Chapter 19

30 2 0
                                        

memories bring back memories bring back you

charot

***

"There's someone I'd like to introduce to you all." Panimula ng class adviser namin. Napatingin kami sa lalakeng sinenyasan niyang pumasok. Magulo buhok, Magulo Uniporme, naka-busangot yung mukha.

"Siya yung magiging bagong kaklase ninyo. Please greet him." Striktong usal ni Dragona. Binati naman namin siya, hindi nga lang sabay-sabay at may iba pang hindi nag-salita. "Hay! Bahala kayo! Iho, mamili ka nalang kung saan mo gusto umupo."

'Ano pa ba kasi ineexpect mo, dragona? Last section nga 'to diba.'

Kinuha ko yung librong binabasa ko. Bahala sila diyan, wala akong pake sainyong lahat.

Sa masamang palad, tumabi sa akin yung transferee.

"Tsk!" Sininghalan ko siya, ayoko ng may katabi. Lahat ng tumatabi sa akin pinapaalis ko.

"Hi.."

Hindi ako lumingon sakanya. Pabebe girl ako, hindi ako lilingon.

"Ako si Kiko.." bati niya sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang nilahad yung kamay niya sa harapan ko.

"So?" Mataray kong sabi. Nagulat siya sa inasal ko. Mukhang disappointed pa dahil dahan dahan niyang binawi kamay niya at umupo sa tabi ko. Wala na akong magagawa kung gusto niya dito umupo. Hinayaan ko nalang.

Ilang oras lumipas, halos lahat ng guro namin ayaw na kaming pasukan. Tamad na tamad mag-turo. Paano ba naman kasi, halos lahat ayaw makinig. Kasama na ako doon, nagbabasa lang ako ng mga novels.

Nilapitan ako ni Julia, "Oy, bruha!" Blanko akong tumingin sakanya. Inilapag ko muna sa desk yung libro.

"Ano nanaman ba problema mo?" Bored na usal ko. Gusto ko na matapos yung libro. Malapit na mamatay yung bida.

"Shopping tayo later." Napasimangot ako. Ayoko mag-shopping.

"Aanhin ko yang shopping na yan? Ayoko nga!"

"Hoy, sige na! Kapag ikaw nagpapasama sa Arcade, sinasamahan kita!"

"Choice mo 'yon, kung sasama ka! Eh, choice ko rin na hindi sumama. Bahala ka diyan!"  Inismiran ko siya at kinuha ulit yung librong binabasa ko.

"Sige! Ikakalat ko hentai collection mo!" Napatayo ako.

"Sige!" Sabi ko nang buo ang loob.

"Anong sige?"

"Sige, sasama na ako sa'yo!" Tinawanan niya ako nang malakas. Panalo siya sa ngayon, sa susunod susunugin ko mga damit niya pang-bawi.

"Sino nga pala 'tong katabi mo?" Tukoy niya sa Asungot na nasa tabi ko. Lumingon ako sakanya, mukhang kanina pa siya nakikinig sa amin.

"Ewan." Tipid kong sagot.

"Anong ewan! Ginagago mo ba ako?" Sinimangutan niya ako.

"Mas gago ka. Kanina pa yan andito, ngayon mo lang napansin."

"Gago! Kapapasok ko lang!" Sabi niya. Proud pa siya na pumasok siya ngayong uwian na.  "Introduce mo naman siya sa'kin."

"Julia meet.." tumigil ako sandali. Nakalimutan ko ano pangalan niya. "-kokey. Kokey meet Julia."

"Gaga! Anong kinokokey kokey mo diyan? Mukha bang siyang si Kokey?" Turo niya sa lalake. "Oy, bata! What's your name?"

"Kiko po.."

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon