The Truth pt. 2
***
Julia's Point of View
"Shh!" Pinatahimik ko sila at dinikit ang daliri ko sa labi. Agad naman sila tumahimik at nagkanya kanya ng upo. "Good. Ingay masyado eh."
"Tsk." Hinarap ko kung sino yung umangal. Siya nanaman.
"May problema ka?" Lakas loob kong tanong sakanya. Inirapan niya nalang ako.
'Suplado kala mo naman gwapo, tse!'
Nagpakilala muna kaming lahat sa isa't isa. Mahirap na baka magkalituhan na kami rito kung ano pangalan nila.
"Ano? May tatanong pa ba kayo?" Bwisit na tanong ko sakanila. Nagkibuan pa sila kung sino unang magsasalita sakanila. "Bilis!"
"Kailan 'yon nangyari?" Tanong ni Zeus. Siya unang nagtanong.
"Nung highschool kami."
"Matagal niyo na pala kilala si Kiko, pero wala manlang kayo sina--"
"Shut up. No side comments." Pambabara ko kay Kenji. Rinig na rinig ang pag-singhal niya.
"Tsk. Whatever."
"No side comments!" Sabi ko at dinikit ang hintuturo sa labi. Hindi na niya ako pinansin at nilipat sa iba yung atensyon niya. "Next question."
"Ano kulay ng panty mo--"
"Yung may connect naman sana sa topic!" Iritadong sigaw ko at hindi pinatapos sinabi niya. Nanahimik na lamang si Yatzhi.
'Paano na-tiis ni Zel ang mga bwisit na 'to...'
"Ano? May tanong pa ba kayo!?"
"Bakit ka laging galit!?"
"Shut up!" Padabog ako sumandal sa upuan. Nakakainis 'tong si Kenji! Panira ng araw ko! Ang epal niya!
Kalagitnaan ng pag-aaway namin ay may umubo-ubo. "So yun nga, pwede mo ba i-summarize sa'min yung nangyari?" Wyeth pleaded. This is actually the first time I heard him talk.
"Nagkaroon ng car accident dahil sa katangahan ni Kiko. Lucky for them ay may nag-ligtas sakanila. Unfortunately speaking, because of that accident, Zel lost some of her memories and.." tumigil ako sa pagsasalita. Hindi ko napansin na tuloy tuloy na akong nagsasalita at muntikan nang madulas.
"And what?" Yurielle asked boredly. Hindi siya makapag-hintay sa sasabihin ko.
"Nevermind." I said. "Masyadong personal. I don't know if pwede ko siyang sabihin."
"You can trust us." Daniel said genuinely. Nginitian niya ako which made it look more sincere.
For a moment there, muntikan niya ako ma-uto. "Tsk! Said by the person who was involved in bullying her."
"Excuse me?"
"Bakit? Hindi ba?" Sabi ko. "Hindi ba araw araw niyo siyang ginagago noon? Hindi ba pinahirapan niyo siya sa bawat araw na lumipas without knowing her condition?"
"What condition?"
'Oh, fuck. I slipped. I'm sorry, Zel.'
"Wala." Bawi ko. Pero hindi sila naniwala, mas lalo nila ako kinulit.
"What condition?" Pag-uulit ni Kenji. This time may halong pagbabanta ang tono niya. "Tell us."
"Dyschronometria." Tipid kong sagot. I sighed. Wala na akong magagawa, I'm in a dead end. Wala na akong lusot. I'm really sorry, Zel
"Dys-- what?" Binatukan ni Kenji si Zeus dahil sa remark niya. "Aray ko po, dys hurts."
'Hay.'
"Pagod ka na?" Baling sa'kin ni Joy. Tumango ako. Kanina pa siya nanonood sa'min habang kumakain ng pasta.
'Saan nang-galing yan!?'
"Dyschronometria." Ulit ko nang may diin sa pag-bigkas. "Dyschronometria is a condition of cerebellar dysfunction in which an individual cannot accurately estimate the amount of time that has passed, in short, distorted time perception. It is associated with cerebellar ataxia, when the cerebellum has been damaged and does not function to its fullest ability."
"The most common cause of cerebellar ataxia, and by extension dyschronometria, is cerebellar damage. This can be by form of a trauma, or by disease and genetics. Examples of trauma include a car accident, stroke, epilepsy, and head trauma." Mahabang paliwanag ko. Iilan sakanila ang naka-intindi. At mayroon talagang tulad ni Zeus na slow.
"Kryzelle is one of those who experienced a car accident which led to dyschronometria." Dagdag ko.
"In short, she doesn't have a clear perception of time." Sabi ko. "Gets?"
"Gets!"
'Napagod ako dun.. kelan ka bang gigising bruha ka?'
"Asan nga pala sina Haru at Kiko?" Biglang pagbabasag sa katahimikan ni Joy. Tumingin ako sakanila. Lahat sila ay napa-isip. Hindi nila siguro alam kung saan nagpunta yung dalawa.
Ngumiwi ako, "kaibigan niyo, hindi niyo alam kung asan?"
"Nagsisimula ka nanaman bang bruha ka?"
"Shut up. Naiinis na ako sa'yo." Rebat ko kay Kenji. Hindi ba 'ko tatantanan nito!
Maya-maya ay may narinig kaming kumakatok mula sa labas. Tumayo si Wyeth para pagbuksan ng pinto yung mga kararating lang.
Si Kiko at si Haru.
"Finally.." sambit ni Daniel. "Saan kayo nang-galing?"
"Rooftop." Sagot ni Haru. Dumiretso siya sa tabi ni Zel at hinalikan noo nito.
'Shet. Ang speed naman nun.'
Kinagulat ng lahat ang biglang pagtapik ni Kiko sa ulo ni Haru kaya napilitan siyang umatras. "May pinagusapan lang kami." Dagdag ni Kiko.
"Woah." Mahinang usal ni Joy. Parehas kami ng reaction ngayon.
"Bro, we've talked about this.." pagbibigay diin ni Haru sa bawat salitang sinasabi niya. Lahat kami ay tahimik na nanonood lang sakanila.
"Yeah." Sang-ayon ni Kiko. "I know."
"Tsk." Nagulat kaming lahat sa biglang nag-salita. Lahat kami ay napatayo bigla. "Nakatulog lang ako, nag-aaway away na kayo?"
BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED