Sino ka ba?
***
As usual, maaga ako nagising. Ang baho ko na tas nagpa-pasa yung mga sugat ko. Hindi na kasi ako sanay sa suntukan.
'Pero natalo ko naman sila hehe.'
Mabuti nalang at naka-raos ako doon. Kundi, dead ball nako ngayon! Niligpit ko higaan ko at dumiretso sa CR. Natatae na ako.
Mabilis ako naka-tae. Naligo na rin ako at nag-ayos. Yung normal na pambahay lang. Mukhang tao pa naman ako na naka gray sweatpants at oversized gray shirt.
Nagpapa-tuyo ako ng buhok nang biglang may kumatok sa pinto ko. Tumayo ako agad para tingnan kung sino yun. Staff pala ng kumpanya.
"Miss, hinahanap po kayo sa baba." Sabi niya at umalis agad. Hindi ko manlang natanong kung sino. At bakit parang nagmamadali siya umalis? Ayaw niya ba sakin..
Wala akong nagawa. May humahanap sakin sa baba edi bumaba ako. Andoon pala yung babaeng niligtas ko kahapon.
"Kryzelle!! Hello, goodmorning!" Bati niya sakin habang kumakaway. Kumaway na rin ako. Palapit palang ako nang bigla niya akong niyakap at hinatak palabas ng building.
'Teka lang! Madaling madali?'
Hinila niya ako palabas ng building na parang bang may iniiwasan. 5 minuto na kami naglalakad nang makarating kami sa isang familiar na sweets shop.
'Dito ako nagtatrabaho ah!?' Hindi naman literal na dito, pero isa ito sa mga branch ng store na pinagtatrabuhan ko.
"Hm? Bakit? Familiar ka ba sa store na 'to?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako. "Ow! Ako kasi favourite ko tong shop na 'to. Ang sarap ng mga cake na tinitinda nila. Hehe."
'Hehe nice one.'
Tumuloy kami sa loob at nag-hanap ng magandang pwesto. Malapit sa bintana. Nag-presinta naman siya na daw mag-oorder at siya na rin daw gagastos. Bilang pasasalamat daw niya sa pag-ligtas ko sakanya.
Bumalik siya agad na may hawak na dalawang Choco Nutella Cake at Nutty-Fruitty Shake. Not bad na combo.
"Paano mo nga pala ako nahanap?" Tanong ko sakanya. Kinuha ko yung isang cake at sinimulan kainin ito.
'Aga-aga, nag-d-dessert kami? Asan ba utak namin..'
"Pauwi na rin ako nun, tas nakita kitang naglalakad papunta sa loob ng KAYW entertainment ih." Sabi niya. Pero hindi ko maiwasan na di mabigla sa huli niyang sinabi.
'KAYW ent? Eh initials ko yun eh!'
"Huy, Kryzelle. Okie ka lang?" Nag-aalalang tanong niya. Nabigla din siya siguro sa naging reaksyon ko. "Bakit ka nga pala nasa KAYW ent?"
'Hayst, ewan ko ba.'
Kahit ako hindi parin siguro sa mga nangyayari, pero tinry ko parin best ko ikwento sakanya. Kahit medyo malabo, tinatry ko ipaintindi sakanya. Mukhang na-gets naman din niya.
"Sana all." Una niyang sinabi matapos ko mag-kwento. 'Abno! Anong sana all? Abno!' "Hehe, idol ko kasi sila."
"Yung mga asungot na yon!? Idol mo!?" Gulat na sambit ko sakanya. Nagulat naman siya sa naging reaksyon ko. "Wala.. Hayst"
'Kung alam mo lang'
Napa-tagal kwentuhan namin dito sa Zeluswitz. Nakaka-isang oras na kami dito. Nalaman ko rin na kapatid siya ni Zeredy. At matagal niya nang kilala yung mga asungot. Kinwento ko na rin sakanya mga pinag-gagawa nila sakin. Naniwala naman siya agad na pinag-taka ko. Ang sabi niya may tiwala daw siya sa mga bawat salita na sinasabi ko. Weirdo.

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED