Asungot
***
'Panibagong araw, panibagong katarantaduhan nanaman'
Akala ko ako pinaka excited sa lahat, may mas lalala pa pala. Kagigising ko lang pero mga nakabihis na yung mga bruha sa silya.
"Ano bayan! Ang tagal mo, bilisan mo na maligo!" Sigaw sakin ni V, inirapan pa ko ng bruha! Ganyan talaga yan, mataray tas masungit. Sarap tusukan ng mata! "Hurry up!"
'Kalma lang ssob, mahina kalaban!'
Agad naman ako kumuha ng panlakad ko at dumiretso sa CR. Napagkasunduan rin naming theme namin ay hoodie. Every time kasi na may occasion nagkakasundo kami na triplets kaming tatlo, cute namin diba?
Mabilis naman ako maligo, isang oras lang. Di naman sila siguro maiinip pag nag-concert muna ako ng sarili dito hehe.
Pinlay ko spotify playlist ko na title ay 'shower'. Eto yung mga kantang bet na bet ko choreography tsaka mga faves ko! Now playing.. mamamoo: hip!
Lumipas na isang oras, nagmadali ako lumabas ng Cr at kita ko na agad pagbukas ko ng pinto, andoon si joy na mukhang kanina pa naka-abang sakin. Mukhang galit.
"So slow!!" Galit nga. "Hurryyy, Ubos na piattos ko hmp."
Pumunta agad ako sa kwarto ko para magpalit. Orange na hoodie, shorts at sneakers lang naman susuotin ko. Yung sa buhok ko naman, mag-bbun nalang ako pero di ko isasama yung bangs hehe.
Si Joy naman naka hoodie na purple, shorts at boots. Si V.. pota malupet, naka croptop na hoodie kulay red tas shorts na naka boots rin si gaga pero aabot hanggang tuhod niya. Nagkulot pa ata ng buhok!
Nang naka-ready na ang lahat, dumiretso na kami sa kotse ni V. Doon ako sa backseat lagi umuupo, at doon si Joy sa tabi ni V. Ayaw ko lang kasi ng may katabi kasi lagi ako naka-bukaka hehe.
Ilang oras na lumipas, medyo malapit-lapit na din kami. Kaso biglaang binuksan ni Joy yung pinto ng kotse at lumabas.
'Gagang 'to!'
"Walangya! Magpaalam ka naman sana kung gusto mo na magpakamatay!" Sigaw ni V. Doon pala siya sa 7-11 papunta, naubusan siguro ng piattos.
Naisipan ko na ring bumili ng inumin at pagkain ko, sakto nagpa sabay si V ng bibilhin niya. Kape daw.
Mabilis ako kumilos nakuha ko na lahat ng dapat kong makuha. Magbabayad na sana ako nang biglang may asungot na nabitawan yung iniinom niyang tubig at sa mukha ko dumiretso
'Kingina this!'
"Ano ba!" Sigaw ko sa mukha niya, bahagya pa siyang napa atras sa sigaw ko. Doon ko palang pinamasdan mukha niya. Mukhang koreano hala!
'Hehe joke lang kuya, benebewe ke ne. I forgive you na!'
"Sorry po! Di ko sinasadya!"
'Okay lang! Tumayo ka na diyan! Peste!'
Sasabihin ko sana sakanya na okay lang at pinapatawad ko na siya, kaso si asungot biglang lumuhod!
'Pinagtitinginan tayo ng mga tao hoy! Baka isipin nila nag-ppropose ka na sakin, ayoko pa mag-asawa!'
Sinamahan ko siya sa pag-luhod, pero dahil iaangat ko na siya diyan sa pwesto niya. Pinwersa ko mga buto ko para lang mabuhat si asungot.
"Sorry talaga..." paulit-ulit? Sirang plaka? "Lika dito libre nalang kita."
"Ano munang pangalan mo?" Pasimpleng tanong ko sakanya, yaan mo na para mastalk ko to sa facebook.
"Zeus"
"Ang bilis ah?" Simangot sakin ni V. Nagkwentuhan pa kasi kami ni Zeus saglit bago ako makapag-bayad hehe.
"Asan na kape ko?"Nakapag-settle na kaming lahat. Si Joy may piattos na. Si V may kape na. At ako napagod sa nangyare kanina.
Kalalakeng tao at napaka bigat pa! Ako pa nagbuhat sakanya!
Mabilis lumipas ang oras, nakarating na agad kami sa pupuntahan namin. Mabilis nakahanap ng parking si V, eagle eyes eh.
"Tabi mga bobo!"
"Excuse us!"
"Yung piattos ko, malalaglag!"Kanya-kanya na kaming sigaw dito para maka-daan. Ganon talaga buhay. Nagsimula agad yung concert. Solid! Di ko namalayan nga na nakaka-ilang oras na kami dito. Ganon talaga siguro pag nag-eenjoy ka, di mo namamalayan yung oras.
'Holy Carabao!'
Agad kong kinuha camera ko at zinoom ito sa Going South. Hindi nemen eke nainformed na may hubarang magaganap!
"Asan na ang pandesal!!" oo nga, asan ang pandesal!! Lumingon ako para hanapin sino sumigaw non, lalake pala!
'Kalma self, di to yaoi. Wag ka mag-imagine ng kung ano-ano!'
"Announcement!"
Nagulat halos lahat saamin nang may biglang sumigaw ng announcement sa harap, wala na pala ang mga bebe ko!?
Nakinig naman na kaming lahat. Pero sa hinaba haba ng sinabi ng announcer na 'to.. wala akong naintindihan hehe.
Isa nga lang naintindihan ko eh, 'di kasi ako nakikinig. Busy ako hinahanap mga bebe kong nilayasan agad kami. Binalita lang ng announcer na 'to yung tungkol sa contest kineme? Kung sino may gusto sumali, at kapag nanalo may chance makilala ang going south at sumama sa tour nila! And pwede raw na i-check ang info sa website at social media accounts nila para sa details ng contest, di kasi niya inexplain.
Nakaka-excite! One thing is na sigurado ako, ay sisisiwin ko tong contest na 'to! Kasama sina V at Joy, na halatang di rin magpapatalo.

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED