Chapter 18

27 2 0
                                    

soft side

***

'Bwiset na asungot na yan!'

Pagtapos niya akong iwan dito, dumiretso ako sa bench na malapit sa timezone. Bahala kayong lahat diyan, ang sakit ng wrist ko. Hindi lang wrist nga masakit eh, parang natatapakan ego ko.

Tumingin ako sa wrist ko, kanina pa namumula. Feeling ko may pumutok na veins diyan. Hinimas himas ko yung wrist ko, baka sakaling mabawasan pagka-manhid. Ang sakit kasi ng grip sa'kin ng asungot na yon.

Nakakabanas! Akala mo kung sino, maka-utos siya sa'kin na wag ko daw lapitan yon? Pwes, mas lalo akong didikit dikit kay Lucas. Kala niya!

Tumayo ako at nag-lakad papunta sa pinaka malapit na ice cream shop. Naalala ko lagi akong bibilhan ni mami ng Ice cream tuwing malungkot ako nung bata ako.

"Isa nga pong Choco Hazel in a cup. Pakidagdag ng sprinkles!" Sabi ko sa cashier at inabot bayad ko. Naghintay ako mga 2 minutes lang naman at binigay na sa'kin order ko. Lumabas ako ng ice cream shop, at nag-lakad lakad habang kumakain ng ice cream.

Pumunta ako ng garden, pero hindi ako prepared nang may biglang nag-takip ng bibig ko. At sa 'di malamang dahilan, nahihilo ako sa amoy at nawalan ng malay.

"Zeze! Sama ka?" Yaya sa'kin ni Drake. Lumingon ako sakanya at binaba ang binabasang libro.

"Saan? Anong meron?" Tanong ko. Hindi pa niya sinasagot tanong ko nang bigla niyang hatakin kamay ko patayo. "Hoy! Sagutin mo muna tanong ko!"

"Basta, mag-eenjoy ka dito!" Hinatak niya ako palayo at naglakad nang mabilis. Mukhang atat na atat siya, ang bilis ng hakbang niya. Hindi ako makasabay, good thing nakarating na agad kami sa kung ano man binabalak niyang puntahan.

"Sa Bar? Ano ginagawa natin dito?" Takhang tanong ko, pero hindi niya ako pinansin at hinatak ako paloob. Entrance palang, rinig mo agad kung ano nangyayari sa loob.

Sa totoo lang hindi ako fond sa mga bar, umiinom ako pero I'd rather stay at home. Kinakabahan ako dahil bigla akong iniwan ni Drake dito malapit sa bartender.

"Miss." Mukhang ako tinawag ng bartender, lumingon agad ako sakanya. May hawak hawak siyang drink. "Pinapabigay po nila sa'yo."

Nagtataka akong tumingin sa drink, "Sino nagbigay?" Lumingon ang bartender sa mga grupo ng kalalakihan sa dulo at naka-tingin sila sa'kin. Creepy.

Umiling ako sa bartender at ngumiti. Mukhang nakuha niya naman agad kung ano pinapahiwatig ako. Tinabi niya na yung drink na hinanda niya pero mukhang disappointed siya dahil hindi ko manlang tinikman yung drink na hinanda niya.

Makonsensya man o hindi, 'di parin ako mag-rrisk na i-take yung drink na 'yon. Mamaya may, lason na nilagay yung bartender dahil utos ng mga lalakeng 'yon.

Maya-maya, while drinking lumapit sa'kin yung grupo ng mga lalake.

"Hey there." Sabi nung isang naka-shades. Nasa loob ng bar, mag-sshades ka. Buang.

"Wanna dance with us?" Sabi nung isa pang naka-fur coat. Isa pang buang, ang init-init eh.

"No thanks." Sabi ko, pero hindi sila natuwa sa naging response ko kaya finorce nila akong hatakin patayo. "Mga pare, Sinabing NO diba? Mahina ba kokote niyo at hindi niyo maintindihan 'yon?"

Hinawakan ako nung isa nang mahigpit sa cheeks ko, "Hindi maganda sa babae ang ganyan manalita." Napasara ako ng mata nang palapit siya nang palapit sa'kin, akmang hahalikan ako nang may narinig ako kumalabog at napa-bitaw yung lalake sa'kin.

When I was your fanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon