Gala with ü
***
Super drained ako ngayong araw. Kasisimula palang mag-set yung sun, nararamdaman ko na yung pagod ko.
Hindi naman kasi ako na-inform na aalis kami. As in buong crew. Kasama yung mga asungot. Ang nakaka-sama lang sa loob ko is, late nila sinabi sa'kin. Ngayon lang! Kapal ng mukha nila gisingin ako ng ganitong oras ah.
"Zel, gising na! Aalis tayo!" Kumatok muna sila nung una. Pero nung patagal, yung katok nila nagiging dabog na makakasira pa ng pintuan ko!
'Wala pa naman akong gana magising.'
Mahigit apas na oras lang tinulog ko kagabi. Bumabalik parin sa isip ko yung nangyari sa event.
"Besh, ano trip mo?" Biro sa'kin ni Walter, yung host sa event. Pagkarating palang namin sa isang private na room. Mukhang dito yung place kung saan nag-r-relax ang mga staff. Puro sofa at may mini ref pa dito sa loob. May 40-inch tv na naka sabit sa wall.
Astig ng mga staff diba? Yayamanin eh. Yung may ari ba naman ng kumpanya mismo eh mga big-shots.
Medyo matagal tagal kami andidito sa loob. Nag-kwentuhan din kasi kami tas nagpa-kilala pa siya sa'kin.
"So ano na?" Naiinip na tanong sakin ni Walter. "Bat mo ba kasi nagawa yun! Kaloka ka naman!"
"Akala ko ba kilala mo ako?" Pag-dududa ko sa sinabi niya kanina. "If you know me, you'll know why."
"Ay ganern?" Parang nadidisappoint na sabi niya. Inirapan pa ako. Kinuha niya ang kape na nasa table at hinigop ito. "Makakalabas ka na. Mukhang hinihintay ka na ng mga friends mo."
Edi umalis nga ako. Nakalimutan ko nga lang magtanong kung asan ang daan pabalik.
Nakakabanas, hindi manlang sinabi ni Haru kung saan kami pupunta. Edi ano gagawin ko dito? Tutunganga?
Nag-bihis nalang ako at inabot yung sling bag ko. Wag na maligo, nilalamig ako. Bago ako bumaba sumilip muna ako sa dance hall. Andoon naman sina Yatzhi at Kiko.
Aalis na sana ako nang bigla ako nakita ni Yatzhi, "Uy Zel!" Sigaw niya. "Andito ka pala?"
"Ahh oo, kararating ko lang." Sabi ko at nag-astang tatalikod nang bigla ulit ako tawagin ni Yatzhi.
"Eh? Aalis ka na agad?" Sabi niya habang naka-tagilid ang ulo. Lumapit siya sa'kin at hinatak ako sa Kiko na bored kung umupo. "Dito ka muna, hinihintay namin yung mga iba. Ang babagal kasi eh!"
"Ahh hindi na-" tatalikod na sana ako nang bigla ako hatakin paupo. Akala ko si Yatzhi humatak sa'kin, si kiko pala. Hinatak niya ako para umupo sa tabi niya. "Problema mo?"
"Tsk." Suminghal siya at tumingin sa kalawakan. "Dito ka lang."
"Sungit." Sabi ko at inirapan siya. Tumingin siya ulit sa'kin. "Oh ano nanaman? Susumbatan mo nanaman ako?"
"Daldal."
"Sungit!"
"Baliw."
"Sayo!"
"Ano?"
"Anonas. Bahala ka diyan." Huli ko sinabi at lumipat sa kabilang sofa. Ayoko tumabi sa asungot na yan. Ayan yung pinaka malalang asungot!
"Cute niyo naman!"
"Ano?" Sabay naming inis na tanong ni Kiko. Napatingin kami sa isa't isa, inirapan ko nalang ulit siya.

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED