Chapter 7

38 2 0
                                        

First encounter

***

Hahanapin ko sana yung stuff toy kong husky, kaso naalala ko hindi ko nga pala dala yon papunta dito.

7AM palang nagising agad ako. Paano ba naman kasi, may naramdaman akong iba. Parang may pumasok dito sa kwarto ko. Kaso sigurado naman ako na naka lock yung pinto. Tumayo ako at pumasok sa CR, humarap ako sa salamin at agad ako nabanas sa nakita ko.

"!×@*×₩@%#@&@%!! Sinong @#^@&@ gumawa nito!" Censored dapat, di appropriate sa mga bata.

Kainis! Eto na nga ba sinasabi ko, may mangyayaring masama. May asungot na dinrawingan ako sa mukha ng constellations! Connect the pimples, este the dots. banas! Sa sobrang lakas ng pagkaka-sigaw ko, nag-aalalang pumasok si Daniel. Napa-daan siguro.

"Ano nangyari!? Ano- gago ano 'yan?" Agad sumalubong sakin ang nag-aalala slash natatawang Daniel.

'Tumawa ka at patay ka sakin'

"HAHAHAHAHAHA ANO BA YANG TRIP MO HAHAHA DI MO NAMAN SINABI MAHILIG KA SA CONSTELLATIONS HAHAHAHAHA EDI SA-"

astig. Tuwang tuwa ang asungot number 1. Humahalakhak pa talaga siya habang napapaupo sa sahig. Hindi niya na nga matuloy sinasabi niya eh.

"Tulungan mo nalang kaya ako tanggalin ko!" Sigaw ko sakanya, paunti onti siyang tumigil. Agad ko siyang inabutan ng cotton at alcohol, desperada akong tanggalin ito sa mukha ko.

Kuskos here, kuskos there. Sa totoo lang, ang awkward ng position namin dito. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko at konti nalang maghahalikan na kami.

'Kalma, self. Maganda ka, di pokpok.'

"Oh wag kang iiyak hehe." Bulong niya sakin. Banas! Di ako naiiyak! Naiinis ako! "Wag ka na sumimangot, pumapanget ka. Sayang ganda mo."

'Pero sige sabi mo eh, edi hindi hehehe.'

"Joke lang, wala ka namang ganda eh hahahaha- ARAY!" tatawa-tawa ka pa diyan, ayan suntok ka sakin. "Joke lang eh, di naman to mabiro huhu. Oh ayan, wala na yung constellations. Hehehe- ARAY!"

'pinitik ko siya hehe'

"Abuso! Mapanakit! Rape! Child abuse!" O.A! hinihimas-himas pa niya yung noo niyang pinitik ko, mangiyak iyak pa.

"Oh wag kang iiyak hehehe." Pagbabalik ko sa sinabi niya kanina. Sumimangot naman siya. Cute! Haha

"Lika na nga, late na tayo" sabi niya, hinawakan niya kamay ko at hinila ako palabas. Buti nalang naka palit nako ng damit at nakapag-ayos na.

"Late saan? Ano meron?" Pagtanong ko sakanya. Hindi niya ko sinagot agad, dinala niya lang ako doon sa dance hall saka ako nilingon.

"Introduce yourself.."

Introduce myself? Putcha, sana kanina pa niya sinabi edi sana nakapag prepare ako. Physically but mostly, mentally! Di ako prepared, ano sasabihin ko?

Too late na para mag-reklamo, hinatak ako ni Daniel sa loob bago pa man ako maka-reklamo. Buti na lang 'di kami agad napansin.

"Sinong pupusta!? Ano pupusta kayo!?"
"200 kay Zeus!"
"Mahina, 500 kay kei!"
"Mga bobo, 1000 bibigay yung dalawang yan! Walang mananalo."

Ano pa ba ineexpect ko, eh mga lalake to. Ang gugulo! May dalawang lalakeng nag-aarm wrestle, isa na doon si Zeus, sa gilid nila andon yung mga iba pang asungot na nagpupustahan at andoon naman si Wyeth.

"Ehem." Nag-fake cough si Daniel, nakuha niya naman attention ng lahat. Kaya tumigil sila sa pinag-gagagawa nilang arm wrestling.
"Eto nga pala yung ipapakilala namin sainyo."

" I'm Kryzelle, pleasured to meet your acquiantance." Bati ko sakanila at ngumiti, fake nga lang pero atleast maganda parin. Agad naman tumayo yung apat kong di pa nakikilala at nag-introduce din sila sakin.

"Yurielle Hachiro. Yuri for short." Siya unang bumati sakin, grabe yung mga mata niya! Parang ang lalim lagi ng iniisip. Bansagan ko nga tong killer eyes hehe.

"Kenji Ty. Nice to meet you too!" Bati sakin nung katabi niya, deep yung boses niya at may accent. Base doon sa pananalita niya, feeling ko may halong australian to.

"Katsumi kei.." ay tahimik ang lelang niyo, wala na siyang ibang sinabi bukod sa pangalan niya.

"Kaede Yatzhi. Enjoy your stay here." And last but not the least, yung bansot. Siya huling bumati sakin. Di naman ako informed na by height pagpapa kilala nila. Charot!

'Hakdog, di na nga ko nag-eenjoy dahil sa nangyari kanina eh.'

"Asan nanaman yung dalawa?" Takang tanong ni Daniel kay Kei. May dalawa pa pala kaloka! Ang dami pala nila.

"Di ko din alam. Panigurado naman gumagawa ng kalokohan yung mga yon. Kaya hayaan mo nalang." Sagot ni Kei, nag-shrug nalang siya ng balikat at bumalik silang lahat sa pustahang ginagawa nila kanina.

"Pagpasensyahan mo na yung mga yan hehe, lika sali nalang tayo sa kanila." Yaya sakin ni Daniel at umupo na. Wala din naman akong ibang gagawin pa kaya umupo nalang ako sa tabi nila.

Ilang minuto lumipas nag-kkwentuhan lang kami dito. Ay sila lang pala. Tunganga gaming ako dito eh, pinag iisipan ko parin paano ako makaka-alis dito. Ininterview nila ako kanina pero konti lang tinanong nila at tumigil na. Walang kwenta din kasi tanong nila mostly "ano kulay ng underwear mo" "ano pakiramdam magka-mens" "may boyfriend ka ba"

'Mga asungot! Kabanas! Itanong ba naman ano kulay ng panty ko syempre white!'

Maya-maya nagsitayuan ang mga asungot, niyaya ako ni Daniel na mag-breakfast na. Sabi ko sakanya, mauna na siya at susunod ako kaya iniwan niya nga ako. Sandali lang naman ako nagpa-iwan, isang minuto. Agad naman ako naglakad papunta sa pintuan, kaya nga lang di ko mabuksan. Mukhang may asungot na nag-lock sakin dito. Posible siya rin yung gumawa ng mga guhit guhit sa mukha ko kanina.

'Humanda kang peste ka! Nababanas nako sayo! Kung sino ka man!'

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon