The concert
***
Ilang araw ang lumipas mula nung event na 'yon. Balik nanaman sa dating gawi. Nagpapractice ang mga asungot para sa concert nila.
Andidito ako ngayon sa dance hall nila. Hindi ko alam bakit nila ako hinatak dito, hindi naman ako kasali sa performance nila. Kasulukuyan ko lang silang pinapanood.
Sa thirty minutes ng pag-oobserba ng routine nila ay may apat na bagay akong napansin.
Una, si Yatzhi yung lagi nilang pinapagalitan dahil nakakalimutan or nagkakamali siya sa steps. Minsan ay dahil sa kakulitan niya. Pangalawa, pagiging tamad ni Kei. Swabe siya gumalaw pero tamad. Laging bitin. Kaya pinapagalitan siya nila Daniel at Kenji. Pangatlo, tamang ngiwi lang sa gilid si Kiko. Pang-apat, missing in action si Haru.
Nagpaalam nga pala siya sa'kin na may pupuntahan lang siya. Pero hindi ko alam kung saan.
"Yatzhi, ayos!" Suway ni Kenji kay Yatzhi.
"Pagod na ako," sabi ni Yatzhi nang nakahilata sa sahig. Ginaya siya ni Kei at humilata na rin.
'Nainggit siguro.'
"Ako rin naman," sabi ni Kenji.
"Paki-hanap pake ko." Binelatan niya si Kenji kaya nilapitan siya nito at hinatak sa sahig. "Aray! Joke lang po, tama na!"
"Umayos nalang kasi para makapag-pahinga na," mahinhin na suway ni Wyeth kay Yatzhi. Nginusuan niya lamang ito at kumamot sa ulo.
After 1 and a half hour, tumigil na sila sa pag-practice. Oras na para magpahinga, bukas na yung concert nila. Kinaumagahan ay nakabihis na agad ako bago pa man sila magising.
Sabi kasi nila isasama nila ako sa concert, so why not? Wala na rin naman akong gagawin. Sa kalalakad sa kwarto ko ay naisipan kong isama sina V.
["Who is this?"] Bati ni V. Halata na nagising ko siya dahil sa namamaos niyang boses.
"Ako 'to, tanga."
Rinig kong suminghal si V mula sa kabilang linya. ["Tse! Ang aga-aga, mambubulabog ka nanaman. Ano kailangan mo?"]
"Sama kayo sa concert ng mga asungot."
["Concert? Saan? Kailan?"]
"Mamayang gabi pa naman, hehe."
["Tas ngayon mo lang balak sabihin? Nang-wawarshock ka talaga eh ano?"]
"Eh sige na! Sumama ka na please. Kayo nila Joy."
["Okay, fine. Basta libre."] Sabi niya at inend yung call.
Lumabas na'ko ng kwarto ko at dumiretso sa lounge. Andoon na pala sila. Handa na mga bagahe nila, mukhang marami silang kailangan dalhin.
"Tara na, andito na lahat." Yaya ni Daniel nang makita ako. Tumalikod siya agad para mauna sa exit.
"Teka lang," sabi ko at nilingon niya ulit ako. "Pwede ko ba isama sina V?"
"Ha?" He wondered. "Alam ba nila saan magaganap?"
"Hindi."
"Edi paano sila makakapunta?"
"Sunduin natin?" Suggestion ko. Kumunot noo niya na parang absurd yung suhestiyon ko. "Sayang naman, niyaya ko na sila eh."
"Niyaya mo na pala, wala na kami magagawa." Sabi niya at nginitian nalang ako. "Magkakasya naman tayo sa bus. Pagtabihin nalang natin si Julia kay Kenji tas si Joy kay Kei."
"Ha!?" Singhal ni Kenji. "Ayaw ko katabi yung bruhang 'yon!"
"Sige na," pilit ni Daniel. "Si Kei nga walang pake eh."
"Atleast hindi niya katabi yung bruhang 'yon!"
"Hoy!" Saway ko. "Bunganga mo!"
"Sorry."
'Kami lang pwede mang-asar sakanya ng ganon!'
Hindi na kami nagpatagal pa at sumakay na sa bus. Katabi ko si Haru, pero agad siya nakatulog. Pagod siguro kaya hindi ko na pinakelaman pa. Dumiretso muna kami kina V at sinundo sila. Talagang pinagtabi nila yung dalawa dahil parehas nag-iinarte at nagpupumilit na ayaw nila tumabi sa isa't isa. Mabuti nalang nagkusa si Joy tumabi kay Kei kahit hindi na namin sabihan.
Umandar na muli ang bus at dumiretso na sa venue. Hindi ko alam kung saan dahil hindi ako pamilyar sa mga lugar malapit dito. Hindi naman daw ganon kalayo, kaya mabilisan lang kami makakarating.
Kalagitnaan ng byahe naririnig kong nagtatalo si V at Kenji sa likod ng upuan namin ni Haru.
"Isara mo yan," utos ni V kay Kenji.
"Ayoko."
"Ang init kaya, harangan mo na kasi ng kurtina yan!"
"Ayoko nga diba? Lumipat ka kung maarte ka. O kung gusto mo, doon ka sa sahig para matahimik ka na."
"Ako? Maarte!?" Dinuro ni V sarili niya. "Sapakan nalang ano!?"
"Sige! Kala mo hindi kita papalagan!?" Tumayo si Kenji mula sa kinauupuan niya. Ganon din si V.
"Ano!? Suntukin mo'ko, bwiset ka!" Hamon ni V. Mabuti nalang at inawat na sila ni Wyeth at Yurielle. Habang sina Yatzhi ay nakikipagpustahan naman kay Zeus kung sino mananalo sakanilang dalawa.
Maya-maya ay tumigil na rin sa banyagan yung dalawa. In the end, hinarangan ni Kenji ng kurtina yung bintana kaya nakatulog agad si V. Onti-unti nahuhulog ulo ni V at dumantay na sa balikat ni Kenji.
"Tsk." Rinig kong sambit niya. Agad naman ako natawa sakanila dahil ang cute ng status nila. "Ano tinitingnan-tingnan mo diyan?"
Humarap nalang ulit ako habang tumatawa. Hinayaan ko nalang sila, baka mamaya mahiya pa sila.
Hours passed at oras na ng concert nila. Binigyan nila kami ng VIP pass. Kaya kami ang pinaka-malapit sa stage. Marami na rin silang fans kumpara last time. Bunga ng pagiging hardworking nila.
Kalagitnaan ng concert ay onti-unti akong nawawalan ng gana. Something's not right. Parang may mali sa'kin, I can feel it. Bigla ako nakaramdam ng shiver nang bigla ako hawak ni Joy sa balikat.
"You okay?" She asked me. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. "You're not okay.."
"I am.."
"No, you're not." Pilit niya. Tiningnan ko siya head on. I tilted my head as if I was curious on her toughts. "You know what.."
"What?" Tanong ko.
"I miss the old you." Natigilan ako. Ano ibig niyang sabihin? "The old you who still has sparks on her eyes.
"You lost it." Dagdag niya. I felt tears have flown down my cheeks. I don't know kung saan nang-gagaling ang mga ito. But I just knew that I Know what she was trying to say.
I realized I was jolly before. I had lots of energy. I'd be hyper and scream a lot. I remember cursing out a lot too.
But now feels weird, I lost my fun side. I feel stressed and emotionally tired these days.
I want to rest already, is that too much to ask?

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED