Contest
***
kulang nalang, sasabog nako.
'Ang hirap pala ng pinasukan ko!'
Badtrip! Peste! Bwiset! Kingina! Sisisiwin my ass!
Buong araw akong namomroblema ano gagawin ko para sa contest. Turns out na TALENT show pala ito. Kaloka! Parang ordinaryong competition lang, pero nahihirapan ako kung ano gagawin ko!
'Ang hirap naman maging maganda pero walang talent!'
Mabuti pa sina Joy at V, may naisip na gagawin nila para sa contest. Si Joy kakanta at gagamit ng uke, si V naman rarampa ata? Modeling ganorn? Tas ipapafilm niya yon samin tas eedit niya.
Sabi niya pa, presence niya lang isang malaking blessing na daw sakanya. Kapal ng mukha kahit kailan, pero totoo naman kasi! Pwede siyang isabak sa Victoria's secret ba 'yon. Basta yung rarampa ka nang bonggang bongga, yun na yon!
Si Joy naman, pinagpala sa boses. Nakaka-inlove kaya jowain niyo na 'to!
Tas ako namang tong si tanga, nakatunganga, walang maisip na talent. Wala naman kasi ako non.
'Pwede bang magsend nalang ako ng cute pic ko? Maganda naman ako, pwede na siguro yon?'
Ilang oras na akong naka-tunganga dito sa kwarto ko, nag-iisip ako ano pwedeng isabak sa talent show na 'yon. Pati pagtitig sa pader, nagiging interesting pag wala ka na magawa eh.
Sa sobrang inis ko, lumabas ako ng kwarto ko. Nakita kong nagsstrum si Joy ng uke niya, habang si V naman ay naka-tutok sa pinapanood niya sa TV.
"Tapos ka na?" Tanong ko sakanya. "Ah. Wow. Sana all."
"Bakit? Wala ka pa bang naiisip?" Tanong sakin ni Joy
"Yaan mo na yan, wala naman yang isip." Sabi ni V, kingina mo! "Madami kang alam, bat di yon gawin mo?"
'Alam kong maganda ako'
Wala talaga ako mapag-desisyunan. Nakaka-frustrate. Sayawan ko nalang kaya sila ng budots, matutuwa kaya sila?
'Hindi tanga! Pandidirian ka lang nila!'
Sa kaiisip ko, 'di ko namalayang nasa labas nako ng unit namin. Nagpatuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maka-punta ako sa isang resto.
'Ganito siguro epekto ng lutang'
Naka-lipas isang oras, naka-alis nako sa resto at lahat. Wala parin ako maisip! Bumalik nalang ako sa condo namin at nagpa-tuloy sa kwarto. Napatingin naman ako sa mga gamit ko.
'Ang kalat'
Badtrip, ngayon ko pa talaga naisipang mag-linis! Pero yaan mo na, nagbabaka sakali akong maka-tulong ito para maka-isip ako ng gagawin sa contest. At hindi ako nagkakamali, nang nakita ko luma kong mic.
'Beatbox!'
"Ready na kayo?" Bati samin ni V, hawak hawak niya ang laptop niya kung saan andoon yung file na isesend niya sa company ng Going South.
Tumango naman kaming lahat, napag-desisyunan naming sabay-sabay kaming magssend ng video naming lahat.
Aaminin kong kinakabahan ako, sana nga lang 'di ako sumablay dahil ilang taon na rin akong 'di nagbbeatbox.
"Welcome back"
' A/N
Sorry guiz, sinadya ko talagang maikli yung Chapter na 'to. Pairalin ba naman ang katamaran hehe.

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED