Chapter 17

25 2 0
                                    

Another encounter

***

"Ano ba gagawin natin? Pagod na'ko maglakad." Paulit-ulit kong tanong kina Zeus. Kung saan saan kasi nila ako dinadala dahil sa late nilang nalaman na allergic ako sa shrimp. "Kung tungkol yan sa shrimp, sabi ko naman sainyo na okay lang a-"

"Hindi!" Tumigil sa paglalakad si Zeus at hinarap ako. Gayundin ginawa nung iba. "I can't allow this!"

"Ha? Pinagsasabi mo?" Takang tanong ko kay Zeus. Tumingin siya sa'kin na parang bang nagpipigil ng luha. May patakip takip pa siya sa bibig niya para mas madrama.

"Kryzelle.. hindi namin alam na allergic ka sa shrimp, kaya sana pagbigyan mo kami na bumawi sa'yo." Sabi niya sa madramang tono, akala mo naka patay ng tao eh.

"Ang kulit!" Sabi ko at hinarap silang lahat. "Sabi ko sainyo, okay nga lang ako."

Napa-singhal si Kiko, "Sus. Kunyari ka pa."

Humarap ako sakanya at sininghalan ko din, "Ano nanaman ba? Aawayin mo nanaman ako? Wag muna ngayon. Busy ako, bukas na."

"Ayoko.. baka umiyak ka." Sabi niya na parang nang-aasar. Babatukan ko 'to!

"Ano? Ako iiyak? Bakit naman ako iiyak?"

"Kasi paiiyakin kita." Sabi niya. Sa hindi malamang dahilan, parang bang nag-babanta ang tono ng pag-sabi niya nun. Aba, ewan! "Tulala ka."

Kumurap kurap pa muna ako ng mata at kinusot ito, bago humarap ulit sakanya. "Wala ka na don. Mind your own business."

"You're my business." Sabi niya. Ayan nanaman siya sa tono na yan! Parang may mali talaga.

"Pinagsasabi ng baliw na 'to." Suminghal ulit ako. Haharap sana ako kina Zeus, kaya lang wala na sila sa tabi namin. "Hala!? Asan yung mga 'yon!"

'Mga asungot! Bakit niyo ko iniwan dito sa pinaka masahol na hayop sa buong mundo!'

"Dinadaldal mo kasi ako. Ayan tuloy, iniwan nila tayo. Bagal mo kasi." Sabi niya na inaasar ako.

"Nye nye nye!" Asta ko na parang bata. Tumalikod ako sakanya para hanapin sina Zeus, pero rinig ko parin na tumatawa siya. Humarap ulit ako sakanya at nakatingin siya sa'kin habang naka-ngiti. "Baliw ka."

"Sayo." Sabi niya na ginaya yung tono ko nung sinabi ko sakanya 'to.

"Huy! Gaya-gaya ka ng banat lines!" Sabi ko at sumimangot. Mas lalong lumawak ngiti niya.

"Ikaw banatan ko diyan." Sabi niya nang pabiro. Parang banta na nga eh.

"Subukan mo lang. Malilintikan ka sa'kin." Sabi ko at umayos ng fighting stance. Mas lalo siyang natawa sa inaakto ko. "Ano bang nakakatawa!"

'Kabanas. Feeling ko, iniinsulto niya ako.'

"Nakakabaliw ka kasi." Sabi niya na naka-ngiti parin.

"Hindi ko maintindihan yang mga pinagsasabi mo, nababanas na'ko! Ano ba kasi problema mo?"

"Wala naman." Tipid niyang sagot. Hindi na siya tumatawa. Kalmado na itsura niya pero yung mabait tingnan. Kahit papaano nagmumukha siyang mabait.

"Halika na nga. Hanapin natin sila." Sabi ko at umalis sa pwesto na yon at naglakad. Lumingon agad ako sa likod nung medyo naka-layo layo na'ko. Hindi pala sumusunod si asungot. Bumalik ako agad sa pwesto na yon. "Ano bayan! Tutunganga ka nalang ba diyan?"

"Nakakapagod mag-hanap. Nag-text na rin ako kay Haru na andito pa tayo." Sabi niya habang naka-tingin sa phone niya. Mukhang tinetext niya ng si Haru. Matapos, binulsa niya yung phone at tumingin sa'kin. "Lika."

"Anong lika?"

" I meant let's go." Sabi niya at umiling iling na parang bang ang slow ko daw. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa opposite direction ng dadaanan ko dapat.

"Saan naman tayo pupunta?" Sabi ko at nag-cross ng arms. Bumalik siya dito at hinatak ako sa wrist. "Aray ko naman!"

"Weak mo naman. Hindi pa masakit yon." sabi niya at niluwagan yung pagkakahawak sakin. Binitawan niya wrist ko at sa kamay ko mismo humawak.

'Tsansing ka ah!'

Lumingon siya sa'kin at tumigil sa paglalakad nang makitang nakakunot noo ko, "problema mo?"

"Yung kamay mo." Sabi ko at tinuro kamay niya gamit labi ko.

"Oh?" Tumingin siya sa kamay niyang nakahawak sa'kin. "Ano meron sa kamay ko?"

"Yung kamay ko." Sabi ko at mas lalong kumunot noo ko. Pati rin siya napapakunot ang noo.

"Ahh eto?" Sabi niya at itinaas kamay niya, kasama na don kamay ko na hawak hawak parin niya at tinapat niya sa mukha naming dalawa. "Bakit? Kinikilig ka?"

Napangiwi ako, "kadiri ka."

"Sus. Kunyari ka pang di kinikilig." Sabi niya at ngumisi. Binawi ko naman kamay ko at nagsimulang maglakad palayo sakanya. Ramdam ko namang humabol siya agad. "Asar talo."

"Banas! Ewan ko sa'yo." Sabi ko at inirapan siya. Mas lalo kong binilisan lakad ko kaya di ko namalayang may nabangga ako. Natapon yung hawak niyang ice cream sa shirt ko. "Hala, sorry po! Hindi ko po sinasadya."

"Okay lang." Sabi niya at ngumiti. Saka ko lang napansin na siya si Lucas ng Going South. Napa buka ako ng bibig sa gulat.

"Isara mo yan. May papasok na langaw." Sabi ni Kiko na nasa tabi na naming dalawa. Ang epal! Katabi ko na ang love of my life!

"Uy bro! Long time no see?" Sabi ni Lucas at humarap kay Kiko.

Napangiwi si Kiko, "Ah. Ikaw nanaman." Ang dry na sagot niya.

"Ouch! Hindi ka ba naeexcite na makita ako?" Sabi ni Lucas. Binaling ni Kiko atensyon niya sa ibang lugar at napailing naman si Lucas. Humarap siya sa'kin "Uy! Ikaw si Kryzelle diba?"

"Ah, oo hehe." Sabi ko na nahihiya pa. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin si Kiko sa'min at nakataas ang isang kilay.

"Oh!" Si Lucas. " Sayang. Akala ko pa man din na sa'kin ka mapupunta-"

'Oo, sayong sayo na.'

"- pero mukhang naagaw ka na sa'kin at sa iba ka pa napunta." Sabi niyang madiin at tumingin kay Kiko. Ang seryoso ng tinginan nila sa isa't isa. Manghihingi palang sana ako ng picture kasama si Lucas kaso bigla akong hinatak ni Kiko palayo.

Napahawak ako sa wrist ko na hawak hawak niya, "Aray! Kiko, nasasaktan ako."

Hindi niya ako pinansin, "Ano ba, Kiko! Masakit."

Sa wakas, nilingon niya ako at tinitigan nang masama. Mas lalong niyang hinigpitan pagkaka hawak niya sa wrist ko kaya napa daing ako.

"Layuan mo siya."

Tinaasan ko siya ng kilay, "At bakit ko gagawin yun?"

"Dahil sinabi kong gawin mo yon." Sabi niya. Binitawan niya ako at naglakad siya paalis. Iniwan niya ako.

Tumingin ako sa wrist kong namumula. Ang sakit. Hinawak ko ito gamit yung isa ko pang kamay. Mahapdi. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Ano bang kasalanan ko?

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon