Chapter 6

48 2 0
                                    

(Un)known

***

'Putcha! I knew it!'

Sabi na talaga eh! Hinding hindi magkakamali instinct ko. Tulad ko rin, nagulat sina Joy at V sa nangyayari. Bago pa man sila makalapit ulit sakin sa bus, inandar na agad ng driver yung sasakyan.

Hindi ko na alam kung nasaan ako or kung asaan kami papunta. Nawalan nako ng pake, ang gusto ko lang is maka layas dito

"Pakawalan niyo na kasi ako, mga ugok!" Pagwawala ko. Sa sobrang gulo ko kasi kanina, nairita sila sakin kaya tinali nila kamay ko para di ako makanira ng gamit.

'Mga ugok! May paa pa ako!'

"Manahimik ka! Di ka maganda!"

'Aray! Masakit!' Pero ano kinalaman ng mukha ko sa sitwasyon ngayon!
Galet nako! Gusto ko na manakit!

Wala rin silbi pagwawala ko, mauubusan at magaaksaya lang ako ng lakas kaya di nako nagtangkang kumawala pa. Umupo nalang ako dito at nagmumuni muni sa sitwasyon ngayon.

'Pero akalain niyo yon, nakidnap nako at lahat ang ganda ko parin.'

Kingina! Gusto ko matahimik na talaga at kumalma pero di ko mapigilan eh. Natatae nako, pero kailangan tiisin. Wala din akong kamay na gagamitin, tinali nila.

Tuloy tuloy yung sasakyan hanggat sa nag-stop over kami sa malapit na gas station. Pagkakataon ko na to, para tumakas!

Tatakas na sana ako nang biglang may humarang sa pintuan. Great! Just great!

Ang yabang pa ng tingin nila sakin, yung tingin na nagsasabi ng "better luck next time."

'Oo, at next time basag yang bungo niyo sakin!'

Naka-balik na ang bawat crew dito at umandar na ulit yung sasakyan. 30 minuto nalang pala kailangan para mapuntahan ang destination namin, agad na pumara yung kotse sa isang matangkad na building.

Nagmumuni muni palang ako dito sa may bintana ng upuan ko, bigla bigla nalang may humatak sakin at kinaladkad ako palabas.

'Teka lang, baka maiwan ganda ko. Slow down naman!'

Ang laki ng building, feeling ko parang ito sa isang mga kumpanya. Pinagmamasdan ko nalang paligid ko habang hinahatak ako nung pesteng mala-guard ng bus papunta sa loob ng building. Pagka-pasok palang namin ay may mga kalalakihang bumati samin. Di ko maiwasang tignan yung lalaking nasa gitna. Si Asungot!

"Zeus?" Naniniguradong tanong ko. Nakaramdam naman ako ng tuwa nung nakilala niya agad ako. "Z-Zeus, ako 'to! Yung magandang binangga mo sa 7-11 noon!"

'Makapal na kung makapal, pero wala eh nasanay nako. Hehe.'

"wah!! Naaalala kita!" Akmang lalapit siya sakin nang bigla siyang hinarangan nitong nasa harapan ko. "Mind telling me why you're handcuffed?"

Bago pa man ako maka-salita, hinatak ako ng guard paloob. Sumunod nalang din yung tatlong asungot. Mabilis at malalaki ang hakbang niya, kaya medyo nahihirapan ako sumunod.

'Damn you 5'4 height!'

Agad kami nagpunta sa isang kwarto na malawak, walang gaanong kagamitan. Eto ata yung room kung saan sila nagppractice ng sayaw, dahil may isang pader na mirror doon sa kaliwa. Astig!

Mayroong mga upuan at couch doon sa pinaka gilid ng dance hall, doon ako dinala ng guard at pinaupo.

"Ehem." Baka kasi nakakalimutan ng guard na 'to na naka tali pa yung rope sa kamay ko. Mukha pa siyang napilitan tanggalin yung rope. Tatakas dapat ako kaso sabi niya wag ko na raw subukan pa.

'Edi wag! Masunuring bata naman ako.'

"Tinitignan mo diyan." Nakasimangot kong sabi kay Zeus, ngayon ko lang napansin na nakatitig siya sakin. Ang ganda ko daw kasi "hoy!"

"Ay butiki ka!" Gulat siyang umasta sa harap ko. Natawag pa akong butiki, ayos pre. "Sorry hahahaha."

'Kingina is this baliw?'

"Gusto ko na umuwiiii." Pagmamaktol ko, wala kasi umiimik samin nakaupo lang yung tatlong gunggong sa harap ko na couch. Pumapagitna sakanila si Zeus.

"Bakit ka ba kasi andito?" Tanong sakin ni Zeus, pero kahit ako hindi ko alam eh.

"Hindi ko din alam sa totoo lang! Nagulat nalang ako nang bigla bigla akong pinigilan bumaba sa bus noon, at dito ako dinala. Papunta pa naman ako doon kung nasaan ang Going So--" Hindi ko natapos banggitin yung buong pangalan ng bandang pupuntahan ko. Bigla ko nalang napansin na sumama tingin nung tatlo. Tungkol sa sinabi ko or sakin, basta ang sama ng tingin nila.

'Ramdam kong magkaribal kayo, wag kayo obvious please. May Instinct ako. Di ako tatanga-tangang bida diyan na manhid. Wag ako!'

Kung ayaw nila ituloy yung usapan, okay lang din sakin. Respeto nalang sa kung ano mayroon sa kanila.

"Tsk." Ramdam kong singhal ni Zeus. Di siguro natutuwa sa nangyayari ngayon, wala pa ngang nangyayari eh. "Saan ka magsstay niyan?"

"D-Dito daw." Kingina mo, self! Wag kang mautal. Kaso di ko mapigilang di kabahan kahit kaunti, paano ba naman kasi. May tatlong asu- esteng lalake sa harapan ko. Ang sama pa ng tingin nila, paano ako di kakabahan. Baka mamaya sakin nila ilabas yung sama ng loob nila sa GS.

"Dito!?" Nagulat ako sa inasta ng lalaki sa kanan ni Zeus. "Tsk. Kawawa ka dito."

'Anong kawawa? Bat ako kawawa?'

"Bago ko makalimutan, ako nga pala si Daniel Zy Vyrn. Leader ng (un)known." Pag-iintroduce sakin nung lalakeng nasa kanan. Kingina, so ito yung (un)known? Bat parang ang konti, asan yung iba?

"Ako naman si Wyeth. Nice to meet you! Sana magkasundo tayo dito." Bati sakin nung nasa kaliwa naman, may hawak siyang plushie na bear. Ang cute.

"You know naman I'm Zeus Kyu Jzuo, ubod ng kagwapuhan. I know. Hehe." Ang hangin! Pakipatay ang aircon! Patayin kita!

Wala rin na kami masyadong ginagawa dito, nagkwentuhan nalang kami tungkol sa nangyari ngayong araw. Halata na sakin pagiging banas at pagod, inofferan ako ni Wyeth na ihatid sa tutuluyan kong kwarto. Nasa 2nd floor kami parehas lang din ng floor yung dance hall pati kwarto ko.

"When you need anything, don't hesitate to call us." Sabi ni Wyeth at ngumiti sakin bago isara pintuan ng kwarto ko.

Malaki laki rin pala yung space, may sarili rin akong CR at may mini-kitchen dito sa loob. Sakto lang para sa akin. Inayos ko nalang mga gamit ko at isa isa inilagay sa Cabinet at drawer. Nakakapagod.

"Lambot." Mahinang usad ko. Kasalukuyan akong naka-higa sa kama ko. Galaxy theme yung kwarto. Gabi na din at naisipan kong matulog na.

'Goodluck nalang sa mangyayari sakin bukas.'

Matibay to ano! Hindi ako bibigay nang dahil sa nangyayari or mangyayari palang.

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon