Chapter 27

30 2 0
                                    

A disasterous birthday part 2

***

"Wait lang, Zellie! Jokie lang naman ih!" Pahabol na sigaw ni Joy pagtapos kong mag-walk out.

'Bahala kayo diyan! Ewan ko sainyo, manigas nalang kayo diyan! Pwe! Pwe! Pwe!'

Naramdaman kong sumunod sa'kin si Haru. Rinig ko pa nga bungisngis niya. Tawanan mo pa ako sige!

Hinarap ko siya nang naka-cross ang arms sa chest ko, "Ano? Tatawa tawa ka nalang ba diyan? Nakakatawa 'yon ha? Ha? Ha?"

"Kalma ka nga lang," sabi niya. Mas lalo lumakas bungisngis niya na ikinairita ko. "Hahahaha! Cute mo!"

"Pwe! Naiirita ako sa'yo!" Sabi ko at tinalikuran ulit siya. Pwersahan naman niya akong hinarap ulit sakanya. "Sino nagsabing gusto kitang kaharap!?"

"Easy ka lang kasi!!" Sabi niya na may malakaw na ngiti sa mukha. Tuwang tuwa naman siyang naaasar ako ngayon, pwes hindi ako natutuwa sakanya!

'Hindi mo manlang ako pinag-tanggol kanina! Mukha akong inaapi roon kanina! Grr!'

"Chill ka lang," sabi niya at pabirong ginulo ang buhok ko. Tinapik ko kamay niya agad at inayos buhok ko. Bahala siya diyan. "Lika na. Bati na tayo."

"Ayaw."

"Bat ayaw?"

"Ayaw!"

"Aww tampo na, baby?"

"Tanginang ang haharot na mga 'to."

Sabay kami napalingon ni Haru sa nagsalita sa tabi namin. Si Kiko nanaman. Bagot na bagot itsura niya, halatang wala siya sa mood at pwersahan lang siyang sinama dito.

"Inggit ka, tol?" Nginisian ni Haru si Kiko. Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Haru.

"Tss."

"Ano bang problema mo?" Taas kilay kong tanong kay Kiko.

"Nakaharang kasi kayo, hindi ako makadaan."

"Ang laki laki ng daanan eh! Ano 'to, hindi ka makakadaan diyan?"

"Oo."

"Anong oo!?"

Napatampal nalang ako sa noo ko. Ang sakit talaga kausap nito kahit kailan! Sakit sa bangs.

'Echosera ka, self. Wala ka namang bangs'

"Dumaan ka nalang nga, kabanas ka!" Sabi ko at hinatak si Kiko papasok sa garden nila Xiana. Mabuti naman at nagpahatak siya agad. Akala ko kailangan ko pa pwersahin pa eh. "Ayan, good! Nakakaintindi ka naman pala eh!"

"Bahala nga kayo diyan." Asar niyang tugon at nilayasan na kami ni Haru. Kibit balikat lang ang tanging naging reaksyon ni Haru.

"Yaan mo na 'yon. Baka dinadalaw. Hahahaha." Sabi ni Haru at tinanggal ang braso niya sa pagkaka-akbay sa'kin.

'Aww'

"Let's go," sabi niya at hinawakan kamay ko. Pinagintertwine ang kamay naming dalawa. Sabay kami pumasok sa garden, kaya lang binitawan niya kamay ko nang bigla kaming lapitan ni Yatzhi at Kenji.

'Aw anobayan! Banas naman ih, bad timing kayo!'

"Laaaaah!" Sa ingay ng bunganga ni Yatzhi, napatakip ako sa isang tenga ko. "Kayo ah! I smell something fishy!"

"Ulam natin kanina isda." Pang-eepal ni Kenji. Basag trip talaga 'to kay Yatzhi kahit kailan!

"Hindi kasi yon! Bobo!" Sabi niya at tinuro kaming dalawa ni Haru. "I smell something fishy sa kanilang dalawa!"

"Ah baka isda rin ulam nila kanina?"

"Ay ang galeng!" Palakpak ni Yatzhi. Kasabay ng pagpalakpak niya ang pagdahan dahan niyang pag-iling.

'Bat ba ang daldal ng isang 'to at basag trip yung isa don? Bad combi! Hahaha!'

"Kayo na ba?" Tanong sa'min ni Yatzhi. Agad ako umiling nang mabilis. "Ay, indenial! Nasa ligawan palang ba kayo? Nakoooo! Jusmeyo!"

"Ang ingay mo." Suway ni Kenji kay Yatzhi. Tumingin tingin si Kenji sa paligid namin. May mga ibang bisita rin kasi si Xiana. "Nakakahiya ka, ang ingay ng bunganga mo!"

"Pake mo? Edi mag-ingay ka rin, tanga." Sabi niya at nag-make face kay Kenji.

'Nakakatuwa. Ang cute nila mag-asaran. Hehehehe.'

"Hindi pa ba mag-s-start yung event?" Pag-sisingit ni Haru sa usapan nilang dalawa. "Kanina pa tayo andito."

"Eto na nga mag-s-start na, kaya nga namin kayo nilapitan para ma-inform kayo." Sabi ni Kenji. Tumingin siya sa orasan niya. "Sakto lang pala, tara na. Doon pwesto natin."

Agad kami nag-punta sa bandang gitnang pwesto. May stage sa harapan ng garden. May fountain sa dalawang gilid ng stage. Ang tables dito ay pabilog at approximately, siguro mga 5 tao kasya roon. Kalat kalat yung ayos niya, pero maganda tingnan.

Nasa iisang malaking garden kasi kami. Ganon kayaman sina Xiana! Magkakasya kahit fifty na ka-tao rito ang papasok. Payaman!

'Sa sobrang yaman, di ko ma-reach. Charot!'

Umupo na kami sa designated seats namin. Katabi namin ni Haru sina Kenji, Yatzhi at Kei. At doon naman sa kabilang table, hindi ganon kalayo sa'min, ay nakaupo ang mga iba pang asungot.

Ang simple pero grande tingnan ng garden nila. Parang ako lang, ganon? Masarap sa mata yung kulay ng mga bulaklak at puno.

'Pero hindi naman ako mahilig sa bulaklak.. nagdadalaga na ba ako?'

Pansin ko lang sa table namin, as usual nag-iingay si Yatzhi at ang bumabasag sa trip niya si Kenji. Etong si Haru naman tamang tawa at bungisngis lang sa gilid.

'Tawa nalang ba talaga maiaambag nito?'

Minsan nga umeepal na rin siya sa conversation ng dalawa, kakampihan niya si Kenji at babasagin nila trip ni Yatzhi. Kaya etong si Yatzhi, mag-isa, walang kakampi.

Sinusubukan niyang kulitin si Kei pero hindi matinag ang loko! Tutok na tutok sa phone niya, ang bilis magtype ng animal.

'Akala ko ba mag-s-start na? Naiinip na'ko, asan na ba si birthday girl!!'

Sumilip ako sa kabilang table out of boredom. Ganon lang din sa kabilang table, pinagtutulungan nila si Zeus. Ang lakas nilang lahat mang-asar lalo na sina Yurielle at Daniel. Si Wyeth naman tahimik lang na namamasid sakanilang lahat.

'Teka, bat parang wala si Kiko?'

Kinusot ko mata ko para makasigurado. Wala talaga siya! Asan yung asungot na 'yon?

Speaking of Kiko, nag-start na ang birthday bash. Andoon si Xiana sa stage. Katabi niya si Kiko while holding hands.

'I don't understand..'

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon