Chapter 22

31 2 0
                                    

LQ kahit wala namang label

***

"Hoy! Anong date!?" Nabigla ako sa sinabi niya. Sinamaan ko agad siya ng tingin mamaya ginagago lang ako nito. "Anong trip yan? Ginagago mo ba ko?"

"Baliw. Seryoso ako." Sabi niya. Tumingin siya sa kaliwa at ngumuso.

'Hala!! Bakit ganon! Hindi ako sanay na ganyan siya!'

Pumiglas ulit ako sa hawak niya. "Ano ba, Kiko!"

"Luh, inaano kita?" Sabi niya at napakamot ng ulo.

'Nafafall ako, wag ganon! Joke!'

"May sakit ka ba?" Kinapa ko noo niya. "Hala ka pre! Meron nga, oh no!"

Tinanggal niya yung kamay ko sa noo niya, pero hawak hawak parin niya 'to. "Baliw ka."

'Ano ba, bat ka ganito!'

"Mas baliw ka! Hindi kita maintindihan na!" Sabi ko at pumiglas ulit sa pagkakahawak niya. Mukha siyang naiirita sa ginawa ko.

'Eh ano naman?'

Kinuha niya ulit kamay ko at pinag-intertwined mga kamay namin. "Oh bakit? May problema ka?" Saad ni Kiko.

'Oo, madami!'

"Hindi kasi kita maintindihan..." bulong ko sa sarili ko. Nagulat ako nang bigla siyang yumuko at tinapat ang mukha niya sa mukha ko.

"Ano yon?" Pinapaulit niya sa'kin yung sinabi ko.

"H-Huy, ang lapit mo." Sabi ko nang nauutal at mahina ko siyang tinulak palayo. Pero mas lalo niyang nilapit mukha niya sa'kin at nakipagtitigan sa mata ko.

"Sabihin mo na kasi." Pagpilit niya sa'kin. Bahagya pa siyang nag-sad face.

'Ano bayan! Anong trip nito!'

"Parang kang tanga!" Sinigawan ko siya mismo sa tenga niya kaya napalayo siya sa'kin. Ginrab ko yung oppurtunity na mag-walk out. Padabog pa ako naglakad. Mas binilisan ko lakad ko nung naramdaman kong sumunod si Kiko sa'kin.

"Uy." Tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Malapit na ako sa kwarto ko, konting kembot nalang.

Kaso naabutan niya ako dahil mas mahaba biyas niya sa'kin. Hinawakan niya ako sa wrist para pigilan ako maglakad. "Ano nangyayare sa'yo? Ikaw yung parang tanga eh."

"Ako pa yung parang tanga?" Asar akong humarap sakanya. "Ayos ah. Ikaw 'tong hindi ko maintindihan."

"Ano? Bat ako?" Naguguluhang tanong niya. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa wrist ko. "Inaano kita? Niyaya lang naman kita mag-date."

"Yun na nga eh!" Pumalakpak ako, isang beses. "Yun yung magulo!"

Nag-iinit dugo ko sa inaasta niya. Naguguluhan ako. Mamaya kung anong prank nanaman 'to. Ayokong mauto ulit. Yung mga gamit ko sa kwarto, hindi lahat napalitan. Umalis ako agad sa kinatatayuan ko bago pa siya makasalita, hindi ako natutuwa sakanya! Dumiretso ako sa kwarto ko at padabog isinara yung pintuan, sapat na marinig niya. Humiga ako sa kama at tinakpan ko mukha ko gamit ang unan. Itutulog ko nalang 'to, banas siya!

'Eh kasi naman!'

Napabangon ako sa pagka-higa. Nakasabunot ang isang kamay sa buhok. Nababaliw na siguro ako.

Napaisip ako, hindi naman ako magkakaganito kung hindi dahil kay Kiko.

"Grr nanggigigil ako sa'yo, Kiko!" Napatakip ako ng mukha ko. Gumulong gulo ako sa kama ko, back and forth. Parang akong tanga!

'Hindi, gaga. Tanga ka talaga!'

Nakaka-banas naman eh! Gusto ko na matulog, Kiko. Pero nang dahil sayo mukhang buong gabi ako mababaliw dahil sa saltik mo!

Tinapik tapik ko pisngi ko, baka sakaling bumalik ako sa katinuan.

"Wala!! Ayoko na!!" Umiling iling ako at cinover mukha ko gamit ang unan. "Bwiset! Nauulul na'ko!"

'Lord, forgive me for I have sinned. Huhuhu.'

Huminga ako nang malalim at saka kumalma. Umayos ako sa pagkakahiga sa kama. Kung may nanonood lang siguro sa'kin, iniisip non sinasapian na'ko.

Kalahating oras na ang nakalipas, nakaramdam na ako ng antok. Sa wakas, makakapahinga na ulit ako.

Kiko's Point of View

Nakatitig lang ako sa kawalan. Kasalukuyan akong nakaupo, dito parin kung saan kami nagtalo ni Kryzelle.

Hindi ko naisip kung ano man posible niyang maging reaksyon. Malamang nabigla 'yon sa kinilos ko, sino ba namang hindi?

'Shit ka, Kiko. Tsk!'

Minasahe ko sentido ko, baka sakaling ma-relieve ako. Iniisip ko yung nangyare kanina. Ang tanga tanga ko! Nabigla siguro 'yon sa inaasta ko kanina. Sino ba namang hindi?

Yung lalakeng ginulo gulo ka araw-araw. Yung lalakeng binwiset ka araw-araw. Yung lalakeng sumisira ng araw mo araw-araw. Tas bigla kang yayayain mag-date? Bobo! Sino papayag sa ganon?
Sinabunutan ko sarili ko gamit yung isang kamay ko. Nakaka-gago pala kung ako nasa position ni Kryzelle.

Unconsciously, I found myself smiling. Ang cute niya kanina. Parang kaming tanga, wala pa kaming label pero mat LQ na agad. Pero ang cute niya parin kahit ganon. Parang bang din natutuwa ako sa tuwing naaasar ko siya.

Sa tuwing namumula siya sa asar, namumula ako sa katatawa. Ang sarap sa feeling na nakaka-usap ko siya nang ganito. Kala mo close ulit eh.

Sinuklay ko buhok ko gamit kamay ko, I stopped midway realizing I should've stop her from leaving. Hinayaan ko lang siya mag-walk out. Kasalanan ko, edi ako magdudusa. Kinakabahan ako baka hindi niya ako pansinin bukas.

'5 years have pass and I still see myself coming back to you.'

"Oh pre ano tinatanga tanga mo diyan?" Napatingin ako sa nag-salita, si Haru. Umupo siya dito sa harap ko. "Parang kang batang inagawan ng lolipop hehehehe."

"Tsk!" Sininghalan ko siya. Ngayon pa niya binalak mang-bwiset. "Kung bibwisitin mo lang ako, umalis ka nalang."

"Joke lang, eto naman! Masyadong seryoso!" Pabiro niya akong sinuntok sa braso. I sighed. Umayos siya sa pagkakaupo niya, mukhang kakausapin niya na ako nang seryoso. "Si kryzelle nanaman ba?"

"As always." Sabi ko. I leaned closer to the wall.

"Gago ka kasi." Narinig kong bulong ni Haru.

"Wow salamat. Laking tulong." Sabi ko. Inismiran niya lang ako. Pinagpag niya sarili niya at tumayo na. Inilahad niya yung kamay niya sa harapan ko. Tinanggap ko.

"The best thing to do is clear things out with her. I can feel na naguguluhan siya. Lalo na't hindi niya alam kung ano pinagsamahan niyo noon." Nakangiting saad niya.

"I'll try but I won't promise."

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon