Mr. and Mrs. WRIELLÈ pt. 2
***
Kasalukuyan kaming nakatayo malapit sa table ng Going south. Ang awkward man pero wala na kaming magagawa since dito kami pinapwesto. Nagkanya-kanya kaming upo, syempre katabi ko si Haru.
'Ano ba meron?'
"Pst." Siniko ko si Haru. "Ano meron?"
"Hindi mo siguro binasa yung nasa letter," sabi niya. "Anniversary ng KAYW at E&JW."
"Eh?" Tugon ko. "What do you mean?"
Hindi niya nasagot tanong ko nang may naghiyawan malapit sa'min. Mukhang may kararating lang.
"Andito na sila!!"
'Sinong sila?'
"Sila yung nagmamay-ari ng parehas na entertainment na pinasukan ng GS at (un)known." Sagot ni Haru nang mapansin na wala ako maintindihan.
"Please welcome, Elle and June Wriellè!" Sabi ng Host. "Please give them a round of applause!"
'Shet na malagket. Nakalimutan ko.'
"Settle down everyone," sabi ni Elle. "I don't know what to say."
'Taenang yan.'
"Has anyone seen my daughter?" Tanong niya sa crowd. Agad niya pinalibot sa'min yung paningin niya. Kinabahan ako sa susunod mangyayari. "There you are, darling!"
'Pakshet. Pakshet. Pakshet.'
Kinilabutan ako nang may dumapo na kamay sa shoulders ko. Kita ko kung paano ako ngitian ng nanay ko.
"Wah! I miss you, my darling!" Sabi niya at niyakap ako nang mahigpit, pinatayo niya ako mula sa kinauupuan ko. Niyakap ko siya pabalik.
"Nice to see you too, mom." Reply ko. Naramdaman ko ang mga confused na tingin sa'kin ng mga asungot.
Nangunguna sakanila si Zeus na nakanganga nang matindi.
"Hi, sweetie." Lumapit sa'min si Dad at nakiyakap. "Missed you too."
"Same, dad."
---
"Excuseee meee!? Please explain!" Nangibabaw ang boses ni Yatzhi sa private room na kung saan kami pinadala nila mom. Kasama ko lahat ng asungot, pati rin sina Joy. Kumpleto silang lahat.
"Hindi niyo ba alam?" Taas kilay na tanong ni V.
"Wala naman nagsabi." Diin ni Kenji.
"So?"
"Bakit ka ba nangengealam? Kasali ka ba?"
"Excuse me? Watch your mou--" hindi natapos ni V ang sasabihin niya nang takpan ni Zeredy ang bibig niya.
"Hayaan mo na siya, wag mo na patulan." Suway niya kay V. Pinandilatan niya nalang lamang ito ng mata.
"Anak ka pala nila..." hindi makapaniwalang sabi ni Zeus.
"Oo nga, paulit-ulit?" Inis na sagot ni Joy.
'Bat kayo sumasagot. Ako tinatanong diba??'
Umupo ako nang pabagsak sa couch dito. Tinaas ko ang isang paa ko sa coffee table sa harap.
"Siga na siga." Sabi ni Xiana at tumabi sa'kin.
'Lumayo layo ka sa'kin, nandidilim paningin ko.'
"Ano full name mo?" Direktang tanong ni Daniel sa'kin.
"Kryzelle Annthea Yvonne Wriellè." I said proudly. Taas noo kong sabi sakanila.
"Shet haha." Sabi ni Wyeth. "Hindi ko inexpect hehe."
"Ako rin eh." Sabi rin ni Yurielle. Tumango naman yung iba at sumang-ayon sakanila. Tanging hindi umagree ay sina Kiko at Haru.
"Oh ano, magpakilala na rin kayo--" tukoy ni Yurielle kina Joy at V. "Mamaya, kayo rin tulad niya. Tsk."
"Not really... " ani Joy nang naka-pout. Kalagitnaan ng pag-uusap ay mayroong bumukas na pintuan.
'Lord, give me the strength to deal with my mother. Amen.'
"Darling!" iyan ang unang lumabas sa bunganga ng nanay ko. "My darling! How are you?"
"Saks lang," sabi ko. Agad na umayos ng tayo at upo ang mga asungot, pati sina Xiana at Zeredy.
"Hi tita!" Masiglang bati ni Joy. Sinamaan agad siya ng tingin nila Kenji.
"Joy, sweetie! How are you!?" Sabi ni mom at pininch cheeks niya. Gano'n din ginawa niya kay V pero agad nito hinawi ang kamay niya. "Hmp. Hindi ka nagbago, Julia dear.."
"Julia?" Nalilitong sambit ni Zeus.
"First name niya 'yon," sabi ko sakanya.
"Eh!? May isa pa siyang pangalan!?"
'Ah hindi, wala. Kasasabi ko lang nga eh!'
"Kamusta na kayo, anak?" Nakangiting bati sa'kin ni Dad. Lumapit na rin siya sa'min at doon siya sa tabi ni Mom pumwesto. "Heard you were doing well?"
"Yeah-"
"Share mo lang?" Sabi niya at sinamaan ko ng tingin. Mabait 'to minsan. Kaso minsan nga lang.
'Okay lang yan, self. Ilang oras na lang makakauwi ka na.'
"Are you all doing well?" Masiglang tanong ni Mom sa lahat. Tumango naman kami. "Good! Hihi."
"Tita, paano na nga po pala yung problema?? Kailan po makakalipat si Kryzelle sa E&JW?" Nagtatakang tanong ni Joy. Lahat kami ay tumingin kay Mom. Napanguso si Mom at parang nag-iisip nang malalim.
"Do you really need to move out of KAYW?" nagbabakasali niyang tanong. Tumango ako dahil ayaw ko nga doon sa KAYW. "You do realize its now your company?"
Tumango ulit ako. Napabuntong hininga nalang ako. Lately ko lang narealize na sa'kin pala nila pinangalan yung kumpanya. Sa pagkaka-alam ko, iba yung pangalan nito dati at iisa lang yung kumpanya ng E&JW at KAYW.
"You shouldn't leave." Biglang sabi ni Dad sa kalagitnaan ng katahimikan. "Soon, this company will be fully entitled to you. But for now, we will still be monitoring it."
"What if.." tumigil ako saglit. "What if I don't want this company?"
Isang mahabang katahimikan nanaman ang bumalot sa buong kwarto. Walang nagtangkang magsalita.
"I guess I don't really have a choice.." I confirmed. " or Do I?"
"Kaya mo yan!" Pagbibigay suporta ni Joy. Nilapitan niya ako at inalog alog balikat ko. "Andito naman kami para suportahan at tulungan ka, donchu worry!"
"Yeah, right," V agreed. Humarap siya sa'min. "Don't worry, Tita Elle. She'll accept this company sooner or later. Hindi lang nag-s-sink in sa utak niya na sakanya na ito."
Ngumiti ako dahil sa sincerity nilang dalawa.
"Wala naman kasing utak." Dagdag niya. Binabawi ko na ngiti ko! "joke!"
"Ewan ko sa'yo, kabanas ka! Okay na sana."
"Oh, awat! awat! Dito pa talaga kayo magrarambulan?"
"Siya kasi eh!"
"Joke lang sabi eh."

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED