Mr. And Mrs. WRIELLÈ
***
'Ang boring.'
Ilang araw ang lumipas, mga tatlong araw na ata, mula nung birthday party ni Xiana. Wala man lang ganap na bago.
Bagot na bagot ako lagi naghihintay sa kwarto ko. Kailan ba kasi ako makakalayas dito? Hindi na ako nakapunta sa Going South!
'Kasalanan naman kasi 'to ng management ih! Ano bayan! Kabanas!'
Nakahiga lang ako sa kama ko. Bagot ako tumingin sa orasan ng phone ko. Ang aga pa pala, pero pakiramdam ko ang tagal ko nang gising.
Napaisip ako, ako lang kaya yung walang ginagawa? Kasi kung titingnan mo, busy ang mga asungot dahil nga mga idol sila, magpeperform sila at kakanta. Mga ganon.
Ganon din sa Going South. Sina Joy at V naman, minsanan ko lang maka-chat. Si V lang lagi nagrereply sa'kin. Sabi niya lagi na raw busy sa phone si Joy.
'Pag eto talaga may lovelife na, kukutusan ko 'to!'
Bumalik ako sa reyalidad nang may kumatok sa pintuan ko, "Pasok!"
"Hindi ka naglolock ng pinto?" Bungad sa'kin ni Haru. Dahan dahan siyang kumilos, hinubad sapatos niya at sinara pintuan ko.
"Tinatamad ako." Tanging nasagot ko sakanya. Umupo ako sa kama ko nang pa-indian sit. Ginaya ako ni Haru, nakaharap siya sa'kin.
"Labas tayo," yaya niya. Nagtataka ako tumingin sakanya. Nakapatong ang ulo niya sa kamay niya. Naka-titig lang siya sa'kin.
'Wait lang, matutunaw ako.'
"Saan?" I wondered. Tila siyang tumingin sa kisame na parang napa-isip.
"Ice cream house?"
oh, god.
"why?" Naging balisa siya sa naging mapait kong reaksyon nang marinig ko ang sagot niya. Umayos siya ng upo at inilapit mukha niya sa'kin. "What's the matter? Ayaw mo ba ron?"
"Hindi naman sa ayaw.."
"Oh?"
"Ah, basta." Dinaan ko nalang sa tawa kahit halatang peke 'to. Wala naman siyang magagawa 'pag ayaw ko parin sabihin. "Tara, ice cream house."
---
kinagabihan, kauuwi lang namin galing sa ice cream house. We had fun, nagkwentuhan kami magdamag and I enjoyed it genuinely. Pabagsak ako humiga sa kama ko. Pagod na agad ako, 'yon palang naman nagagawa ko?
Pipikit palang ako ng mata ay may bigla nanamang kumatok, "Pasok!"
"Ma'am," sambit nung staff at may inabot na letter sa'kin. Umalis siya agad pagtapos niya ibigay sa'kin yung letter.
Ang haba ng letter, tinamad akong basahin kaya hindi ko na tinuloy. Yung nabasa ko lang is may party nanamang aattend-an mamayang hating-gabi.
'Ang weird ng trip ng mga party nila, ayaw talaga nila agahan?'
Hindi naman din sinabi kung anong attire, or kung hindi ko lang nabasa, siguro mag-aadidas pants nalang ako tas fitted crop top.
'Wow, kala mo sexy eh.'
Pa-talon akong tumayo mula sa kinahihigaan ko at dumiretso sa CR para maligo. Pagtapos ay nagpalit na ako ng attire ko. Humiga muli ako sa kama ko at tiningnan orasan ko.
alas-nuwebe palang. Marami pa palang oras na natitira. Kakalikutin ko nalang siguro kung ano man makalikot ko rito.
Pinalibot ko ang aking pangitain, tanging galaxy themed room lang talaga ang meron sa kwarto na 'to. Kahit na gustuhin ko ikutin yung building, ayaw ko makita si Kiko-- este lahat ng asungot.
'Syempre, maliban kay Haru.'
Lumipas ang mga ilang sandali, tinawag na nila ako para umalis. Inantok siguro ako non kaya bumilis ang oras kasi nakatulog ako, slight.
Dating gawi, si Haru parin naman katabi ko. Hindi mababago 'yon. Kaya lang masyado akong inaantok para pansinin siya. Halos lahat nga sila bagsak mga balikat eh. Ewan ko ano nangyare sakanila, pagod sa practice siguro yan.
Tulog na silang lahat maliban kay Kei. Kitang kita ang repleksyon ng phone niya mula sa bintana. Ang dilim kasi kaya parang malakas brightness niya.
'Pati ba naman 'to may jowa na? Ay jusko.'
Sandali lang ako naka-iglip, nakarating na kami sa hotel and convention center sa may dulong bahagi ng highway, medyo malayo layo sa walters mall.
mula sa bintana, kitang kita kung gaano ka-elegante and disenyo ng building, mga kasing laki niya ang KAYW ent. Agad kaming bumaba at hinanap yung iba pa naming kasama.
"Argh," saad ni Kenji habang nag-s-stretching. Mukhang napasarap tulog niya. Nasa tapat lang kami ng sasakyan nila Wyeth, hinihintay naming bumaba si Yatzhi.
"Tulog parin?" Tanong ni Daniel kay Wyeth, ginigising niya si Yatzhi. Umiling siya nang ayaw talaga magising ang isang 'to.
"Ang tagal," naiinip na sabi ni Yurielle.
"Buhusan niyo tubig," suggestion ni Zeus.
"Kurutin niyo nalang utong niya," suggestion naman ni Kenji. Tumango naman si Wyeth at ginawa nga.
'Siraulo.'
Nagising si Yatzhi sa sobrang sakit. Muntikan na sila magka-sakalan ni Wyeth sa loob. Nakakatawa sila tingnan lalo na si Yatzhi na parang maiiyak na.
"Mga puta kayo!" Sabi niya habang hinihimas himas dibdib niya. Bumaba na siya sa kotse. "Mga animal! Mga walang puso!"
Agad na tinuro ni Wyeth si Kenji, "inutusan niya lang ako."
"Ikaw!?" Duro niya kay Kenji. Tinaasan lamang siya ng kilay nito. "Hmp, pasalamat ka marupok ako."
'Hala ka.'
"Lumayo layo ka sa'kin nandidilim paningin ko," banta ni Kenji. Dumiretso na siya agad sa entrance. Sumunod naman sila sakanya. Naiwan kaming tatlo ni Haru at Yatzhi.
"Huhuhu, mga walang hiya kayo. Pagtapos niyo ko saktan, iiwan niyo lang ako." Pandadrama ni Yatzhi.
"Okay lang yan hehe." Ang tanging naisip kong sabihin sakanya para gumaan loob niya. Hinimas himas ko nalang likod niya.
"Hindi ito okay!"
"Wag mo siya sigawan."
Ngumuso si Yatzhi. "Edi wow. Porket mag-jowa kayo."
"Hindi ah!" Sabi ko.
"Weh."
"Oo nga!"
"Bahala ka diyan! Mauuna na 'ko sumunod nalang kayo pag trip niyo na." Paalam ni Yatzhi pero bago siya umalis lumapit siya kay Haru at may binulong.
Nag-blush si Haru. Dahil doon, na-c-curious na ako, ano sinabi niya!
"Pst." Tawag ko sakanya. Nilingon niya agad ako. "Ano sabi niya?"
Mas lalo siyang nag-blush dahil sa pagtanong ko. "Wala." Sabi niya at dumiretso sa entrance.
'Ang galing. Iniwan na rin niya ako dito.'
Wala akong nagawa kundi umiling habang naglalakad. Kung ano man 'yon, malalaman at malalaman ko parin yan.

BINABASA MO ANG
When I was your fan
Teen Fiction' You're a youtuber who's waiting to get a chance to collaborate with your all time favorite idol. Will you be able to grab the opportunity? Or will that dream remain as a dream? start: Dec 21,2019 published: Dec 25,2019 ☆COMPLETED