A disasterous birthday
***
Haru's Point of View'That's weird.'
I'm currently staring at her. Sinabi niya talagang one week? Is she okay?
"Two months na ang nakakalipas.." I told her. Lumaki mata niya, parang hindi makapaniwala. Sabog ba 'to? Kung oo, ang lala ng pagkasabog niya.
"Hayaan mo na." Pagbabasag ko sa katahimikan. Dumiretso ako sa pintuan. "Tara na malalate pa tayo."
Buong byahe iniisip ko lang yung kanina. Katabi ko siya pero kahit ganon hindi ko siya nabibigyang pansin. Kinakabahan ako, baka may nagbago sa tingin niya sa'kin. Ayoko maging awkward kami sa isa't isa. Manliligaw pa nga lang ako, may distansya na agad?
Isa pa, hindi rin ako magpapatalo kay Kiko. Obvious naman sakanya na gusto niya si Zel. Hindi lang ako ang nakakaalam panigurado. Isa ang sigurado kong nakaka-alam ay si Zhi.
'Yon pa ba? Daig niya lahat sa chismis eh!'
Kahit anong issue, nalalaman niya. Ewan ko ba don! Madaming tenga, lahat alam niya. Hindi na rin ako magtataka kung malaman niya agad na nililigawan ko na si Zel.
Hayst! Iniisip ko lang naman siya, napapangiti na agad ako. Kainis haha! Ang sarap mainlove, mainlove sa tamang tao.
Although malabo maging kami.. I mean I'm sure hindi magiging kami. I would always see her eyes get excited whenever Kiko appears. Eyes that are only meant for him, but wished it was for me.
Kryzelle's Point of View
Ang awkward ng atmosphere sa kotse na 'to. To be exact, dito lang pala awkward sa likod dahil as usual maingay ang mga asungot. Hindi na bago 'yon.
Gusto ko siya i-try kausapin pero hindi ko makuha yung lakas or will to do so. Hindi parin ako maka-recover sa pangyayari kanina.
'Lecheng court you na yan! Hindi ako basketball court. Joke!'
Sinilip ko kung ano ginagawa ni Haru nang 'di halata. Nakadungaw lang siya sa bintana, tulala rin.
'Ang gwapo.'
Mahina kong sinampal sarili ko gamit ang dalawang kamay ko. Tumigil ka, self! Kasisimula niya lang sa panliligaw sa'yo tas bibigay ka na agad?
Hindi ko rin naman kasi maitatanggi rin. Gwapo, gentleman, at caring si Haru kahit na siraulo, mapang-asar at loko-loko 'yon. Kung tutuosin, boyfriend material siya. Hindi tulad ng isa diyan
Feeling ko tuloy ang tagal tagal namin nasa kotse, bagot na bagot na'ko. Parang akong hindi makahinga sa awkwardness namin dito.
"Huminga ka, mamaya mahimatay ka pa diyan." Nagulat ako sa nagsalita, napalingon ako kay Haru. Nakangiti siyang tumitingin sa'kin ngayon. "Ang uncomfortable mo diyan eh. Ayos ka lang?"
'Kalma, self. Matibay ka, maganda ka. Wag ka magpapaka-marupok.'
"O-Oo." Nautal ako, pakshet! Hindi tuloy kapani-paniwala. "Okay lang ako. Naiinip lang."
Tumawa siya nang mahina. Naka-ngiti parin siya sa'kin hanggang ngayon.
'Tama na please. Asan na ba kasi yung venue? Bat hindi nalang mag-lakad papunta sa'min yung venue?'
"Sorry. Hahaha." Tumawa siya nang mahina. Tinakpan niya yung mukha niya gamit ang kamay niya.
"Bat ka nagso-sorry?"
"Kasalanan ko kung bakit tayo ganito ngayon. I've put ourselves into an awkward position." Sabi niya at sinuklay niya buhok niya gamit ang kanang kamay niya.

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED