"ayos ka lang?"
"..."
"huy.."
hindi ko alam ano masasagot ko sa hinayupak na 'to. Kita mo na ngang umiiyak yung tao, tas tatanungin mo kung okay lang? Oo okay lang umiiyak eh!
"Kung kailangan mo ko, tawagin mo lang ako pag gusto mo"
ang lakas ng ihip ng hangin ngayon, yung hanging tumatama sa balat mo masarap sa pakiramdam. Ganito talaga siguro kapag nadedepress ka na.
74 missed calls and 345 unread messages.
ano? Saka niyo lang ako na-mimiss?? Kung kailan hindi nako nagpaparamdam pa? Sige, manigas kayo diyan! Kingina niyo!
Ang sakit sakit ng pakiramdam ko ngayon. Hindi lang nga ata pakiramdam eh. Buong katawan at pagkatao ko. Nakaka-pagod din pala kala ko kakayanin ko. Pati pride kong di ma-lunok lunok dati, na-lunok ko na. Daig ko pa ata broken-hearted
'ay joke broken din pala ako hahahaha'
Lakad lang nang lakad. Lumayo ka kung kinakailangan. Tumakbo ka pa kung gusto mo hehe. Sana pala nakinig ako sakanya dati, edi sana 'di ako naghihirap ngayon

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Novela Juvenil' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED