Chapter 20

32 2 0
                                    

Past memories

***

"5, 6, 7, 8-- mga tanga! Hindi ganyan!"

Kasulukuyan akong nanonood ng rehearsals ng mga asungot. Mga dalawang oras na akong nakatambay sa dance hall. Nakaka-impress rin pala dahil kahit mga siraulo sila, ang gagaling nila sumayaw!

'Marunong kaya sila mag-beat box?'

"Ayusin niyo na kasi!" Sigaw ni Kenji. Pinatugtog niya ulit yung song mula chorus. Nag-formation na sila pero hindi parin nila inaayos yung sayaw. "Mga depungal! Ayoko na"

Pumunta sa harapan si Yatzhi, "Kawawa naman si Kenji, guys.. Asarin niyo pa lalo." Tumawa siya dahil sa expression ni Kenji.

"Joke lang eto naman!" Bigla niya binawi sinabi niya nang simangutan siya ni Kenji. "Zel oh! Si Kenji, 'di mabiro! Pikon kasi ih!"

Nagulat ako nang bigla niya akong tawagin, "Luh. Anong kinalaman ko diyan?"

"Wala lang hehe."

"Wala kang mapapala kung mag-susumbong ka diyan. Paano ba naman kase, pikon rin. Baka nga si Kenji pa kampihan niya."

Humarap ako kay Kiko na nag-salita, "Aba aba aba! Nagsisimula ka nanaman?"

"Ayan!" Nag-clap siya. "Ayan ang pikon, hindi pa nag-sisimula ang asaran, napipikon na agad."

Tumayo ako para lapitan siya. Humanda ka sa'kin pag nakalapit ako sa'yo, pipisilin ko utong mo.

"Seryoso na! Wala pa tayo sa kalahati ng Choreo!" Saway ulit ni Kenji. Lumingon siya sa'ming dalawa ni Kiko. "At kayong dalawa, mamaya na kayo mag-landian."

"Oo nga. Get a room!" Bulyaw ni Yatzhi, dahilan para mag-hiyawan ang mga asungot.

Napa sapo nalang ako ng noo. Kadiri!! Virgin pa ako, at hindi ko type si Kiko.

"Pst." Siniko ako ni Kiko. Napalingon ako sakanya. "Kaninong kwarto? Sa'yo o sa'kin?"

'Gago ka, Kiko!!'

"Pwede naman sa'kin per-- aray! Masakit, huy joke lang!" Hinimas himas niya yung braso niyang kinurot ko. Masakit ako manuntok pero mas masakit ako mangurot.

"Banas! Bahala ka diyan." Lumayo ako sakanya at umupo nalang sa sofa. Magsisimula na kasi ulit sila mag-practice. Lalapit dapat sa'kin si Kiko, kaya lang hinatak siya ni Kenji papunta sa pwesto niya kaya wala na siyang magawa.

Nagsimula na silang sumayaw. Aaminin ko ang gwapo naman pala nila. Umabot ng chorus, napatingin ako kay Kiko gamit yung malaking mirror doon sa harap nila. Diba halos lahat naman ng dance room may ganong mirror??

Late kong narealize na tapos na pala yung song. Nakatulala nalang ako dito.

"Isara mo yan, may langaw na papasok."

Sinimangutan ko siya, "Ang epal mo, Haru."

Tinawanan niya lang ako at umupo sa tabi ko. "Kamusta naman rehearsals namin? Ayos lang ba?"

"Oo." Sumubo ako ng cookie. "Magaling naman pala kayo sumayaw."

"Inlove ka na sa'kin niyan?" Nilapit niya mukha niya sa'kin. Muntikan pa ako masamid kahit wala akong tubig na iniinom.

"Lumayo ka sa'kin, pipisilin ko utong mo." Banta ko sakanya. Mukhang natakot dahil nilayo nga niya sarili niya sa'kin.

Lumapit agad lahat ng mokong sa sofa na inuupuan namin. Lahat sila ang sasabog na, ang dudugyot na. Pawis na pawis silang lahat.

"Maligo na kayo. Ang babaho niyo na." Sabi ko sakanilang lahat. Napatingin ako kay Zeus na inaamoy sarili niya.

'Uto uto talaga kahit kailan.'

Nag-kanya kanya na silang alis. Nag-paalam sila sa isa't isa na maliligo nga sila, aalis din daw kasi sila mamaya. May pupuntahan ata.

Aalis na din dapat ako nang bigla akong nilapitan ni Wyeth.

"Uy Wyeth!" Binati ko siya. Gayundin siya sa'kin. "Ano yon?"

"Kasama ka ba mamaya?" Tanong niya. Napa-tilt ako ng ulo ko. Anong meron mamaya? "Mukhang hindi mo alam."

"Ano yon! Ano meron mamaya?"

"Ah. Anniversary ng KAYW." Sabi niya. Bakas sa expression kocna naeexcite ako. "Sama ka?"

"Oo naman!" 'Bat naman hindi? Makikita ko na ulit sila!'

"Excited na excited ah?" Napalingon ako sa kaliwa, kung saan kalalapit lang ni Daniel.

"Di naman.. sakto lang!"

Umalis na ako agad. Nagpaalam naman ako. Inaantok pa kasi ako, ang aga ko nagising kanina. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Binagsak ko sarili ko sa kama ko nang walang bihis bihis. Sumasakit rin ulo ko sa hindi malaman na dahilan.

"Tapos ka na ba?" Iritadong tanong ko kay Julia. Nakailang pabalik balik na siya sa counter.

"Wait lang, ilan nalang tapos na ako mag-fit." Sabi niya at pumasok ulit sa fitting room. Ang dami niyang dalang damit!

"Bilisan mo! Nagugutom na ako!" Sigaw ko. Ilang oras na kami nasa mall ng bruha na 'to. Kasama rin namin si Kokey. Mukhang naiinip na nga eh. Tumingin ako sa gawi niya. Nakatulala lang ang lelang niya.

"Hoy." Hindi niya ako pinansin. "Hoy!"

'Ay ang galing! Matibay tumulala ang isang 'to.'

Bahagya pa siyang nagulat sa inasta ko, "Ano yun?"

"Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot!" Saway ko sakanya. Mukha pa siyang nakonsensya dahil hindi niya ako sinagot agad. Napaka-sensitive na bata! "Oh wag kang iiyak ah?"

"Hindi ako iiyak!"

"Talaga?" Pang-aasar ko sakanya. Nag-kulitan nalang kami rito ni Kokey habang nagpapalit ng damit ang balyena. Madali lang siya asarin. Ang saya niya pag-tripan, buti nalang pala sinama siya ni Julia kung hindi mamamatay ako dito sa kahihintay.

Lumipas ng isang oras, tapos na rin siya magsukat ng damit.

"Wow! So fast! Unbelievable!" Sabi ko at pumalakpak. Ngumiwi nalang siya sa'kin at dumiretso sa cashier para mag-bayad. "Ay ang galing, nanguna!"

"Halika na Kokey, iiwan tayo ng balyena pag nag-bagal bagal ka diyan."

"Kokey?"

"Huy pre, bakit hindi ka sumasagot-- puta!"

"Huy! Humihinga ka pa ba? Huy, Kiko! Gumising ka!"

"Hindi na ako natutuwa sa'yo, akala mo ba nakakatuwa 'tong biro mo! Ano ba! Umayos ka!"

"Kryzelle! Umayos ka! Hindi na ako nakikipag-biruan sa'yo, gumising ka! Kryzelle, ano ba!?" Paunti onti kong dinilat mata ko, at agad bumungad sa harap ko ay ang isang asungot na nangingilid na ang luha.




When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon