Chapter 10

36 2 0
                                    

Misunderstanding

***

'Ang aga ko nanaman nagising!'

Nagrereklamo ako maaga akong nagising eh wala naman akong gagawin, sakto tinawagan ako ni Joy at pupunta raw sila dito kasama ang Going South at manager nila.

'Humanda sila sakin, yari kayo mga nimal'

Kumilos ako agad, dahil mamaya pag nag-bagal bagalan ako, di ko sila maabutan. Mabuti nang mas maaga ako kaysa sakanila. Kumuha ako ng sweatpants at plain black shirt. Hindi naman na siguro kailangan bonggahan pa, badtrip nako bago magsimula ang araw eh.

Isipin ko palang na magdudusa ulit ako ng isang araw pa dito, nababadtrip nako.

Lumabas nako ng kwarto ko. Lumingon pa muna ako kung saan saan. Gusto kong umiwas sakanilang lahat. Pero badtrip ang tadhana, dumaan si Kiko na may hawak na pie.

"Para sa'yo nga pala." Sabi niya. Aabutin ko na sana yung pie nang bigla niyang dinikit sa mukha ko. "Hahahaha! Babyeee!"

'Asungot. Sinasabi ko na nga ba'

At syempre, bumalik ako sa loob. Inayos ko mukha ko. Mas lalo pa akong na-badtrip.

'Buti wala pa mga bebe ko huhu'

Nag-stay ako sa lobby kung saan daw sila dederetso ng crew nila. 30 minutes na ang lumipas, at may nakita akong bus ng GS na paparating. Agad kong nakita ang Crew, sina V at Joy at ang GS mismo pagbaba nila.

'Bat andito si bruha!?'

"Zeeellliiieee" sigaw ni Joy nang makita ako. Tumakbo pa siya na naka-open wide arms niya para yakapin ako. "I miss youuu!"

"Miss you too!" Sabi ko at yumakap pabalik. Lumapit naman sina V at Zeredy. "V!! Zeredy!!"

"Ingay!" Simangot ni Zeredy. "Miss mo naman ako agad."

Rinig kong suminghal si V, "luh feeling close tss." Sabi niya nang pabulong.

'Problema ng dalawang 'to?'

"May sinasabi ka, Ms. Dy?" Hinarap ni Zeredy si V.

"Mind your own business, Ms. Quison." Pag-mamaldita ni V.

Siniko ko si Joy na nasa tabi ko, "Anyare sa dalawa?" Bulong ko. Umiling naman siya, di niya rin alam.

Bago pa lumala yung initan nung dalawa, nag-paalam si Zeredy na pupuntahan niya ang Going South. Dederetso daw sila sa isang meeting room kasama ang mga asungot.

"Bat niyo kasama si Zeredy?" Tanong ko sa dalawang naka-upo na. Umupo na rin ako sa harap nila.

"Secretary slash manager siya ng Going South." Sagot ni Joy.

'Gagi weh? Bakit parang pakiramdam ko sinabi niya na yan sakin? Or nananaginip lang ako? Ay basta!'

"Musta naman dito? Paradise ba?" Sabi ni V, halatang minomock ako.

"Okay lang. Masarap pagkain, may sariling kwarto. Yun nga lang may mga asungot dito kaya less relaxing." Kwento ko sakanila.

"Hala, may sariling kwarto ka? Sana all!!" Sabi ni Joy na parang namamangha pa. "Doon kasi share kami ni V ng kwarto. Magkahiwalay naman kami ng kama, pero lagi niya ko pinapatahimik at pinapagalitan pag nang-gugulo ako." Sumbong niya sakin, na parang bang bata siya at ako nanay niya.

"Atleast magkasama kayo." Sabi ko. Nag-sigh nalang ako. Nababanas talaga ako dahil doon sa nangyari. I deserve an explanation.

Isang oras na ang naka-lipas. Nagkwentuhan at nagdaldalan lang kami dito hangga't sa kinailangan na nilang umalis. Natapos na yung meeting, pero may part sakin na gusto ko pa sila mag-stay dito. Namimiss ko na sila at ayaw ko nang mag-stay pa dito.

Bago sila umalis, niyakap ko silang dalawa nang mahigpit. Muntikan akong maluha at napansin ni V yon.

"Don't worry Zel. Alam kong kakayanin mo dito. Tawagan mo lang ako pag need mo ng kausap, I'll always find time to catch up with you ha?" Sabi niya at niyakap ako pabalik. Niyakap din ako ni Joy at nag-thumbs up sabay sigaw ng 'fighting!~'

Tuluyan na silang naka-alis, naka-tayo lang ako dito sa lobby. Nakalipas ang limang minuto at naisipan ko na ring bumalik sa kwarto ko. Nakarating ako sa tapat ng kwarto ko, agad akong natigilan.

'Something's wrong and I can feel it.'

Kinabahan ako. Papasok lang naman ako ng kwarto ko, ano masamang mangyayari? Pero once na may maramdaman ako, I'm 100% sure na may mali.

Huminga ako ng malalim, at hinawakan ang doorknob. Binuksan ko ito, at agad na nanghinayang sa nakikita ko.

Kalat kalat yung gamit ko at yung iba ay parang sira na.

Zeredy's Point Of View.

'What an intense meeting.'

Sa pag-upo ko palang, I can feel the pressure building up inside this room. Matalim ang tinginan nilang lahat sa isa't isa, ramdam ko yon kahit nasa gilid lang ako.

"So as you all know, I've  arrange a meeting with you all and I am thankful that you acce-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Kiko.

"Shut up and  don't waste our time." Sabat niya. Grr! Isang sentence palang nasasabi ko, galit na agad! Mainitin talaga ang ulo kahit kailan!
"What do you want?"

"Hahaha!" Lahat kami napatingin kay Lucas na biglang tumatawa mag-isa. "Kiko, as usual, mainitin ang ulo! Hahahaha, I like it!"

'Sis, ang init. Gusto ko na umuwi. Ano ba ichichika natin?'

"Not to be rude, pero can you  please tell us want you want? I don't like wasting my time." Sabi ni Yurielle. Isa pang pinagpala sa pagiging mainitin ang ulo. 

"Oh?" Si Mark naman ang nag-sasalita. "Before that, balita ko may babae kayong inaalagaan dito ah? Sino nga ba ulit yun? Hmm?"

"Don't act dumb as if you have nothing to do with it." Sabat ni Kei. "Alam naman natin na kayo nagpadala sakanya dito sa kumpanya namin."

"Oh? So sinisisi mo kami? Do you have any proof?" Balik sakanya ni Mark.

"Not now but soon." Sabat ni Kiko.

"Hahaha! Ang lakas niyo kami sisihin, wala naman pala kayong ebidensya!" Pang-iinsulto ni Lucas sakanila. Mas lalo nag-dilim paningin nila samin.

Napa-sign of the cross nalang ako, 'Lord, ayoko pa mamatay.'

"Ano nga ba ulit pangalan nun? Hmm, ah Kryzelle!" Si Lucas parin ang nag-sasalita. "Musta naman siya? Inaalagaan niyo ba siya?"

"Okay lang naman, konti nalang mapapalayas na namin." Sagot ni Kiko at ngumisi nang nakakaloko.

"Oh ganon? Bakit naman? Hindi niyo naman ganyan tinrato si Kim ah." Sabi ni Lucas na parang nagmamaang-maangan pa. Napansin ko naman sa peripheral vision ko na todo nang naka-kunot noo ni Kiko. Halatang hindi niya nagugustuhan mga sinasabi ni Lucas. "Oops! Wag sisimangot, tatanda lalo. Hehehe!"

'Bwiset ka talaga kahit kailan, Lucas. Pasakit ka sa ulo ko! Gusto ko na umuwi!'

"Hmm, next time nalang natin ituloy 'to." Sabi ni Lucas at tumayo. Sumunod naman ang sina Mark. "Nice seeing you all. Hmm! Alagaan niyo si Kryzelle huh?"

"We'd be delighted to." Ngumisi si Kiko at umalis, sumunod naman yung mga kasama niya at iniwan kami dito.

'Yes!! I can go home na!'

"Hahahaha! I enjoyed that. Panindigan niyo yan." Pahabol ni Lucas at umalis na rin kasama sina Mark. Ako nalang naiwan dito. Hayst! Nakalimutan ata nila na kasama nila ako! Lagi nalang!

Napilitan naman ako hanapin yung way-out ko, I mean pababa ng Floor na 'to. Ang bibilis kasi! Sa kamamadali ko, may nadaanan akong kwarto na nakabukas pinto. Hindi ko naman intention sumilip pero nang dahil sa ingay napilitan ako.

Nagulat naman ako sa nakikita ko. Sila Kiko 'to na may sinisira at ginugulo na kwarto na halatang hindi sakanila.

'What on earth are you planning, Kiko?'

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon