntikan pa ako masubsob!'
Nakarating na kami sa wakas, nag-paalam na ako sakanya at gayundin siya sakin. Naki-usap nga lang ako sakanya na wag ikkwento kay Daniel, baka mas lalo akong di payagan umalis mag-isa.
Dumiretso ako sa kwarto ko. Biglang akong natigilan. Paano ako nakapag-phone kanina? Diba wala ito sakin kanina?
So ibig sabihin na kay Haru pala ito? Siya yung pesteng binibwiset ako. Kung ganon, ang smooth naman ng pagbalik niya ng phone ko! Ang weird, kingina. Kailan niya 'to binalik?
Ayoko na problemahin 'to. Ang mahalaga nasa akin na ulit phone ko.

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED