Chapter 15

31 3 0
                                    

Baliw ka ba?

***
Kiko's Point of View.

'What on earth is she doing?'

"I believe this is Kiko's pass.." she said, referring to the letter on her hand. Inabot niya yun sa host.

Nag-dalawang isip yung host kung aabutin niya ba 'to o hindi, " And why do you have it?"

"Obviously, it's not mine. You, dumbass." Bulong ko sa sarili ko. Tinitigan naman ako nang masama ng mga alupong na nasa tabi ko.

"I was not aware of the rules and regulations of this event. I stole his pass so that I could attend this event hosted by E&JW entertainment. I'm only a mere fan who wanted to see her idols. I'm Sorry." Mahabang paliwanag niya. Base sa expression ng host, mukhang nauto naman siya ni Kryzelle.

Binitawan ako ng mga alupong at lumapit sa babae, "Kung ganon miss, ikaw ang sumama sa amin." Sabi ng isa at dinala siya palabas ng hall na ito.

Napahawak ako sa sentido ko. Sumasakit ulo ko sa pinag-gagagawa niya. Lumapit naman sa'kin sina Daniel. Sigurado akong marami silang itatanong sa'kin.

"Kiko!!" Sigaw ni Zeus. Kahit kailan, maingay ang bunganga nito. "Anyare, tol!? Bat nasa kanya pass mo? Edi ibig sabihin wala siyang pass? Di ko gets!"

Mas lalong sumakit ulo ko sa mga pinagtatanong niya, "Mukha bang may posibilidad na manakawan ako ng gamit?"

Napa-isip si Zeus, "Nangyari na nga eh."

"Isa kang dakilang tanga." Baling ni Kei kay Zeus. "Ang ibig niya lang kasi sabihin, na nag-sinungaling si Kryzelle at inangkin yung kasalanan ni Kiko."

"First of all, wala akong kasalanan." Pag-tatama ko sakanya.

"Edi asan yung pass mo?" Tanong ni Wyeth.

"Naiwan." Sagot ko. Kumunot naman noo nilang lahat. "What?"

"Anong what? Ang tanga mo! Pota!" Sigaw sa'kin ni Daniel. "Edi bali kay Kryzelle mapupunta yung parusa nang dahil sa katangahan mo?"

"Parang ganon na nga." Casual na sagot ko. Mas lalong kumunot noo ni Daniel at sinimulang minasahe yung sentido niya. "Bakit ba affected ka?"

"Affected ako sa katangahan mo." Sabi niya. Maya-maya nalang, may lumapit samin na grupo ng mga babae. Kasama nila si Zeredy at Xiana.

"Excuse me?" Sabi nung isang bansot. "Kaano ano po kayo ni Zel?"

'Zel?'

"Zel?" Pag-uulit ni Wyeth sa sinabi niya. Tumango si bansot. "Kaibigan niyo ba yun?"

Tumango ulit si bansot at nagsalita yung higante, "Sabihin niyo nalang kung kaano-ano niyo yon at para hindi na tayo matagalan pa dito."

"Demanding amputcha." Bulong ni Yurielle. Rinig parin ng lahat yung sinabi niya. "Kung kaibigan niyo yon, dapat alam niyo kung sino kami."

"Sino nga ba kayo?" Si bansot. "Pake namin sainyo, yung status niyo lang sa isa't isa tinatanong namin."

"Ah, basta complicated." Sagot ni Daniel. Napa-taas naman ng kilay si Malditang Higante. "Mahabang kwento eh, hehe."

"Tsk." Singhal nung Maldita. Natahimik kaming lahat. Lahat ng atensyon namin naka-focus sa iisang bagay lang, panigurado yon.

"Pasaway talaga." Rinig kong banggit ni Zeredy. "Yung dalawang yan nga pala. Mga kaibigan ni Kryzelle yan. Si Joy at V."

Joy daw pangalan nung bansot, yung V yung Maldita. 'Bahala na, makakalimutan ko rin naman mga pangalan ng mga yan.'

Kryzelle's Point Of View.

'Hinga nang malalim, self. Nakaraos ka na rin sa wakas.'

Sandali lang naman ako kinausap nung host. Turns out kilala niya ako kaya no worries. Yun nga lang, naliligaw ako. Hindi ko na alam daan pabalik.

'Lord, bigay ka naman ng sign. Yung obvious please. May pagka-tanga kasi ako.'

After a few minutes of paligoy-ligoy, nakarating na rin ako sa destination ko at yun ay yung hall. Kapapasok ko palang agad ako natanaw ni V at lumapit sa'kin. Kasama nila yung mga asungot.

"Omo! Andito ka na!!" Unang yumakap sakin si Xiana.

"Wah!! Akala ko hindi ka na makakabalik!!" Sabi ni Joy at yumakap sa'kin.

'O.A!'

"Kalma!" Rinig kong saway ni V sakanila. Bumitaw naman sila agad sa'kin at humarap ako kay V. "Musta naman?

"Okay lang." Sabi ko. Ayoko na rin masyadong pag-usapan 'to. Hindi naman big deal. "Icocontinue raw yung event."

Lahat sila na-relieve na okay lang ako at matutuloy yung event. Kararating lang din nung host at pinagpatuloy niya yung event, gaya nga nung sinabi niya kanina.

Lahat sila nagpaparty party sa gitna. Pang club yung pinapatugtog nila sa event kaya ang hyper ng lahat. Ako naman andito lang sa table namin. Wala ako sa mood maki-party. Pakiramdam ko na-drain lahat ng energy ko.

Hindi ko maiwasang di mailang. Pansin kong naka-upo lang din si Kiko sa may table nila, na malapit lang din samin. Ang awkward kasi halos magka-lapit lang kami pero walang kibuan.

'Gusto ko na umuwi, may bagong episode na ng Black Clover.'

"Baliw ka ba?" Nang-iinsultong tanong ni Kiko. Ako pala tinutukoy niya dahil sa akin siya naka-tingin.

'Waw! Ako? Baliw? Ano nanaman trip nito?'

"Kapal." Sabi ko sakanya. Humarap na din ako sakanya gaya ng ginawa niya. Pinwesto niya yung upuan niya paharap sa direksyon ko. "Mas baliw ka. Bigla biglang nagsasalita."

"Baliw ka kasi." Sabi niya sakin. "Bakit mo nagawa yon?"

Napasandal ako sa upuan ko, "ah yon?" Kumuha ako ng tubig sa table at ininom ito. "Trip ko lang."

Humawak siya sa sentido niya, "Baliw."

"Sayo." Biro ko sakanya.

Kumunot noo niya, "Ano?"

"Wala. Joke lang." Sabi ko at uminom ulit ng tubig. Feeling ko mawawalan na'ko ng boses maya-maya.

"Baliw ka nga." Sabi niya at sumandal sa upuan niya. Tinanggal niya na din yung tingin niya sa'kin at hinarap yung upuan niya sa dating pwesto nito. Ganon na din ginawa ko.

'Wala man lang 'thank you'? Ayos ka ah!'

Lumipas isang oras at pa-konti konti abg mga taong umuupo. Sa isang oras na yon, binigay nila lahat ng energy nila sa pag-sasayaw. At mukhang eto na oras para umuwi.

Sa ilang oras na 'yon, napaisip ako. Ano ba purpose ng event na 'to? Kung hinahandle ito ng E&JW, bakit hindi ko sila nakita? Maski Going South hindi ko natanaw, pero hindi ba dapat andito rin sila?

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon