Chapter 12

33 2 0
                                    

Get to know each other

***

Sisig lang kaya kong i-afford ngayon, ayoko na rin masyado gumastos. Marami ako nabili kanina eh, sayang kung iwawaldas ko agad-agad yung pera ko for this month.

Binili ko na yung sisig at pina-init ko. Humanap ako ng pwesto kung saan medyo di ako kita. Doon sa walang tao. Kamalas-malasan, bago ako maka-upo meron ulit naka-bangga sakin. At sa pagkain ko pa tumama yung tubig niya.

"Omo!! I'm Sorry!!" Sabi niya at pinagdikit ang dalawang kamay. "I'll buy you another one-"

"Huy, wag na ano! Oka-" hindi ko natapos yung sasabihin ko nang bigla siyang umalis sa harapan ko at dumiretso sa counter.

'Aba'y makulit. Sinabing wag na eh.'

Wala na akong nagawa nung inabot niya sakin yung sisig at tubig na binili niya. Umalis na din siya agad. Nahiya siguro sakin kasi ang ganda ko para mabangga niya.

Mabilis ako kumain, naubos ko agad yung sisig at tinapon ito. 8:30 palang naman, kaya hindi muna ako umalis. Nakaka-pagod rin itong araw na 'to. Hindi naman siguro masama kung magpapahinga ako ng 5 minutes?

Napa-singhal ako. Tumayo na ako agad. Mamaya kasi may mangyari ulit sa kwarto ko. Ayoko mangyari ulit 'yon. Nagmadali ako lumabas ng 7-11 at bumalik sa Kumpanya.

'Bakit ko ba kasi hindi alam pangalan nung kumpanya na yon!'

Tumakbo ako dahil hindi ako mapakali. Hindi dahil sa posibleng mangyari sa kwarto ko. May ibang rason, nararamdaman ko nanaman dahil sa pesteng instinct na 'to.

Minsan talaga hindi ko alam kung blessing ba to or sumpa eh. Kung sumpa man 'to, sinusundan ko parin. Edi sinong tanga? Edi ako.

Tumakbo ako papunta sa kaliwa, sa may alley. Medyo madilim dilim na din at di sakop ng ilaw yung lugar na to. Tama lang pala na sundan ko instinct ko. Merong tatlong lalaki at isang babae sa loob ng alley na yon. At yung babaeng yon, yung naka-bangga ko sa 7-11 kanina.

'Ano ba pinag-gagawa nito? Badtrip men!'

Nag-tago ako sa likod ng isang malapit na bin, sapat na para marinig ko yung pinag-uusapan nila.

"Bitiwan niyo ko!" Pagmamaka-awa nung babae. Hawak-hawak siya nung dalawang kumag. Habang yung isa nasa harap nilang tatlo. "Nagmamaka-awa ako! Bitiwan niyo na ako!"

'Clichè amputcha, asan na yung knight in shining armor?'

"No can do, missy." Sabi nung lalaking nasa harap nila. Feeling ko siya leader tas yung dalawang kumag na naka-hawak kay girl yung alipores niya. Clichè nga.  "Satisfy us first and then we'll let you go. Hmm."

'Englishero lelang niyo.. sige ikaw na!'

"Boss, ayaw mag-patalo ng isang 'to." Sabi nung isang alipores niya. Sinusubukan kasi ni girl kumawala sa hawak nilang dalawa. Yun nga lang, mas malakas parin yung mga lalake kaysa sakanila.

"Sinabing bitiwan niyo ako!" Sumigaw pa muli si Girl. Nang bigla siyang hinawakan sa hita nung isang alipores. "W-Wag!"

'Asan na yung knight!? Putcha, ayoko maki-gulo diyan!'

Napabalik ako sa tamang pag-iisip nang biglang sumigaw ulit si girl, paunti-unting hinuhubaran siya ng mga lalake.

'Lord, susugod na ako. Ikaw na bahala sa kaluluwa ko.'

"Hoy mga kumag! Ginagawa niyo!" Sigaw ko. Ang pangit pala ng intro ko. "Tumigil na kayo diyan! Hindi ba kayo naaawa sakanya!?"

'Huhuhu kryzelle, anong katangahan pinasok mo.'

"Huh?" Lumingon sakin yung tatlong kumag. "At sino ka naman?"

'Patay, ang sama ng tingin nila! Eto na kamatayan ko!'

"Ako!?" Matapang kunyari na sigaw ko. "Ako ang tatapos sainyo!"

'Huhuhuhu'

Nag-tinginan muna yung tatlo saka nag-tawanan. Hindi naman ako nag-joke, ano nakakatawa?

"Ha! Patawa ka, Miss." Sabi nung isa. Binitawan niya yung girl, at lumapit sa akin. "Sabihin mo lang kung naiinggit ka-"

Sinampal ko siya. Mukhang dahil sa sampal na yon ay na-trigger siya. Susuntukin niya sana ako nang harangan ko suntok niya gamit kamay ko. Hindi niya ako na-suntok at nagulat pa dahil sa pag-tigil ko sa kamao niya. Doon ako nagkaroon ng chance para sikmurain siya.

"Tarantado! Sino ka sa tingin mo!?" Galit na sigaw niya sakin habang naka-luhod. Napa-lakas ata ako ng pag-sikmura sakanya.

Ngumisi ako, "Hindi ba sinabi ko sainyo? Ako ang tatapos sainyo." Sabi ko at mas lalo sila na-trigger sa tono ng boses ko.

Lumapit yung isang alipores sakin at akmang susuntukin ako nang inunahan ko siya ng suntok. Boom knock out!

'Isa nalang at makaka-uwi na ako.'

Napa-tingin ako sa Leader nila. Hindi na rin maganda aura ng mukha niya. Ang lalim ng mga mata niya at parang anytime, susugurin niya na ako.

"Huh! Sa tingin mo ba, matatalo mo kami nang ganon ganon lang?" Sabi niya habang papalapit sa akin. Naging alarma ako sa ano mang posibleng mangyari.

Kalmado ang pag-lapit niya sakin. Biglaan nalang siya sumugod nang mabilis at sisipain ako sa tuhod, naka-iwas naman ako agad at siya yung tinuhod ko. Pero hindi yon sapat para mapaluhod siya. Agad siyang naka-hawak sa paa ko na ginamit ko panipa sakanya at hinatak yon. Dahilan para ma-out of balance ako at malaglag sa sahig. Naka-recover ako agad at tumayo bago pa niya ako sipain sa tiyan. Bumawi ako sa kanya ng suntok sapat para ma-out of balance siya.

Ginamit ko yung pagkakataon na yon para suntukin ulit siya. Napaluhod na siya at di ako tumigil, tinuhod ko siya sa mukha para mapa-higa siya.

'Pwede na ba to? Ayoko na nga eh!'

Gulat ako nang biglang may pulis na dumating. Yung babae siguro tumawag sakanila. Hinanap ko siya nang bigla-bigla nalang siya sumulpot sa harapan ko at niyakap ako.

"Wah! Thank you!! Wah huhu!" Sabi niya at niyakap ako nang mas mahigpit. Nasasakal ako! "Sorry."

'Okay lang, muntikan mo lang naman ako masakal to death.'

"Okay lang. Mag-ingat ka sa susunod at wag ka mag-lalakad mag-isa. Lalo na pag gabi. Delikado kasi." Saway ko sakanya at tumango naman siya. Nag-paalam na rin ako na uuwi na ako. Lagpas 10 na pala, patay ako pag-uwi!

'Eh ano naman? Wala naman nag-hihintay sa'yo doon!'

Pero kahit ganon, nagmadali parin akong mag-lakad. Wala nakong oras para gamutin mga sugat ko sa mukha at katawan. Konti nalang naman, tsaka sanay na ako.

Pag-dating ko, sumalubong sakin si Daniel at Wyeth na naka-simangot.

"At saan ka naman galing?" Naka-taas kilay na tanong sakin ni Daniel. "Bakit ka sugat-sugat?"

'Jowa ba kita? Bat ganyan ka? May atraso ka pa sakin!'

"Wala." Matipid kong sagot. Nag-lakad ako palayo nang bigla ako hinatak ni Wyeth. "Ano ba!?"

Hinarap niya ako sakanya, "Tinatanong ka niya." Turo niya kay Daniel. "Kung saan saan ka kasi lumulusot. Pinag-alala mo yung isa diyan."

'Nag-alala? Yan? Weh!'

"Anong nag-alala?" Maang-maangan ni Daniel. Inirapan ko nalang sila. Sayang sa oras.

"Sorry pero mauuna na ako, pagod na kasi ako pwede bang bukas niyo nalang ako bwisiti- ay este kausapin hehe." Sabi ko at umalis na. Wala na silang nagawa pa. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at natulog na.

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon